PROLOGUE

243 69 52
                                    


Maaga akung umuwi sa aming bahay dahil kailangan ko pang tulungan si mama sa pagtitinda nang balut.

Naaawa na ako kay mama kaya nagsisipag ako sa pag-aaral dahil kapag naka tapos na ako ibibigay ko kay mama ang lahat nang pangangailangan niya at iparanas sa kaniya ang buhay na ni kailan man ay hindi namin naranasan hindi palang ako naipanganak sa mundong ito iniwan na kami nang papa ko iyon ang sabi nang lahat na mga nakakakilala sa amin pero ang sabi sa akin ni mama ay hindi kami iniwan ni papa kailangan lang talaga nito umalis dahil may kailangan itong gagawin pero hanggang sa pag laki ko ay hindi ko man lang makita ni anino nito minsan naisip ko rin na baka nga iniwan kami nito na hindi kami mahal nito pero kapag naalala ko ang sinabi sa akin ni mama ay nawawalan lahat nang nigatibong pumapasok sa utak ko.

"klaire anak ako na muna ang magbabantay ngayung gabi umuwi kana muna at nang makatulog ka nang maaga bukas pa naman ang unang pasukan mo sa kolehiyo" naka ngiti nitong turan.

"okay lang ma at tsaka baka mahirapan ka dahil sa sakit mo sa likuran mo kaya sasamahan kita okay lang naman ma"

"sigurado ka anak baka tulugan mo ang guro mo sa unang klase mo" tumatawa pa ito kaya Napatawa ako.

Palaging ganito ang eksena papauwiin ako ni mama at ako naman ay idadahilan ko ang sakit nang likuran niya kaya kailangan niya ako dito kaya naman hindi na ako nito pinipilit na umuwi kapag iyon na ang dahilan ko.

Even though I have a hard time sometimes, ay kailangan kong kumilos para sa amin ni mama dahil hindi pwedeng sa pagtitinda lang nang balut kami aasa para sa araw-araw naming panggastos kaya kumuha ako nang part time job sa isang coffee shop.

Tinignan ko ang oras at pasado alas diyes na nang gabi kaya napagpasyahan na namin ni mama na umuwi lalo pa at malamig bawal sa malalamig na lugar si mama dahil nga sa sakit nito sa likod niya ilang beses ko na rin siyang inaya na magpunta sa doctor para mapatingnan kung ano ang dahilan nang pagsasakit nang likod niya pero palagi naman ako nitong tinatanggihan dahil okay pa naman daw siya at kailangan ko daw ang pera para sa pag-aaral

Maaga akung nagising kaya ako na ang nagluto nang agahan ginawa kona lahat nang gawaing bahay para makapag pahinga naman si mama.

Masyadong mahalaga sa akin si mama kaya ayaw kung nagkakasakit siya naiiyak ako sa tuwing nagkakasakit siya sakitin si mama kaya naman ginagawa ko ang lahat nang makakakaya ko para hindi siya masyadong gumagalaw-galaw baka mapano pa ang likod niya.

"Ma pasok napo ako nandoon lang po sa lamesa ang pagkain niyo po"

"Sige anak mag-iingat ka" nakangiti itong naka tingin sa akin tsaka niya hinawakan ang aking pisngi.

"Sige po ma" Tumango lang ito sa akin at naglakad papasok nang kwarto niya kaya lumabas na ako baka Malate pa ako.

Habang naglalakad ako ay may nararamdaman akung naka titig sa akin pero sa tuwing tumitingin ako wala naman akung makitang tao na naka tingin sa akin maliban nalang sa mga taong nagsiunahan sa pag sakay.

"Why don't you ride a cab woman?" parang tumakas sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa gulat.

pinanlalakihan ko siya nang mata at malakas na Tinampal-tampal sa braso.

"Aww! Masakit yun ah!"

"Eh gagu ka eh nanggugulat ka bwesit ka!" magsasalita pa sana ito nang Dumating si Delilah.

"Ano na namang ginawa mo kay klaire Alexander?" nakataas ang kilay nitong tanong.

"Wala ah pinagsabihan ko lang siya na huwag makampanti sa paglalakad lalo na at nag-iisa lang siya at babae pa"

The Vampire King's Affection [ON-GOING] Where stories live. Discover now