26 : Talk

1.1K 65 9
                                    

Zenadia's POV


Sandali pa kami nag nag stay doon at malapit ng lumubog ang araw kaya napag desisyonan namin na umuwi na sa academy pero habang naglalakad kami pabalik sa karwahe ay may nakasalubong kaming mga kawal kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Prince Ethan" magalang na pag bati nilang lahat kay Ethan at yumuko

Aalis na sana kami ng nahagip ng paningin yung limang kawal, ang isa ay nasa unahan at mukhang pinuno pero yung apat na nasa likuran niya ang pinaka pinag tuunan ko ng pansin.

"You okay?" tanong saakin ni Ethan pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at pinakatirigan yung apat na kawal

Dahil sa paraan ng pag titig ko sakanila ay napatingala sila saakin at napatingin. Natigilan ako ng maalala ko kung sino sila kaya agad na napakuyumos kamay ko sa galit. Agad namang hinawakan ni Ethan iyon at parang pinapakalma ako.

"Hey Zenadia, what's wrong? Did they did something bad to you?" tanong ni Ethan

Hindi ko siya sinagot at hindi inalis tingin ko dun sa apat "I see... all four of you are still alive huh? Murderers" madiin na sabi ko sa pahuli

"Lady, my apology but I don't know what your talking about" tanong nung mismong pumatay kay mama

Natawa ako ng mapakla at inalis ang pagkakakapit saakin ni Ethan. Sinulyapan ko siya sandali at nakita ko na napakunot ang noo niya sa ginawa ko pero sinensyasan ko siya na lumayo ng kaunti kaya kahit nag tataka ay ginawa niya.

"Then let me help you to remember it" sabi ko

Agad ko siyang sinipa ang tuhod niya kaya napaluhod siya at akmang pipigilan na sana ako nung kasamahan pa niyang kawal ay agad siyang sinuntok sa mukha saka kinuha yung espada niya.

Naramdaman kong may papalapit saakin kaya agad akong umikot at direkta na sinipa siya sa tiyan kaya napaatras siya ng ilang hakbang. May susugod nanaman sana saakin pero agad kong itinutok ang espada na hawak hawak ko sakaniya.

"Lady Zenadia" pag agaw ng pansin saakin nung pinuno ng hukbo nila, sa pagkakatanda ko ay Dave ang pangalan niya at dating kasintahan ni mama "Please put the sword down, we can talk about this" mahinahon na aniya pero hindi ko siya pinakinggan

Muli kong hinarap yung lalaki na pinaluhod ko kanina na akmamg tatayo na pero agad kong dinikit sa leeg niya yung blade ng espada kaya natigilan siya.

"Still no clues?" I asked him coldly

Ilang sandali siyang tumingin saakin bago niya maalala. Nanlaki mata niya at parang nakakita ng multo kaya napangisi ako ng kaunti.

"I-Ikaw yung---" hindi na niya maktuloy ang sinasabi niya ng iniangat ko yung espada na hawak ko

"Lady Zenadia!"

"Stupid!"

Dinaplis ko yung dulo ng espada sa pisngi niya kaya nagkaroon ito ng sugat at tinapon ko na iyon sa malayo. "Pasalamat ka, nakakapag pigil pa ako dahil kung hindi, baka pinatay na kita tulad ng pag patay mo sa mama ko" madiin na ani ko

"P-Patawad---"

Hindi ko siya pinatapos at sinuntok ng sobrang lakas kaya napahiga siya sa lupa at dumugo ang gilid ng labi niya. Nauna na akong umalis doon at pumasok sa karwahe.

Mariin kong pinikit mata ko haang nakakuyumos ang kamay ko. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil baka di ako makapagpigil at balikan ko ang mga kawal na iyon at isa isa silang pagpatayin.

"Babe.." malambing na tawag saakin ni Ethan at hinawakan ang kamay ko

Huminga ako ng malalim at sinandal sa dibdib niya ang ulo ko at ramdam ko ang pag yakap ng isa niyang braso saakin habang yung isang kamay niya ay naka hawak pa din sa kamay ko.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Where stories live. Discover now