"Don't mind them, Milo. Just let them be." Pagpapakalma niya dito. 

Ang akala niya ay hindi madaling magselos si Milo ngunit 'yung ganu'ng simpleng pananalita pa lamang ng ibang lalaki tungo sakaniya ay para ng mananapak si Milo. 

"They steal you from me-" 

"They didn't steal me from you, Milo. You won't let them steal me from you, right?" 

Mabilis pa sa alas kwatrong tumango si Milo. "Of course! Hinding-hindi. You're mine."

I'm yours, Milo. 

Agad nitong pinulupot ang braso sa bewang niya na para bang aagawin siya ng kung sino man kaya mahinang natawa si Santa. 

"Wow, ate ang galing-galing niyo pong magsalita ng ingles," puno ng manghang sabi ng isang batang babae kaya agad niya itong nilingon. 

"Pwede niyo po ba kami turuan?" nakangiting tanong ng batang lalaki. 

Nagkatinginan muna silang dalawa ni Milo. 

"I'm scared..." Natatakot siya na baka hindi niya maturuan ng maayos ang mga bata. 

"You don't have to be scared. You can teach them well, okay?" Hinaplos nito ang pisngi niya kaya lahat ng pangambang nararamdaman niya ay nawala. 

Malalim siyang bumuntong hininga at nakangiting tumango kay Milo at agad nilingon ang mga bata. 

"Oo naman. Tuturuan ko kayo mamaya," nakangiting sabi niya at ginulo ang buhok ng mga bata na nasa harapan niya isa-isa. 

"Naku. Maraming salamat, Santa," biglang sabi ng ginang kaya agad siyang nag bow dito. 

"Walang anuman po. Sobrang liit na bagay." 

"Sobrang swerte ni Milo sa'yo," natatawang sabi niya at ginulo ang buhok niya kaya hindi niya maiwasang mapapikit. 

Mahina siyang natawa at umiling. "Sobrang swerte ko rin po kase meron akong Pomilo Rozen."

"Edi swerte po kayo sa isa't-isa!" masiglang sigaw ng bata. Agad namang silang nagtawanan. 

"Nasaan 'nga po pala si inay?" tanong ni Milo habang palinga-linga sa paligid. 

"Nandoon pa si nanay Pamela sa bahay niyo," sabi ni Peanut at nag stretching. "Kumain na tayo! Baka lumamig 'yung pagkain." 

"Kainan na!" sigaw ng lahat kaya hindi maiwasan ng dalaga na matawa. 

Ngayon niya lang napansin na nakalatag na pala ang kanin at iba't-ibang ulam na hindi pamilyar sakaniya sa isang malaking dahon ng saging. 

"Mauna ka na munang kumain. Puntahan ko lang si inay," sabi ni Milo at tinapik ang likod niya. Agad namang siyang tumango at nakisalo sa pagkain. 

Mabuti na lang at nandoon si Peanut at ang ibang tao na nagturo sakaniya kung paano kumain ng naka kamay. Pinakilala rin nila sakaniya ang iba't-ibang uri ng pagkain na nasa harapan niya. At karamihan doon ay nagustuhan niya pero meron ding hindi niya nagustuhan. Especially ang pinaka paborito at patok na pagkain sakanila. 

Hindi maiwasan mas lalong manlambot ng puso ng hindi nila sinabihan ng maarte at masyadong spoiled ang dalaga dahil hindi niya nagustuhan ng ibang pagkain na paborito nila. 

And they not consider Santa as a evil bitch rich people. They treated Santa equal that's why everytime Santa will glance at them she can't help to smile. Maybe next time she will visit here again with Lea and Rian. 

"Magandang araw, Chrysanta."

Nanlalaking matang lumingon siya sa likuran niya. Halos lumuwa na ang mata niya ng makita ang babaeng version ni Milo. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt