Pakiramdam ko kinukulong n'ya lang ako rito para saktan at parusahan.

Sinubukan kong tumakas dahil hindi ko na talaga kaya... pero nahuli lang ako ng tauhan n'ya. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Napatingin ako sa hitsura ko sa basag na salamin. Sobrang payat ko na. Ang dami kong pasa at sugat. Maski ako hindi ko na nakikilala ang sarili ko sa tuwing tumitingin ako sa salamin.

Gusto ko na lang sumuko at hayaan ang sarili kong mamatay rito.

"You stupid piece of shit!"

Napadaing ako nang makatikim ako nang malakas na tadyak mula kay Papa. Malakas na tumama ang likod ko sa pader at pakiramdam ko pati buto ko ro'n ay mababali na rin.

Natigilan ako nang mapansing kumuha siya ng kutsilyo saka lumapit sa akin. Mapait na napangiti na lang ako at pumikit... Ayoko ng lumaban. Sumusuko na ako sa buhay ko.

Natigilan lang ako nang makarinig ako ng tila putok ng baril. Gano'n na lang ang gulat ko nang bumagsak si Papa sa sahig... kumalat ang dugo n'ya ro'n.

Napatingin ako sa lalaking bumaril kay Papa. Nag-iisa lang siya at walang kasama. Malamig na nakatitig siya sa walang buhay na katawan ni Papa. Napabuga siya ng hangin saka tumingin sa akin... kulay asul ang mga mata n'ya.

"Hindi ka ba natatakot? Pinatay ko ang tatay mo sa harapan mo," malamig na sabi nito.

Hindi ako kumibo. Sa totoo lang, wala akong nararamdaman. Dapat sa sitwasyon na 'to ay matatakot o malulungkot ako dahil namatay ang tatay ko sa harapan ko... pero wala akong maramdaman.

Mali man ang maramdaman 'to... pero tila nakahinga ako nang maluwag. Wala ng mananakit sa akin. Hindi na ako masasaktan.

"Hay... Nanakawan ko dapat si Mr. Alexeev, pero tangina. May awa pa rin pala akong nararamdaman sa puso ko." Napangisi ang lalaki saka napailing. "Hindi ko na nanakawan ang tatay mo. Sa 'yo na lahat ng yaman n'ya. Sige na, aalis na 'ko," sabi ng lalaki bago tumalikod at naglakad palayo.

Kahit hinang hina ako at hindi makapaglakad nang ayos, inipon ko ang buong lakas ko para habulin siya at kumapit sa damit n'ya.

"S-Sasama ako sa 'yo," nanghihinang sabi ko. Mas hinigpitan ko ang kapit sa damit n'ya para hindi siya umalis.

Lumingon sa 'kin ang lalaki. Napabuntonghininga siya saka napakamot sa batok n'ya. "Bata, pinatay ko ang tatay mo sa harapan mo... bakit gusto mo pa ring sumama sa akin?"

"Wala akong pakialam sa kanya... I-Ikaw na ang tatay ko. Please po, isama n'yo po ako. Natatakot po ako rito. Gagawin ko po ang kahit anong gusto n'yo," pakiusap ko sa kanya.

Muling napabuga ng hangin ang lalaki at marahang ginulo ang buhok ko. "Isasama lang kita kung pumapayag kang maging miyembro ng feroci."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi n'ya pero tumango na lang ako. Ayoko na sa lugar na 'to.

"Bata, ano'ng pangalan mo?" tanong pa n'ya.

"Ashteroh..." sagot ko naman.

Tumitig siya sa mga mata ko saka napangisi. "Gan'yan ang mga matang gustong gusto ko... Ashteroh, miyembro ka na ngayon ng feroci. Tawagin mo 'kong Zachariah... Ako si Zachariah Cavalcante."

THAT'S HOW I became indebted to Zachariah. For me, he was my savior. I also see him as a father even though I know he's just using me for his own gain. I don't mind. I don't care about those things anymore. I don't mind stealing and killing people for him even if I don't have much reason for doing it unlike other feroci members. Zachariah saved me, that's the only reason why I was blindly following his orders.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon