42 : Abducted

1.1K 61 15
                                    


Third Person POV


Isang linggo na ng gumaling ang mag kakaibigan at si Vil at halos mag iisang buwan na na ng makabalik sila galing Zabala pero parang silang namatayan dahil hanggang ngayon ay wala pa din silang balita tungkol kay Zenadia.

Sinubukan nilang bumalik sa Zabala pero sarado na ang lagusan na para bang may pumipigil sakanila. Halos araw araw silang nag prapractice dahil na din sa biglaang pag sulpot ng Gratia, nangangamba ang lahat na baka may mag simula muli na digmaan.

"Hindi pa ba nalabas sa kwarto nya si Ethan?" tanong ni Diana

Simula ng nawala si Zenadia ay parang nawala na din sakanila si Ethan. Hindi lilipas ang isang oras ng hindi ito nag wawala sa galit okaya may binubugbog. Kahit si Emman ay hindi magawang kausapin ang kanyang kuya dahil may nakakatakot na aura lagi ang nakabalot dito.

"He might starve himself" nagaalala naman na ani ni Danica

"Tita and tito doesn't know anything about this right?" medyo kinakabahan na tanong ni Draven dahil kapag nalaman ng magulang ni Ethan ang kalahayan niya a baka magkaroon pa ng di pag kakaunawan at maungkat sa away.

"Hindi pa, pero sa tingin ko ay hindi magtatagal, malalaman din nila" sagot ni Kade at napabuntong hininga

"Eh si tita Ariona?" mas lalo silang kinabahan dahil sa susunod na tanong ni Draven

Hindi pa nila nababanggit sa mama ni Zen ang tungkol sa nangyari pero alam nila na nakakahalata na ito na may di magandang nangyayari dahil halos araw araw ay nakikita nila na pinupuntahan ni Ariona si HM Leona.

"We're doomed" sabay na sabi nina Draven at Diana

Natigil ang lahat ng klase dahil mas pinag tuunan ng pansin ang pag eensayo ng bawat estudyante. Pati ang ibang mga akademya ay binalaan na din nila pero pinatili muna nila itong lihim sa mga kahariian hanggang sa di pa sila sigurado kung anong motibo ni Gretphine at kinuha nya si Zenadia.

Napatigil sila sa pag uusap ng makarinig sila ng ilang sigawan sa labas ng royalties chamber kaya agad silang tumakbo palabas para alamin kung ano iyon. Nakita nila ang ilang estudyante na tumakbo pero agad silang napatingala at napasinghap dahil sa napagmasdan nila.

Unti unting nagiging kulay pula ang langit pero kalaunan ay nagiging kulay lila ito saka nag umpisa nanaman na humangin ng malakas at ubod ng lamig. Nagtindigan ang mga balahibo nila dahil sa nakakatakot na atmospira na bumabalot ngayon sa Magia.

"Fuck, we need tot talk to HM about this" taranta na saad ni Kade

Agad silang kumapit sa balikat at braso nito saka nag teleport papunta sa opesina ni HM pero naabutan nila si Ariona na naandoon ngunit hindi na sila nagulat.

"Royalties---"

"HM, please tell us what's happening" sabi ni Diana at halata ang kaunting kaba sa boses nito

Nagkatinginan sina Ariona at Leona, parehas silang nag aalinlangan na sabihin sa mga bata ang nangyayari dahil baka madamay pa sila sa nangyayari. Ngunit iimik palang si HM Leona ng muling bumukas ang pintuan at bumungad sakanila ang limang estudyante na hinihingal at mukhang tumakbo.

"H-HM" hingal na sambit nila bago umayos ng tayo

Natigilan pa ang mga bagong dating ng nakita nila ang mga royalties at si Ariona sa loob kaya agad silang yumuko bilang paggalang.

"Ms. Alvier, what can I do for you?" pormal na tanong ni Leona kay Christine

"I-It's my cousin HM, Miko, he's missing" naluluha na sambit ni Christine

Written In The Prophecy (COMPLETED)Where stories live. Discover now