#2

12 2 0
                                    

I dreamt about zombies.

Para akong nasa setting ng isang shooting. At zombies ang theme no'n. Maraming scenes ang na-take. Actually, parang ilang araw din kaming nagtagal sa lugar na 'yun.

Shooting 'yung nangyayari pero nang makauwi na ako sa bayan namin, totoo palang may zombies! At agad akong nagpanic.

May kasama akong pumasok sa isang hotel or condo (not so sure about this). Hindi ko na maalala kung sino 'yung kasama ko. Basta lalaki siya. Parang kilala ko naman siya noong nasa panaginip ko siya.

Habang nasa condo/hotel kami, relaxed lang kami. Pero nang makita naming napapaligiran kami ng napakaraming zombies, nagpanic na kami. Andami kasing zombies na nakaabang sa glass wall. Since transparent 'yun, kitang-kita namin.

Hanggang sa na-break na nga ng mga zombies 'yung wall kaya agad kaming tumakbo sa hagdan. Nakarating kami ng kasama ko sa pinakamataas na floor at pumasok kami sa isang room.

Nagsuggest siyang magtago ako sa refrigerator. Since nagpapanic na kami, wala na akong nagawa kundi sumunod sa sinabi niya. Hindi ko naman naramdaman 'yung lamig sa loob.

Kahit na nakatago na ako, nakikita ko pa rin naman 'yung ginagawa ng kasama ko. Sa sofa siya nag-stay at nilagyan niya ng kunwaring dugo 'yung buong katawan niya.

Nang tumagal, may nagbubukas na ng pinto ng ref kaya naman pilit ko itong hinihila. Ang lakas ng zombie! Pero nang magtagal, nawala na sila. Kaya lumabas na ako. Pero nang lumabas na ako, 'yung kapatid ko na ang kasama ko.

Nasa vicinity kami ng barangay namin. Ang isa ko pang napansin, iba na 'yung mukha naming magkapatid. Pero, sure akong kami naman 'yun. Haha, weird.

Nang maglalakad na kami, may nakita akong babaeng kakilala ko. Mas bata ito sa akin.

Tinawag ko siya. Pero agad kong napansin na may kagat 'yung braso at balikat niya. Kakaiba 'yung lakad niya. Doon ko lang narealize na zombie pala siya.

Siyempre, nang tinawag ko siya, na-caught na 'yung atensyon niya. Kaya naglakad na siya papalapit sa amin. Mabagal lang siya noong una hanggang sa ang bilis naman na ng lakad niya kaya nagpanic na kami ng kapatid ko.

Naisip ko pa nga na, "Ito na ba ang katapusan ko?" Nakakatawa pero ganun talaga 'yung pakiramdam. Para tuloy kaming nasa larong langit at lupa. Nang nakapatong na kami sa isang container van house, nawala na 'yung estudyanteng humahabol sa amin.

Ang tahimik tuloy ng lugar na napuntahan namin. Pero bigla na lang na may dala na kaming bag ng kapatid ko. May lamang pagkain at kutsilyo pa.

Nakasabit lang kami sa labas ng red container van house. Gamit 'yung kutsilyo, napunit ko 'yung ilang part ng container van house. Canvas lang naman kasi 'yung cover nito kaya agad kong napunit.

Nang makagawa ako ng butas, nakita ko 'yung isa kong churchmate na nasa harap ng container van house. Agad na pumasok sa isip ko na zombie ito pero ang nakakapagtaka normal naman 'yung kilos niya.

Agad siyang lumingon at nakita niya kami sa butas na pinagsilipan ko. Doon ko naconfirm na zombie nga siya. Hindi agad kami nakakilos ng kapatid ko. Marami pang nangyari pero 'di ko na matandaan 'yung detalye.

Basta, tumatakbo na kami ng kapatid ko. Triny ko siyang saksakin ng hawak kong kutsilyo pero ang tigas ng katawan niya kaya wala ring epekto. In the end, nagsacrifice na lang ako para makaligtas 'yung kapatid ko. Hindi ako kinain ng zombie pero pinatay niya ako.

Weird.

Then, nagising ako. Pero nakatulog ulit ako.

Nakakatawa dahil naituloy 'yung panaginip ko sa scene na hinahabol kami ng zombie na churchmate ko. Ang nangyari, dugo-dugo na 'yung ulo ko. Pero hinahanap ng zombie 'yung matalino sa amin ng kapatid ko.

Gusto yata ng brain ng isang 'to.

Nagkaroon pa kami ng panibagong kasama. 'Di ko sure kung pinsan ko ba 'yun. Ang sumunod na nangyari, nagpakita ako sa zombie kahit hirap na hirap na ako since may dugo 'yung ulo ko.

May hinagis akong pasabog. Pasabog ito na parang mawawash-out ang buong mundo. 'Yun naman ang concept no'n sa panaginip ko.

Nang sasabog na 'yung paligid, niyakap ko 'yung kapatid ko. Namatay 'yung zombie at ako. Natira na lang 'yung kapatid ko at pinsan ko.

Naging kaluluwa na ako. 'Yung kapatid ko naman, naging bata. Elementary kid. Pumasok siya sa school at ako, nakasilip lang sa bintana ng room niya.

May batang nakatingin sa akin kahit na kaluluwa na lang ako. Nagrecite 'yung bata sa harap at drinawing niya 'yung room nila na may bintana. Sinabi niyang nakikita niya ako.

Pero wala namang naging reaksyon 'yung ibang tao. Pumasok ako sa room ng kapatid ko para turuan siya sa sasagutan niya sa board. Medyo magaling ako sa Math kaya confident ako pero Filipino naman 'yung sinasagutan namin.

Hanggang sa nagising na ulit ako.

Ang tanong: Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko?

Dream DiaryWhere stories live. Discover now