SEVENTEEN

27 2 4
                                    


Nakaupo lang si Jungmo sa tabi ng kama ni Mae, hindi parin kasi ito nagigising

Alas tres na ng madaling araw, pero hindi nya parin magawang makatulog, hawak hawak nya lang ang kamay nito at hinihiling na magising na.

He missed Mae so much, ilang buwan na rin nya itong hindi nakita o nakausap man lang. Sinisisi nya rin ang kanyang sarili dahil sya ang may kasalanan kung bakit ito naglaslas.

Bigla nyang naalala si Ash kaya agad agad nyang kinuha ang kanyang cell phone para tawagan ito.

"Hello?" boses ni Serim ang sumagot kaya nagtaka sya

"Nasaan si Ash?" tanong nya

"Nasa kwarto ko natutulog" biglang nagdilim ang mata nya

"Bakit nandyan sya? anong nangyari?" matigas na tanong nya

Serim chuckled

"We're just having fun, Naginom sya sa bar kanina at umiiyak" sagot ni Serim

"Having fun? what fun?!" hindi nya napigilan ang pagsigaw

"Oh come on, hindi ko sya kinama! nag sayaw lang kami sa dance floor haha" umikot ang mata ni Jungmo

"Okay fine! just take care of her, I trust you!" tumawa lang si Serim at binaba na ang tawag.

Napabuntong hininga sya at tinapunan ng tingin si Mae na namumutla ang balat

hinalikan nya ang kamay nito at unti unting tumulo ang mga luha nya.

"I'm sorry Mae, wala akong proper goodbye sayo pero pangako aayusin ko ito" Bulong nya kay Mae kahit alam nyang hindi naman nito sya naririnig.

"Hey good morning " napabalikwas ng higa si Ash ng marinig ang boses ni Serim na umalingawngaw sa buong kwarto.

"B-bakit ako nandito? nasaan ako?" ngumiti lang si Serim kay Ash "Nasa condo kita, lasing tayo pareho kagabi so.."

"I cooked a food for you, let's eat" yaya ni Serim at nauna na itong lumabas ng kwarto

Napabuntong hininga sya at napatingin sa cellphone nya dahil mukhang may nag text doon, kaya binasa nya kaagad at nakita nya ang pangalan ni Jungmo.

Jungmo:

Nandito na ako, kagabi pa sorry ngayon ko lang naalala.

Sya:

It's okay.

Take care.

Inilagay nya na sa slingbag nya yung cellphone nya nang tawagin sya uli ni Serim syaka nag ayos muna bago lumabas ng kwarto.

"First time kong magluto ng adobo sana magustuhan mo" nagalalang sabi ni Serim habang nag pinagsasandok sya ng adobong kaluluto lang.

"Don't worry sure ako masarap ito" nakangiting sabi nya at agad tinikman yung adobo.

Tinignan lang sya ni Serim na may pagaaalala sa mata

"Ano? it's good?"

"Yes! masarap!" nakahinga ng maluwag si Serim sa isinagot ni Ash at nagsimula na din tikaman ang sariling luto.

"Not bad" sabi nya rin at nagtawanan silang dalawa.

"Tumawag si Jungmo kanina sa cellphone mo, ako na yung sumagot ayoko naman kasing gisingin ka pa"

"Anong sinabi nya?" kunot noong tanont ni Ash habang kumukuha ng tubig nila sa refrigerator

"Nothing, hinahanap ka lang. Ang sabi ko tulog kapa" napalunok sya, hindi kaya na missunderstand ni Jungmo ang mga sinabi ni Serim?

"Don't worry, ang sinabi ko wala naman tayong ginawang masama HAHAHA" napairap sya sa sinabi ni Serim at bumalik na uli sa upuan nya.

"Binili kita ng dress kanina sa isang shop malapit sa pinagbilhan kong grocery" nagtaas ng isang kilay si Ash at ngumisi lang itong si Serim

"You know my size?" she asked "Of course madali lang tandaan yang katawan mo, No! I mean yung basta" napairap nalang sa hangin si Ash.

"Bagay mo!" nakangiting sabi ni Serim habang pinagmamasdan sya na kalalabas lang ng kwarto.

"Thank you dito" nakangiti ding sabi ni Ash habang inaayos ang dress na color ulap

puti ito at simple lang ang desensyo. Sakto lang din ang haba para sakanya.

"Hahatid na kita?" tumango nalang sya dahil kapag hindi sya pumayag ay pipilitin lang sya nito.

"Totoo ba yung sinabi mo kagabi na si Mae ang dahilan kung bakit pumunta si Jungmo sa New Zealand?" lumunok si Serim habang diretso parin ang tingin sa daan.

"Hmmm Yup, pero don't worry babalik din naman ata sya kaagad" tumango lang si Ash at lumingon sa bintana

"Hopefully she's gonna be okay" tinignan sya saglit ni Serim at bumuntong hininga ito.

"Ngayon uuwi si Jungmo nag promise sya at kapag hindi sya umuwi ngayon aalis ako" kumunot ang noo ni Serim at hininto na ang kotse sa harap ng bahay nila ni Jungmo..

"Aalis ka nga talaga?" inirapan sya ni Ash bago sya bumaba para pagbuksan nya ito.

"Yes, kapag sinabi ko sinabi ko Park Serim" sarcastic na sabi nya at nginitian si Serim "Okay sabi mo eh"

"Thank you for ride" ngumiti si Ash at kinaway ang kamay kay Serim na pasakay na "Welcome, Ingat" tumango nalang sya at sinarado na ang gate.

"Teka!" napahinto si Ash ng tawagin sya uli ni Serim na binuksan ang bintana ng kotse nila.

"Sunduin kita mamayang 8pm okay? mag suot ka ng dress" kahit na may pagtataka ay tinanguan nya parin si Serim.

ONLY MINE💫Koo Jungmo.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora