Mahina itong natawa at ginulo ang sariling buhok. Halata sa mukha nito ang pagka-frustasyon. "I'm just fucking concern on you-" 

"You shouldn't have concern on Santa in the first place, Sander," seryosong sabi ni Pepper habang naka-krus ang mga braso at naka-taas ang kilay. 

Kunot-noong lumingon naman si Sander sa likuran niya kaya agad siyang lumingon sa likuran niya. Agad siyang napalunok ng makitang nakatitig lamang si Poppy sa boyfriend niya na hindi makapaniwala. Halatang-halata ang sakit sa mga mata niya. 

"Oh, come on. Don't make that a big deal. I just hold her face like this-" Akmang hahawakan na naman nito ang mukha nang mabilis na sinipa ni Santa ang tuhod nito. Dahilan para mapaluhod ito sa lapag. 

Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Shila at Pepper pero hindi niya na iyon pinansin pa. Napa-irap na lang ang dalaga ng matalim at inayos ang buhok na nagulo. 

"Don't ever come near me, again. Hindi ko ko hahadlang sa relasyon mo sa pinsan ko pero, sa oras na nalaman ko na nagloloko ka o kung ano-anong masama ang ginagawa mo sakaniya, gagawin ko lahat para lang magkahiwalay kayo."

Hindi niya inalis ang titig sakaniya. Dumaan ang sakit sa mga mata niya ngunit agad din nawala. Puno na nang kaseryosohan ang mga mata niya. 

Palihim siyang napalunok nang unti-unting gumuhit ang ngisi nito sa labi at tumayo. Sinuksok niya ang kamay sa bulsa nang pantalon niya at humakbang. 

"You can't do that, Lily," puno nang banta na bulong nito na halos silang dalawa lamang ang nakarinig 'nun. 

Kumabog nang malakas ang dibdib nang dalaga dahil sa kaba. Sa paraan nang pagtitig nito ay para bang binabalatan siya nang buhay, kaya hindi maiwasang mangatog ang tuhod niya. 

Akmang hahakbang pa ito nang biglang may pumulupot na matikas na braso sa bewang niya at marahan siyang hinila palapit dito. Agad na kumalma ang buong sistema niya nang maamoy ang pamilyar na pabango nito.

"Anong ginagawa nang isang tulad mo dito?" inis na tanong ni Milo at mas lalo pa siyang hinapit palapit sakaniya. 

Pinipigilan niya ang sarili na sumandal sa dibdib nito dahil parang gusto niyang maranasan na humiga sa dibdib nito at matulog. Siguradong sobrang sarap nang magiging tulog niya pag-ganu'n. 

Prenteng tumayo si Sander. "Eh, anong ginagawa nang isang mahirap at marumi na katulad mo dito sa mamahaling-"

"As far as I know, ikaw ang mas mukhang madumi at basura," putol ni Pepper sa pagsasalita nito. 

Unti-unting nalglag ang ngisi nito at seryosong tumingin kay Pepper na nakangisi rin. Base sa mukha ni Pepper ay ni katiting na takot ay walang nababasa sa mukha niya. 

Akmang magsasalita pa si Sander nang nilapitan ma siya nang girlfriend niya. 

"Let's go,' seryosong sabi nito at hinila na si Sander. Akala niya ay doon natatapos ang lahat ngunit biglang tumigil si Sander at humarap sakanila. 

"May oras ka rin sakin, Lily," makahulugan na sabi niya habang nakangisi. 

Agad siyang napahawak nang mahigpit sa braso ni Milo. 

"Ang puta! Hoy, wala kang karapatan na tawaging Lily si Santa!" galit na sigaw ni Saddy at akmang tatakbo palapit kay Sander nang maagap na hawakan ni Santa ang braso niya. 

"Wag ka nang pumatol sa isang walang kwentang tulad niya. You're just wasting your time to that trash," nakangising sabi niya at umayos nang tayo. 

"Don't call me Lily, Chrysanta, Santa, or what. It's disgusting me."

Hindi niya na hinintay pa ang panggagalaiti doon ni Sander at mabilis na niyang tinalikuran iyon at dumiretsyo papunta sa building nila. Ang kaninang saya nararamdaman ay agad napalitan nang inis. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now