"Can you help me?" 

Nagningning ang mga mata nito ng marinig iyon. Talima siyang tumango. "What kind of help!?" 

Malalim muling bumuntong hininga si Santa at diretsyong tumingin sa mata niya. "Pwede bang dalihin mo sina Rian and Lea sa bahay niyo? Hanggang sa makabalik ako doon muna sila." 

Unti-unting nanlaki ang mata ni Pepper. "What do you mean na hanggang sa makabalik ka-" 

"Sasama ako kay Milo na pumunta sa probinsya nila." 

Ilang minutong natahimik ang pagitan nila. Pinapanood niya lang ito na magkurap ng ilang beses at unti-unting umuwang labi niya.

"P-Paano s-si tito-" 

"Siya mismong nag-utos sa'akin nito," mahina niyang sabi at tumingala. 

Sa naalala niya noong pinakita sakaniya ni Saddy na may cctv sa kwarto niya ay galing ang camera mula sa itaas. Hindi niya makita ang maliit ng camera kaya sa langit na lang siya tumingin. 

Hindi niya alam kung nanonood ba sakaniya ang dad niya ngayon. Ngayon ay balak niyang gawing alas si Milo. Gagawin niya lang dahilan si Milo pero hinding-hindi niya p-pekein ang lahat ng kinikilos niya sa harapan ni Milo. In short ay hinding-hindi niya papaasahin si Milo katulad ng balak ng dad niya. 

"Santa..." 

"Gusto kong masiguradong nasa puder niyo ang dalawa kong kapatid bago ako umalis." Bumaba na ang tingin niya kay Pepper na nakatitig lang sakaniya. "Hindi ako mapapalagay kung iiwanan ko sila ditong mag-isa." 

Malalim itong bumuntong hininga sska tumango. "Hihingi ako ng tulong kay mommy para makuha niya ang dalawa kong pinsan."

Malawak na ngumiti si Santa. "Thank you so much, Pepper."

"Walang anuman. Matatapos din 'tong paghihirap niyong tatlo." 

I hope so...

Sukong-suko na siya at unti-unting na siyang nawawalan ng pag-asa ngunit sa tuwing sumasagi sa isip niya ang gusto niyang maging hinaharap niya kasama ang dalawa niyang kapatid ay doon siya nabubuhayan. 

Lalaban siya hanggang nand'yan pa ang dalawa. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Lately hindi na natin nakakasama si Poppy. Saan ba nagpupunta kapatid mo, Pepper?" takang tanong ni Saddy habang nag mamaneho siya. 

Agad namang kumunot ang noo ni Pepper. "May gusto ka ba sa kapatid ko at gan'yan ka na lang mag-alala para saka-" 

"Wag ka 'ngang masyadong oa, Pepper. I'm just concern to Pepper. Mas lalo na at kakaiba ang dugo ng Salvador na 'yun." 

"Saddy is right. What happened to Poppy?" nag-aalalang tanong ni Santa dahilan para malakas na napabuga ng hagin si Pepper. 

"Minsan ko na rin siya makita. Kapag bibisitahin ko naman ang kwarto niya laging na lock o hindi kaya hindi ko na siya naabutan doon."

"D'ba mag kasama kayo sa klase?" tanong ni Saddy at sumulyap sa rear mirror. 

Agad namang tumango si Pepper. "Oo, pero kapag kakausapin ko na siya biglang may lumalapit sakaniya na babae o kung sino man kaya wala na kong nagagawa kung hindi hayaan sila na makaalis."

"I really smell something fishy," nakangiwing sabi ni Saddy at tinigil na ang kotse. 

"Minsan babantayan ko na talaga 'yung babaeng 'yun," iling na sabi naman ni Pepper at sinuklib ang maliit na bagpack sa likuran niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora