9 : Love in Saturday

1.4K 74 3
                                    

Zen's POV

Hapon na ng sabado ngayon at kasalukuyan akong nag lalakad mag isa papunta kung saan ko mismo pinatay si Paul. Sobrang pre-occupied ng utak ko dahil naalala ko nanaman sinabi saakin noon ni Paul ng kami pa.

– flashback –

"Hon" napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag saakin

Agad naman akong napangiti ng nakita ko si Paul. Agad siyang tumabi saakin at binaba ko naman ang libro na kanina ko pa binabasa. Naandito kami ngayon sa may rooftop dahil vacant na naman ngayon at saka hindi din gaanong kasikat ang araw, mahangin pa nga eh.

"Anong binabasa mo? Baka mabaliw ka na nan, masyado ka ng matalino hon" natatawang aniya kaya pinalo ko siya pero sobrang hina lang naman

"Nag shopping kasi kami kahapon ni Nami, tapos binili ko ito. Just a fictional story" sabi ko

"Tapos mo na ba?" tanong niya at humiga, nakapatong sa hita ko yung ulo niya habang nakatingin siya saakin

"Yup! Binabasa ko nalang ulit, ang ganda kasi ng story kahit na nakakaiyak" I answered while playing with his soft hair 

"Pwede mo bang ikwento saakin hon?" pakiusap niya at tumango ako

"There's a girl who's living her life miserably. Lagi nalang siyang pinapahirapan, niloloko, sinasaktan at parang dinaig nya pa si Cinderella sa sobrang kontrabida ng mama niya. One day, she met this man who changed everything. They fall in love and stayed besides each other for years, they surpassed all the circumstances in their lives together" nakangiting kwento ko at nakikinig lang naman siya "But an accident happened, bumangga ang sakay sakay nilang kotse. Na-comatose yung babae habang yung nobyo naman niya ay gumaling din pagkatapos ng ilang buwan. Kailangang operahan sa puso yung babae dahil masyado na itong mahina. Isang araw, nagising din yung babae at ang una niyang hinanap ay ang nobyo niya and months after that, she's visiting the cemetery weekly" hindi ko napigilan na mapaluha dahil sa kwinento ko

I want a true love but I don't want to experience this kind of love story ever.

Umupo si Paul at pinunasan mga luha sa pisngi ko "Hayst kaya naman pala namumugto mata mo kaninang umaga eh. Bakit kasi ganiyan ang mga binabasa mo? Alam mo namang iyakin ka pag dating sa mga ganiyan"

Sinamaan ko siya ng tingin at muling pinalo pero malakas lakas na ngayon. Totoo naman kasi eh, iyakin ako pag dating sa mga ganitong klaseng istorya. Paano ba naman kasi, nag mamahalan lang yung dalawang tao tapos pinag kaitan pa ng tadhana. Pero yung mga magkasintahan na hindi naman talaga para sa isa't isa ang yun pa ang nag tatagal tapos mag hihuwalay din naman, nakakaloko lang.

"Hon, shh.. stop crying" he said softly while  touching my cheeks

"Hon, I wonder how the girl can handle that pain. Kung saakin nangyari yun? Siguro hindi ko kakayanin---"

"No," natigilan ako dahil sa sobrang seryoso ng boses pati na din ng mukha niya. Bumuntong hininga siya bago hinawakan parehas kong balikat "Kung mangyayari man iyon saatin sa hinaharap, kayanin mo ang lahat ng pagdadaanan mo, okay? Ako mismo mag papalayas sayo sa langit kapag sinundan mo ako, at ipapababa ulit kita dito. I want you to continue your life, even without me. I want you to live your life to the fullest, I want you to be happy, and I want to watch you from above, smiling and enjoying every second of your life"

"I-I can't do that hon. You know that you're my happiness" agad na tanggi ko

Ilang taon na kaming magkasintahan ni Paul at magkasama kami lagi kaya sa lahat ng gagawin ko ay naaalala ko siya.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ