TWENTY THREE

17 2 7
                                    


"Malamig?" nagaalalang tanong ni Jungmo kay Ash, habang naglalakad sila sa labas ng venue

natapos na din kasi yung fashion show

"Medyo, pero ayos lang" nakangiting sagot ni Ash at humawak sa mga braso ni Jungmo, napangiti din si Jungmo at sinabayan si paglalakad si Ash.

"Nag enjoy talaga ako sa fashion show kanina, isa yun sa best na na experience ko sa whole life ko" tumango tango lang si Jungmo bilang sa pagsangayon dahil halata naman sa mga mukha ni Ash na masaya at sobrang nag enjoy talaga ito kanina.

Jungmo have nothing else to asked but Ash happiness, he don't want to hurt her again.

"Ano yung pinaka best na na experience mo Ash?" Jungmo asked, napahinto sila paglalakad at tinignan sya ni Ash sa mga mata

"Yung sinabi mo gusto mo ako" hindi alam kung ni Jungmo kung anong gagawin nya ng tumulo na ang mga luha ni Ash

"Shshsh don't cry" pagtatahan nya dito sabay punas sa mga luha nitong tumulo sa makinis na pisngi nito.

"I'm just happy, this is how I expressed my feelings" natatawang sabi ni Ash at napayuko sya para punasan ang sariling luha.

"Kahit na, kasi ayokong nakikitang umiiyak ka, nasasaktan din ako alam mo ba yun?" umiling si Ash kaya napasinghal si Jungmo

inalis nya ang coat nya at pinatong sa mga balikat ni Ash at naglakad na sila uli "Kasi kapag umiiyak ka nalulungkot ako, kahit tears of joy pa yan"

"Sorry" mahinang paghingi ng paumanhin ni Ash habang diretso ang tingin sa daan.

"Kahit madilim, sobrang ganda mo parin sa damit mong yan" napangiti uli si Ash sa papuri sakanya ni Jungmo

"Ikaw talaga bolero pero thanks ha!"

"Can we stay here for a while?"

"Sure" madaling tugon ni Ash at sinundan si Jungmo na nauna ng maglakad sa tapat ng sasakyan nila

"Saan ba?" kunot noong tanong ni Ash dahil naguguluhang na sya sa kilos ni Jungmo

"Stay there" sumunod nalang si Ash sakanya.

Huminga muna ng malalim na hininga si Jungmo bago muling pinagmasdan yung isang ring na binili nya kanina bago siputin si Ash sa salon

Balak nya kasi uli itong pakasalan sa beach.

"As-" napatigil sya ng makita si Mae sa likod nya

"M-Mae?" hindi makapaniwalang tawag nya dito.

Bigla syang niyakap nito at umiyak sa mga balikat nya "I missed you so so so much" bulong nito na umiiyak na.

"I-I know..." sabi nya at muling tinignan si Ash na unti unting nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan yun ng mga luhang ayaw na ayaw nyang nakikita saknya.

Pero ano bang magagawa nya? kundi hayaan na itong umiyak habang yakap yakap nya ang babaeng unang minahal.

"Kanina pa kita hinihintay sa bahay nyo, pero buti nalang natagpuan na kita dito" sabi ni Mae

pero hindi nya yun gaanong naintindihan dahil nakatingin sya kay Ash na ngayon ay yakap yakap ni Seungyoun

nakita nya pa ang pagalis ni Youn ng coat nya sa balikat ni Ash at nilapag nalang kung saan.

hinubad naman ni Youn ung suot nyang Jacket at sinuot kay Ash na parang estatwa parin

nagkatinginan sila ni Youn at sinamaan sya ng tingin nito bago pinasan si Ash na pumasan din kay Youn habang nakatingin din ito sakanya.

Wala syang magawa, wala syang masabi, wala syang maisip sa ngayon

Gusto nyang puntahan sila Youn at Ash pero syempre aasikasuhin nya parin si Mae na ngayon ay ang nasa tabi nya.

"Are you okay?" tanong nya dito at umiling ito

"I'm tired" sagot nito na pinagaalala nya

pumasok na sila sa kotse at inuwi nya muna ito sa bahay nila.

Pero wala doon si Ash ng buksan nya ang bahay nagaalala din sya pero sa ngayon ay kay Mae muna ang attention nya

Nakatulog kasi ito sa biyahe kaya binuhat nya ito papasok sa guest room nila at binantayan.

He missed her so so so much, at alam nya parin na may konting puwang pa si Mae sa puso nya.

"Jungmo?" tawag skanya nito ng magising ito ng kaunti

"Yes?"

"Please stay with me I need you, Jungmo I need you" tumango sya at hinalikan ito sa noo

"Oo naman, mag sstay ako don't worry okay?" tumango lang ito at pumikit na uli

"Gusto ko paggising ko nandyan ka parin" ngumiti si Jungmo at tumango

"Promise" bulong nya

"Goodnight , sleep well" ngumiti din ng kaunti si Mae at natulog na kaagad

Tinignan ni Jungmo yung mga pulso nito na hindi pa gaanong magaling yung sugat

nagaalala sya, dahil hindi pwedeng mapagod si Mae dahil bababa ang dugo nito.

Napahawak sya sa ulo nya dahil sa gulo nang pagiisip nya

kinuha nya sa bulsa yung singsing na ibibigay nya kay Ash sana kanina.

kaso hindi natuloy, tapos kasama pa nito yung ex nyang si Youn ngayong gabi kaya napakalaking selos ang naramramdaman nya pero may part na ayos na din yun kasi alam nyang safe ngayon si Ash.

ONLY MINE💫Koo Jungmo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon