44 : Chaos

1.1K 63 34
                                    


Third Person POV


"Mahal na hari! Mahal na reyna!" nagimbala ang buong palasyo ng Earth kingdom dahil sa pagsigaw ng isang kawal

Napatayo mula sa pagkakaupo sa kanilang mga trono ang hari at reyna dahil dito at nilapitan ang kawal.

"Anong nangyari? Bakit ka balisa?" takang tanong ng haring Joseph

"Nasusunog po ang kalahati ng North Forest!" natataranta nitong sabi

Natigilan ang magasawa at na din ang mga katulog pati na din ang mga kawal sa paligid. Ang North Forest ang pinakamalaking gubat sa buong Magia at dito din nakatira ang halos lahat ng mga nilalang tulad ng fairies, unicorns, trolls, griffin at mga strix.

"Humingi kayo ng tulong sa water kingdom para apulahin ang sunog, sabihan nyo din ang air kingdom na hinaan muna ang hangin na patungo sa North Forest para hindi na kumalat pa apoy" utos ng hari "Mag padala agad kayo ng mahigit sa tatlong daan na kawal para iligtas ang mga hayop at mga halaman doon"

"Masusnod po, mahal na hari" agad na sabi ng heneral at agad na umalis para sundin ang utos ng hari

"Oh god, bakit naman nasunog ang North Forest?" alala na tanong ng reyna

"M-Mahal na reyna.. mahal na hari" pag agaw muli ng pansin nung kawal

"Oh, bakit naandito ka pa? Dapat ay nagtungo ka na ngayon sa North Forest para pigilan ang apoy" takang sambit ng ng hari

"May kailangan pa po akong ipaalam sainyo, kung inyong papahintulutan" magalang na pagpaalam niya at sumenyas naman ang mag asawa na ituloy nito ang sasabihin nya "Ang apoy po na bumabalot ngayon sa North Forest ay.. sadyang kakaiba"

"Anong ibig mong sanihin sa kakaiba?" kunot noo na tanong ng reyna

"Hindi po asul o pula ang kulay nito, mahal na reyna.. kundi lila" parang kinikilabutan na sambit ng kawal

"Lila?" kunot noo na tanong ng mag asawa

"Opo, mahal na reyna, mahal na hari"

Nagkatinginan ang mag asawa dahil sa tinuran ng kawal at isa lang ang naiisip nila na may kagagawan nuon, pero hindi nila inaasahan na kaya nito iyong gawin.

"Magpadala ka ng sulat sa Dotrian Stalin Academy, ipaalam mo kay headmistress Leona ang nangyari, ngayon din" seryosong usal ng hari

Sa kabilang banda, habang abala sa pag apula ng apoy ang Earth Kingdom ay unti unting nag iiba ang kulay ng tubig sa Water kingdom. Ang kaninang mala-kristal na kulay ng tubig sa sobrang linis ay naging kulay dugo. Lahat ng sirena at mga nilalang na naninirahan sa tubig ay unti unting nanghihina dahil dito.

"Anong nangyayari sa tubig!?" gulat na tanong ni Queen Wavery nang natanaw nya ang unti unting pag iiba ng tubig na umaagos sa talon

"Mahal na reyna!" pag agaw pansin ng isang katulong "May problema po tayo, mahal na reyna"

Kumunot ang noo ni Queen Wavery dahil dito "Tungkol ba iyan sa pag iiba ng kulay ng tubig?"

"Bukod  pa po doon. Mahal na reyna, nasusunog po ang kalahati ng North Forest at kailangan nila ng tulong ngayon" sabi nito

"Magpadala agad kayo ng tutulong sakanila" utos ng reyna

"P-Pero hindi po sila makalabas ng kaharian" nakayuko at mahinang sambit ng katulong kaya napatayo na mula sa trona ang reyna

"Anong hindi? Bukas ang Aqua Wall at pwede silang mag labas pasok kung kailan nila naisin" nalilito na sabi niya

"A-Ang Aqua Wall po.. naging kulay lila at biglang nag sara nalang. Kahit sino po saamin ay hind makalabas at ang mga nasa labas ay hind makapasok. Sinubukan po naming sirain ang Aqua Wall pero mas triple ang lakas nito kumpara sa dati at bumabalik saamin ang mga tira namin"

Written In The Prophecy (COMPLETED)Where stories live. Discover now