Chapter Thirty

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko deserve ang ganitong pagtrato mula sa kanya. Bakit ba siya ganito sa akin?

“Mag-usap tayo sa labas,” sabi ko na lang at agad siyang tinalikuran.

Nauna akong maglakad sa kanya. Naramdaman ko naman na sumusunod lang siya sa akin. Napabuga ako ng hangin at napahawak sa sentido ko... Sana magawa ko pa rin siyang itaboy kahit na marinig ko ang mga sasabihin n'ya.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa gilid na kami ng hotel. Napabuntonghininga ako saka hinarap si Ashteroh... Gusto ko rin agad mag-iwas ng tingin. Tiningnan ko pa lang ang mukha n'ya, pakiramdam ko bibigay agad ako.

“Sabihin mo na agad ang gusto mong sabihin para matapos na 'to,” sabi ko na lang at agad na napaiwas ng tingin sa kanya.

Natigilan ako nang maramdamang humakbang si Ashteroh papalapit sa akin. Napapitlag na lang ako nang maramdamang hinawakan n'ya ang kamay ko. Magaan ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko na para bang ayaw n'yang masaktan ako sa simpleng hawak n'ya... Mas lalong bumigat ang dibdib ko.

“Mahal kita, Nathalie.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong agad na nanginig 'yon. Bumigat ang paghinga ko ngunit pinilit kong magmukhang normal sa harapan n'ya.

“P-Paano mo pa nagagawang sabihin 'yan matapos mo kaming makita ni Killian sa gano'ng sitwasyon?” nauutal na tanong ko.

Tumingin ako kay Ashteroh. Kahit na alam kong naluluha ang mga mata ko, tumingin ako nang diretso sa mga mata n'ya.

“May nangyari sa amin ni Killian habang naghihintay ka sa 'kin na sumipot sa usapan natin... K-Kaya paano mo nagagawang sabihin 'yan? B-Bakit hindi ka na lang sumuko at lubayan ako?”

Gusto kong sawayin ang sarili ko dahil nangangatal ang boses ko pati na ang kamay kong hawak n'ya. Ayokong malaman n'ya ang totoong nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

“P-Pwede ko namang kalimutan 'yon, Nathalie. Handa ko namang kalimutan 'yon. Wala na 'kong pakialam kung ano man ang nangyari sa inyo. K-Kakalimutan ko na lang 'yon,” usal n'ya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko hindi agad nagproseso sa isip ko 'yon... Naririnig n'ya ba ang sinasabi n'ya?

“Nakita mo na, Ashteroh? Ganito lang ang mangyayari kung magpapatuloy pa tayo. M-Magkakasakitan lang tayo lagi. Masasaktan lang kita. P-Paano kung piliin ko na naman ang iba kaysa sa 'yo? Paano kung iwanan na naman kita? Hindi mo deserve ang tulad ko. Hindi ang katulad ko ang dapat sa 'yo. Nasa loob ko na ang pagiging magnanakaw. K-Kapag kinailangan ko ulit gawin ang ginawa ko sa 'yo noon, h-hindi ako magdadalawang isip na ulitin 'yon. Hindi mo ba naiintindihan? Magagalit ka ulit, maghihiganti ka ulit, magkakasakitan lang ulit tayo... Hindi rin tayo magiging masaya nang matagal,” nauutal na saad ko saka inalis ang pagkakahawak n'ya sa akin.

Nanatiling nakatitig sa akin si Ashteroh. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at pilit na nilabanan ang mapaluha habang nakatititg sa kanya.

“You can have my everything, Nathalie. You said being a thief is your nature... then I will give you everything I have. I will give you all my money, all my riches. Lahat ibibigay ko sa 'yo. Wala na akong pakialam sa sarili ko o sa pride ko. G-Gusto ko lang makasama ka ulit. Gusto kong magmahalan tayo ulit, Nathalie. Wala na 'kong pakialam sa lahat ng bagay. Ikaw lang naman ang gusto ko. K-Kahit na lolokohin mo 'ko ulit, wala na 'kong pakialam.” Muli n'yang hinawakan ang kamay ko. “K-Kaya bumalik na tayo ulit sa dati. Please, Nathalie... Bumalik ka na sa 'kin,” anas n'ya saka marahang hinawakan ang pisngi ko.

Naluluhang napatitig ako sa mga mata n'ya... Nakikita ko sa mga mata n'ya na tila wala na siyang pakialam sa lahat. Tila ba ako na lang ang mahalaga sa kanya sa mga oras na 'to. Nangingislap ang mga mata n'ya dahil din sa mga luhang nagbabadyang kumawala. Mas lalong nanghina ang mga tuhod ko.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon