THIRTY TWO

17 2 9
                                    


Nagising si Jungmo nang tumunog yung alarm clock kaya agad nya itong pinatay sabay yakap sana sa tabi nya pero nagtaka sya ng wala si Ash dito

kaya tumayo sya para tignan ito sa shower room "Ash?" tawag nya dito pero wala ito kahit saan

nagalala nya sya bigla dahil pati sa kusina or sa balcony ay wala ito

kinuha nya agad yung mga importanteng gamit nila sa condo at balak nya itong tawagan pero naiwan nito ang cellphone nya at nandoon din yung passport at yung bag nito

"Aish" inis na sambit nya at nagmadaling lumabas kahit 4 am palang at sobrang lamig.

Nagtungo sya kila Mae nagbabakasaling nandoon sya

"Hm? ang aga mo bakit?" tanong ni Mae na mukhang kagigising lang din "Nawawala si Ash, nandyan ba sya?" nanlaki yung mata ni Mae

"Huh? wala eh bakit? baka lumabas or ano?"

"H-hindi ko din alam nagising nalang ako nang wala sya" sagot ni Jungmo at hindi na sya mapakali

biglaang tumunog yung cellophone nya na agad nya rin itong sinagot "Hello"

"J-Jungmo, tulungan mo ako" nang marinig nya yung boses ni Ash na parang nahihirapan ay agad na syang kinabahan

"W-Where are you? at anong nangyayari?!"

"Nandito parin naman sya sa Takapuna New Zealand sa bandang malapit sa airport" biglang naginit yung dugo ni Jungmo dahil lalaki na ang sumagot

"Anong kailangan nyo sakanya?! bakit nyo sya kinuha! wag na wag nyo syang sasaktan!"

"HAHA, utos lang nila Madame Jeon at Mr.Jeon saamin Mr. Koo, at kapag hindi ka sumipot ngayon dito at walang dalang isang billion mamamatay sila"

"Damn! sila?!"

"Oo si Miss Ash pati na rin yung little squishy baby nyo HAHA"

"S-she is pregnant?!"

"Oo, sinabi nya kanina para daw pakawalan namin sya"

biglaang pinatay ni Jungmo ang tawag "Mae, paki sabi kila Seungyoun at Ashton kailangan ko sila ngayon na!"

kahit na sobrang sakit ng ulo ng dalawa agad si lang nabuhayan dahil sa sinabi ni Jungmo.

_

"Pakawalan nyo na ako maawa kayo saakin" hinang hinang pagmamakaawa ni Ash habang tinitignan sya ng mga lalaking dumakip sakanya

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong madamay pati yung bata dyan sa tyan mo"

"Ash!" agad syang napaangat ng tingin ng marinig ang boses ni Jungmo

Lalapitan na sana sya nito ng pigilan ito ng mga lalaki

"Jungmo!" sigaw nya habang nagpupumilit si Jungmo na makawala

nagpaputok naman ng baril ang isa sa mga lalaki

Pinilit ni Ash na kumawala sa pagkakatali sakanya kaya nang makawala sya ay agad nyang inagaw sa isang lalaki ang baril

"Pakawalan nyo kami kung ayaw nyong-" nabitin ang sasabihin nya nang may isang lalaking kumuha sa hawak nyang baril

"Bibigay ko naman yung isang bilyon, bitawan nyo si Ash " seryosong utos ni Jungmo

bigla namang dumating si Seungyoun at si Ashton na may dalang itim na case

"Heto na yung pera, pakawalan nyo sila" utos ni Ashton sabay lapag ng case

Agad naman nilang pinakawalan si Jungmo at si Ash

Kinuha na rin ng mga lalaki ang itim na case

Pero bigla paring tinutukan ng baril si Jungmo at si Ashton

"Akala nyo hanggang dito nalang ito, HAHA Ash mamili ka ang iyong kuya o si Jungmo?"

"H-Hindi ko alam!" naguguluhang sagot nya

nagulat nalang sya nang biglang narinig syang putok ng baril

Sunod sunod ang pagputok kaya't nawalan na sya ng pandinig at nawalan ng malay.

ONLY MINE💫Koo Jungmo.Where stories live. Discover now