#9

3 0 0
                                    

I dreamt being a pregnant woman.

Hala! Actually, this is my third time na napanaginipan kong buntis ako. But of course, in reality, it won't really happen.

Ang sabi naman sa mga nabasa ko about being pregnant in dreams, may darating daw na bago sa buhay mo. Pwedeng tao, opportunity, or masayang pangyayari.

Noong una kong napanaginipan na buntis ako, may kasama akong kakilala kong babae na buntis din. Turned out, buntis pala talaga siya. Hahaha. Nakakatawa dahil nagkatotoo  talaga 'yung panaginip ko. But, hindi niya agad sinabi. After some months na lang niya inamin. I don't know if anong naramdaman niya noong kinwento ko 'yung panaginip ko.

Second, buntis ako kaso kilala ko 'yung ama. Uh... medyo ampangit ng panaginip na 'to dahil kabit ako dito. I can't imagine myself being "another woman." Nakakatawa 'to at the same time... nakakatakot.

And this time, buntis ako at medyo malaki na 'yung tiyan ko dahil five months na 'to. Madali akong mainis at magalit dito. Lalo na sa kapatid kong pasaway. Kaya pakiramdam ko ay makukunan ako sa panaginip ko... which did not happen. Grabe, para talagang totoo na buntis ako dahil nararamdaman ko talaga 'yung bump sa tiyan ko.

Mabuti na lang nang magising ako, narealize ko na panaginip lang ang lahat.

Tama nga kaya 'yung nabasa kong interpretation ng panaginip na 'to? Or may iba pa 'tong meaning?

Dream DiaryWhere stories live. Discover now