ONE

110 6 4
                                    

Nagmamadaling tumatakbo lang si Jungmo pasakay sa kotse sya pero napahinto sya ng may nakita syang babae na nasa taas ng isang rooftop sa building sa tapat nya umuulan pa at masyado ng gabi  kaya hindi nya gaanong maanig ito.

Pero hindi sya nag kakamali may babaeng nakatayo doon at mukhang mag susuicide.

kahit nag mamadali sya sa paguwi para kitain ang kanyang girlfriend wala syang choice kundi umakyat doon sa building para mapigilan kung ano man ang nais gawin ng babae.

"Miss! sandali!" sigaw nya dahil maingay ang hangin at pagpatak ng ulan

lumapit sya dito, at nagulat sya ng matumba ito sa lapag

"Miss?! are you okay?" tanong nya dito at binuhat

kahit madilim at napansin nya ang kagandahan nito. umiilaw ito sa puti kahit madilim.

Wala syang nagawa kundi ang dalhin ito sa hospital, pero huli na sya dahil sarado na ang pinto pababa.

Na stuck sila  sa rooftop.

Naghanap si Jungmo ng masisilungan nila, at may nakita syang isang maliit na silungan doon kaya umupo sya doon habang pasan pasan ang babae.

pinahinga nya ito sa mahabang upuan doon habang nakaunan ito sakanya.

"Aish! hindi ko na makakausamakakausap si Mae dahil sayo!" bulyaw nya pero naawa din sya sa babae na walang malay

hindi nya rin alam ang gagawin, natatakot sya baka hindi na ito magising, kaya hinawi nya ang buhok nito at tinignan kung humihinga pa ito

inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha nito para makilala kung sino ang babae at laking gulat nya ng mumulat ito at biglang umupo

"N-nasaan ako?" takang tanong nito pero hindi sya pinansin ni Jungmo.

"Na stuck tayo dito sa rooftop dahil sayo" kumunot ang noo ng babae.

"Bakit mo ako pinigilan?!" pagalit na bulyaw nito.

"Gusto ko ng mamatay! sawang sawa na ako sa mundong ito!" kahit na madilim kitang kita ni Jungmo ang mga luhang pumapatak sa pisngi nito.

"Aalis na ang girlfriend ko ngayon, pero hindi ko sya nagawang makausap kahit sa muling sandali nang dahil sa pagligtas sayo, tapos ikaw pa yung may ganang magalit saakin tsk" umirap lang yung babae at akmang magtutungo uli doon para tumalon pero nahawakan ni Jungmo ang kamay nya at hindi sinasadyang maglapat ang mga labi nila.

Ilang segundong ganon ang posisyon nila, at sa sandaling iyun nakaramdam ang babae ng kakaibang spark

parang ang daming butterflies sa tiyan nya.

inilayo na ni Jungmo ang mukha nya sa babae at nagiwas sya ng tingin

"Pervert!" sigaw ng babae at sinampal sya nito

nagulat naman sya sa sampal nito

"hahalikan uli kita kapag sinubukan mong mag suicide, umupo kana dito" utos ni Jungmo at wala namang nagawa ang  kundi umupo sa tabi nya

_

"Jungmo!" nagising si Jungmo nang may lalaking naanig nya sa harapan nila ng babae

nakaunan ito sa binti nya at mahimbing na natutulog.

"W-Woobin?" tawag nya at nag unat sya

"Bakit nandito ka?! alam mo bang naghintay si Mae doon sa bahay nila! Wala na nakaalis na sya kanina! kami na ang naghatid sakanya na dapat ikaw ang gumawa non!" bulyaw sakanya ng kaibigan

"At sino itong babaeng to? chicks mo?" tinignan nya ng masama si Woobin

"Tinulungan ko sya kagabi, balak nyang mag suicide, hindi ko naman alam na ma sstuck kami dito sa taas."

dahan dahang inalis ni Jungmo ang pagkakaunan sakanya ng babae at tumayo ito.

"Gusto ko ng umuwi" sabi ni Jungmo pero pinigilan sya ni Woobin

"Teka, paano itong magandang babae na ito?" tanong nya at muli nyang inilipat ang tingin sa babae

Oo nga sobrang ganda nito ngayong maliwanag na at maganda ang hubog ng katawanan nito

nakasuot din ito ng black dress na at mukhang kagagaling sa isang party.

"Hayaan mo na sya kaya nga na sarili nya" walang reaction na sabi ni Jungmo at nauna na itong maglakad paalis

sinundan nalang sya ni Woobin.

_

"Bakit ngayon kalang?" bungad agad ng daddy ni Jungmo ng makapasok sya sa loob ng bahay

"Look at this!" bigla nitong binato ang diyaryo sakanya

at nanlaki yung mata ng makita ang larawan nila ng kasama nyang babae at maraming news ang nakasulat doon

"Tinakas mo sya sa engagement party nya?! isang malaking kakahiyan lang sa pamilya Koo Jungmo!" nanginig sya sa galit pero pinipigilan nya

wala syang alam sa nangyayari dahil intensyon nya lang na iligtas yung babaeng yun

pero bakit umabot sa ganito? ang bilis naman ng balita.

"Isang Jeon ang binabae mo Jungmo at mayaman din ang pamilya nila! ano nalang ang sasabihin natin kay Mae kapag nalaman nyang niloko mo sya? at sumama kapa sa babaeng yun at hinayaan syang maghintay tapos hindi ka man lang dumating sa flight nya!" napayuko sa pagkadismaya.

hindi nya hahayaan na lumala ang issue na yun.
Wala syang kasalanan, wala syang alam.

"Napagdesisyunan ko na, magpapakasal kayo ni Jeon Ash!" nagulat sya sa sinabi ng ama

"daddy! hindi naman po tama ito, isa lang po ang gusto kong pakasalan, Si Mae lang ang mahal ko!"

"No more butting Jungmo! iaarrange ko na ang engagement nyo!"

niyukom ni Jungmo ang mga kamao nya at umakyat sa taas para magkulong sa sariling kwarto.

Talo nanaman sya, bakit nya kasi hinahayaang mangyari ito

at hindi nya mapapatawad kung sino man ang nag picture sakanila.

ONLY MINE💫Koo Jungmo.Where stories live. Discover now