63

48 33 0
                                    


Nanlaki ang mata ko at napanganga ako sa narinig ko mula kay Bryan.



A-ako? B-buntis?


Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, maraming agam agam ang pumapasok sa utak ko pero katapat non ay lubusang kasiyahan. Nang maghiwalay si Bryan ng yakap sa akin ay dahan dahan kong hinaplos ang impis kong tiyan.



I never thought knowing that I'm carrying another life, my own blood and flesh, could make me so happy. Kahit hindi ko man ito napaghandaan, knowing that I will be a mother soon made me so excited! A picture of me carrying a child, feeding him/her and watching him/her to grow up entered my mind suddenly. I smiled.




"Hey! Why are you crying? May masakit ba sayo?" Bryan concerned voice disrupted my thoughts. He wiped my cheeks using his thumb. "Tell me, hmm"




"I-I want to go to my father's room" I demanded when i remembered my father. Though I'm a bit scared with their reactions to my pregnancy.



Wait! Alam na ba nila? Sa pagkakatanda ko doon ako nahimatay kanina!



"You can't force yourself for---fine!..I'll asked your doctor, but will you wait for me here? I'll just talk to Dr. Castor okay?"



Hindi ako sumagot, napabuntong hininga naman si Bryan bago ako pinatakan ng halik sa noo at nagpaalam na umalis.



Bumalik sa isip ang magiging reaksyon nila at kung anong sasabihin ko. Panu pag tinanong nila kung boyfriend ko si Bryan? Anong sasabihin ko, e hindi naman kami. Isa pang inaalala ko si Sheena at ang anak niya. It must be painful for them knowing that Bryan made a mistake, at nagbunga pa.




Hindi ko naman ipipilit ang anak ko sa kanya, mamahalin at tatanggapin ko ang magiging kapalaran namin ng anak ko, kahit kaming dalawa lang sa hinaharap.



Lumingon ako nang bumukas ang pinto, nakangiting mukha ni Shane ang bumungad sa akin. Kasunod niya si Vince at Aries na parehong may bitbit na prutas at bulaklak. Tumakbo si Shane palapit sa akin at niyakap ako.




"Oh my! I'm so happy for you! Congrats Bri!" she giggled and looked at me with a misty eyes. "Sige na nga, payag na ako if ever na kukunin niya na kayo sa bahay" she pouted.




"Kaya pala ang weird mo lately, ang sungit sungit mo pa lagi tapos nalalait pa yung mga niluluto ko" pagmamaktol niya.




"Thank you Shane" I sincerely thanked her. Naiiyak niya akong tiningnan bago tinakpan ang buong mukha. Nangilid naman ang luha ko at niyakap siya, pareho kaming tahimik na umiiyak.



"Oy Shane Eunice, wag mong paiyakin yan. Baka paglabas ng inaanak ko magiging iyakin tulad mo!" pagbibiro ni Vince at lumapit sa amin at pareho kaming niyakap. "Congrats Bri" he kissed my head.




"Salamat Vince"



Tinulak siya ni Shane ng pabiro kaya napabitaw silang dalawa sa akin. "Wag kang lumapit Vincent, baka pumangit ang inaanak ko" Shane rolled her eyes. Vince just pinched her cheek in return, hanggang sa naghabulan na sila. Nagtawanan kami.




Sinulyapan ko naman si Aries na nakangiti sa gilid. When he noticed my stare, he met my gaze and smiled. Unti unti siyang lumapit hanggang sa maupo siya sa gilid ng kama ko.




"Congratulations Bri" marahan niyang bati pagkatapos ng ilang saglit na pananahimik. Tangin ingay lang ni Vince at Shane ang tangin maririnig sa kwarto. I noticed something in his aura. I held his hand and squeezed it.



"S-salamat Ar... kamusta?" bumaba siya ng tingin.



"S-she's pregnant" he announced that made my eyes wide. Napahinto rin ang dalawa sa paghaharotan at nakinig sa pinag uusapan namin.




Natutop ko ang bibig ko.



"Oh my! I-ikaw ba?"


" Ilang months na daw?!"



"Panu mo nalaman?!"



Sabay sabay naming tanong. Bumuntong hinanga si Aries, naghihintay kami ng sagot niya.



"Last week I went to Italy, I-I wanted to see her. Kahit alam kong ipagtutulakan niya lang ulit ako, kahit isang beses lang gusto kong makita na maayos siya. When I told you that we should try to move on Bri, I was fuck up, I know to myself that I can't. I stayed there for four days, waiting for a chance to see her. And when she showed up, I was so shocked when I saw her pregnant, I prayed so hard that she was carrying my child... When I confronted her, I had a hunch that it was mine based on her unsteady expressions and unsured answers. I know, I can feel it even when she was denying it... I was so damned happy when I confirmed to her OB gyne the exact weeks and my calculations matched! Nakiusap siyang tigilan ko na siya, hindi niya alam na nag imbistiga ako. But I have to went back when my father and the company needs me. I had to make sure she won't slip away from me anymore so I decided to leave my people to watch her." halata ang galak sa mukha niya kahit naluluha siyang nagsasalaysay.



Nakatulala lang si Vince sa narinig, narinig ko naman ang pagsinghot ni Shane tanda ng pag iyak, maging ako mismo ay naiiyak. Masaya ako para kay Aries, sa kanya at sa magiging baby nila.



"Masaya ako para sainyo Aries. Finally, I hope you can both have your own happiness. This time unahin niyo muna ang sarili niyong kasiyahan at ang magiging anak niyo bago ang taong nakapaligid sa inyo." niyakap ko siya ng mahigpit.



"Please Aries, bring her back to us." naluluhang pakiusap ni Shane habang hinahagod ang likod ni Aries.




"I will, I promise! I'll bring her back to us...I'll bring my Anica home" he said with conviction.



Mas lalong tumulo ang luha ko.



Anica... I missed her! She suffered too much, both of them.



Wala kaming komunikasyon magmula ng umalis siya ng bansa. I didn't blame her, maaaring nagtampo man pero alam kong may matinding rason siya para putulin ang komunikasyon namin at iwan si Aries. Ako ang mas higit na masaya noong panahon umamin silang dalawa ng nararamdam nila para sa isa't isa at lubos ring akong nasaktan nang maghiwalay sila. Nasaksihan ko kung papaanu sila magmahalan at magkasakitan.



Magkatabing nakaupo si Shane at Vince sa sofa habang si Aries ay nanatiling nakaupo sa tabi ko, pinag uusapan namin ang plano ni Aries kay Anica hanggang sa dumako ito sa pagbubuntis naming dalawa.




"It must be so hard for her alone" nalulungkot kong sambit.



"Kung alam ko lang Bri, hinding hindi ko siya papakawalan kahit lumuhod pa siya sa harap ko. Hindi ko sila pababayaan"



"E ikaw anong plano niya sayo?" nilingon ko si Vince nang magtanong ito. Seryoso ang mukha niya.



I shrugged my shoulders. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero ayaw ko naman ilihim ito sa mga kaibigan ko.



"Kahit ayaw niya, palalakihin ko ito mag isa" pahapyaw kong sagot.



"Hindi naman siguro Bri, nakita ko naman yung saya at concern sa mukha nong tao" singit ni Shane.



Kaso hindi lang yun yong issue dito.



Mapait akong napangiti. Maaaring matatanggap niya nga pero hindi kami magiging buong pamilya dahil mayroon na siyang Sheena at Ethan.



Naramdaman ko ang paghawak ni Aries sa kamay ko at paghaplos sa buhok ko. "Nandito lang kami, hinding hindi namin kayo pababayaan" he assured me.



"True!"



I may not be lucky with my love life, atleast I've got an irreplaceable friends.



_🖋

ML Story (iM eLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon