THIRTY FOUR

13 2 15
                                    


"Happy birthday Layla! Happy birthday Layla!" nakisabay si Jungmo sa pagkanta ng mga kaibigan para sa kaarawan ng anak nila Allen at Lilianne na si Layla na ngayon ay limang taong gulang na

At limang taon na rin ang nakakalipas simula noong iwanan sya ni Ash, ni anino ay hindi nagpakita sakanila,wala din syang balita dito kung nasaan ba ito dahil ang huling hiling lang sakanya ni Ash ay wag na nya itong hanapin kaya kahit masakit ay hinayaan nya nalang pero syempre paminsan minsan ay hinahanap nya din ito kapag nasa business trip sya pero wala hindi nya ito maagilap.

"Birthday din ni Ash ngayon, kasi alam kong ka birthday nya itong si Layla" sabi ni Lilianne na nakatingin lang sakanya

"Oo nga e, she is already 25 na" nakangiting sabi ni Jungmo na ikinangiti din ni Lili

"At heto rin yung age na gusto nya talagang magpakasal" sabi ni Lili at umupo sa tabi nya

"Papakasalan ko sana sya uli kaso wala na, wala sya" kahit na nakangiti si Jungmo ay kitang kita ni Lili ang pait ng kanyang pagngiti

"Okay lang yan, babalik din sya okay? hindi man ngayon pwede ring bukas or one day" tumango tumango naman si Jungmo

_

"Buti pa kayo e noh may mga jowa na" sabi ni Jungmo habang nag iinom sila sa isang club nila Seungyoun at Ashton

"Wag mong sasaktan si Mae, ako makakalaban mo" pabirong sabi nya kay Seungyoun na ngayon ay nakaakbay kay Mae

"Alam ko, at mahal na mahal ko to eh" sabi nito at kinurot pa ang pisngi ni Mae

Tinignan naman ni Jungmo si Ashton ang ang model nitong girlfriend na sobrang harot.

"Ewan ko ba kung bakit sobrang harot ng dalawang yan" natatawang sabi ni Mae "Maharot talaga yang si Aimee pockerist eh" bulong naman ni Seungyoun na ikinatawa nila ng mahina

"Mahilig pala sa pockerist si Ashton HAHA" dagdag pa ni Jungmo na ikinatawa nila ng malakas kaya napatingin skanila yung dalawang naghaharutan sa dance floor

"Dance with us" yaya ni Ashton "No thanks mamaya nalang" sagot ni Jungmo "Sasayaw kami ha? mamaya na" tumango lang si Jungmo at tumungga ng isang basong whisky

Limang taon na pala ang nakalipas pero sobrang sakit parin sakanya, pero patuloy parin ang buhay nya dahil umaasa syang babalik si Ash, babalikan sya nito kasama yung anak nila

"Malaki na kaya sya? babae or lalaki? hayst kung lalaki sana kamukha ko" sabi nya sa sarili nya at napatawa.

Iinumin nya na sana uli yung isang basong whisky nang matapon ito sa damit nya dahil may isang malikot na bata ang tumakbo at nagtago pa ito sa ilalim ng mesa nila.

May nakita syang mga guard na parang humabol sa bata kaya nagtaka na sya

Kaya nang kunin ito ng mga guard ay pinigilan nya ito "Ako po yung daddy nya, pasensya na po ha" tumango naman yung mga guard at ibinigay ito sakanya "Pasensya na po sir, pero bawal po kasi yung mga bata dito eh bigla nalang pumasok yung bata eh"

"Pasensya na din po , sige na po uuwi na ko sya" binuhat ni Jungmo yung batang babae na siguro ay nasa idad apat na ton

walang nagawa si Jungmo kundi ang ilabas ang bata.

binaba nya ito at yumuko sya para makausap ito

"Nasaan ang parents mo?" he ask "Tinaguan ko bakit? anong problema mo? ang sabi mo daddy ko pero hindi naman, wala akong daddy pero mommy na maganda meron" natawa sya bigla sa sinagot ng bata "Sino ba yang mga parents mo hindi ka tinuruan kung paano gumalang ha bata"

"Hindi ako si bata, ako si Alice, mister" sabi nito at kahit fluent naman ito sa language nila ay halatang iba ang pag pronounced nito

"Where you from?"

"Switzerland" tipid na sagot nito "Oh I see"

"Pero nasaan nga ang mommy mong maganda?"

"Hindi mommy kong maganda yung name nya, Her name is Ash Colline Jeon!" napatigil sya ng marinig ang pangalan ni Ash kaya nagtaka na talaga sya

"A-and ikaw anong buo mong pangalan?" kinakabahan ng tanong nya

"Alice Koo-"

"Oh ayan na pala" agad tumakbo yung bata  mula sa likuran nya kaya dahan dahan syang tumingin sa likuran nya pero hindi si Ash yung nakita nya

mukhang pareho lang ng pangalan pero hindi talaga iyun si Ash, nawalan tuloy sya ng gana

"Bye mister, sana makita kita uli!" kumaway na yung bata habang hawak hawak ito ng isang babae

Tumalikod na sya uli at medyo nalungkot dahil ang akala nya ay si Ash na talaga yun.

ONLY MINE💫Koo Jungmo.Where stories live. Discover now