5 : Suspicious

1.5K 82 1
                                    

Zen's POV



Agad akong nagbihis ng maayos ng dumilim na bago ako nag teleport sa tapat ng kwarto nina Chelsea. Kumatok ako ng dalawang beses bago nila ito buksan.

"Good evening po ate!" they greeted me in unison

"Evening, let's go?" sabi ko at tumago naman sila

Dahil masyadong malayo dito ang cafeteria ng college area ay dito nalang kami sa elementary cafeteria dumeretsyo. Ako lang ata ang college student dito.

Nag hanap ng upuan yung dalawa habang ako naman ay dumeretsyo na sa counter para nag order. Napatingin saakin yung katulong na may pagtataka sa mukha pero hindi ko iyon pinansin at umorder nalang saka nagbayad.

Nakita ko sina Chelsea na nakaupo dun sa di kalayuan kaya doon ako pumunta at nilapag sa lamesa yung mga pagkain.

"Salamat po ate Zen!" sabay ulit nilang sambit

Nag dasal muna sila pero hindi ako sumabay dahil aaminin ko naman na hindi ako banal at hindi ako sanay magdasal pero naniniwala pa din naman ako Sakaniya. Kids are really noisy even when eating pero alam naman ng dalawang ito ang manners sa table kaya hindi sila nag sasalita habang may laman ang bibig nila.

"Ate Zen, ano pong powers nyo?" tanong saakin ni Alexa

Napatingin din saakin si Chelsea, hindi ko pa nga pala nababangit sakaniya kapangyarihan ko, she only knew that I can teleport and heal. Kung sasabihin kong kaya kong manipulahin ang pangunahing apat na elemento at ang kidlat? maniniwala kaya ang mga batang ito? Maybe yes? Or not?

"I'm powerful" I said instead of answering her question and I heard them giggles

Nag patuloy na ulit kami sa pagkain kahit na nag kwekwentuhan pa din silang dalawa at medyo iba ang pagkain dito sa elementary kumpara sa mga naalala kong nga sine-serve sa college cafeteria.

Ilang sandali lang ay natapos na din kaming kumain pero ayaw pa daw nilang bumalik dahil naboboring daw sila sa kwarto so I've decided to troll them around, especially Chelsea.

"Ate can you do some tricks of your powers po?" nakangiting sabi ni Chelsea

"Oo nga po ate Zen!" excited na pag suporta naman ni Alexa sa sinabi ni Chelsea

Naandito kami ngayon sa field at mabibilang lang sa kamay ang mga dumadaan at mga naandito. Umupo kami sa pinakaibaba sa bleachers.

"You sure?" tanong ko at sabay naman silang tumango tango "Okay"

Kinumpas ko ng kaunti kanan kong kamay kasabay ng pag litaw ng iba't ibang magagandang bulaklak sa harapan namin na halos ⅛ na ng field. Kasabay nun at pinahangin ko ng malakas kaya nalipad yung ilang petals at finorm ko iyon sa ere kaya kaya sumulat ang kanilang pangalan.

Hindi pa natatapos, iniangat ko ang isa ko pang kamay at winisik iyon ng mahina kaya lumitaw sa paligid ng petals ang maliliit na apoy na nag mistulang fireworks kasabay ng pagpapalabas ko ng tubig ang kinulong yung mga petals sa loob ng water bubbles na at lumitaw ang kaunting lightnings

"Wow!" manghang sabi nung dalawa habang pumapalakpak pa halatang nag enjoy dun aa ginawa ko

Muli kong kinumpas ng mahina ang kamay ko at dahan dahang nawala yung mga ginawa ko, except dun sa mga bulaklak, bago muling tumingin kina Chelsea

"Ang galing nyo po ate Zen!" manghang sabi ni Chelsea na sinangayunan naman ni Alexa

Todo puri pa yung dalawa at kalaunan ay nilaro na nila yung nga bulaklak na ginawa ko at habang pinapanood ko sila ay may nahagip akong isang pigura sa di kalayuan. Hindi ko ito maaninag ng maayos pero sigurado akong babae ito dahil mahaba ang buhok eh.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Where stories live. Discover now