Chapter 24

338 7 0
                                    

TROY'S P.O.V.

Hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil sa naging desisyon niya. Ang totoo, naawa siya kay Victoria dahil biktima lang din ito ng pagkakataon.

Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Labis lang talaga siyang mahal nito kaya ito nagsinungaling sa kanya.

Pero kahit pa alam niya iyon, hindi rin niya kayang suklian ang nararamdaman nito sa kanya.

Kaya ayaw na niyang paasahin pa ito at patuloy na saktan. Kailangan na niyang tapusin ang namamagitan sa kanilang dalawa dahil alam niyang hindi rin niya ito magagawang mahalin tulad ng pagmamahal niya kay Amara.

Hindi rin niya maiwasang magalit sa sarili niya dahil sa sakit na dinulot niya sa mga taong nagmahal lang din sa kanya.

Una, kay Amara na hiniwalayan niya dahil sa hindi niya napigilan ang sarili niyang kamunduhan at nagawa niyang ipagpalit ito.

At si Victoria naman na pinaasa niyang mamahalin niya pero ngayon ay iiwan niya rin naman.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya dahil sa naisip niya.

Bigla namang pumasok ang maamong mukha ng anak nilang si Alex sa isip niya. At hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha.

Mahal na mahal niya ang anak niya pero hindi rin niya maaatim na makisama sa ina nito dahil alam niyang hindi na din naman magiging maayos ang pagsasama nilang dalawa.

Ayaw niyang makita ng anak niyang hindi sila masaya kaya mas pipiliin niyang lumayo na lang sa mga ito, taliwas sa una niyang naisip gawin na isama ito sa paghihiwalay nila ni Vic. Alam niyang mas mapapalaki ito ng maayos ni Vic kaya biglang nabago ang isip niya.

Bigla namang naputol ang malalim niyang pag-iisip ng maramdaman niya ang matigas na bagay na dumapo sa kanyang ulo.

Bago pa man siya mawalan ng ulirat ay nagawa niyang tingnan kung sino ang may gawa noon sa kanya at nakita niya si Victoria na matalim ang mga matang nakatingin sa kanya habang may hawak-hawak itong baril.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nawalan ng malay.

Naalimpungatan na lang siya at tatayo na sana, pero hindi siya makagalaw dahil nakatali na ang mga paa at kamay niya.

Madilim ang buo niyang paligid kaya wala siyang makita pero may naririnig siyang kaluskos sa harap niya.

"Sino yan?!" Sigaw niya.

"Shut the hell up! They might hear that you're already awake." Agad namang bulong ng isang lalaki sa kanya.

"Who are you?" Tanong naman niya sa lalaking hindi niya makita.

"I'm Lady Amelia's bodyguard. Like you, they also captured me when they caught me lurking outside your house." Mahinang sagot naman nito sa kanya na ikinabigla naman niya.

"What about you? What are you doing here? I thought that you're with m'lady?" Pahabol nitong tanong sa kanya.

"Victoria went to the resort and saw us. I talked to her and broke up with her then she hit me and when I woke up, I'm already here." Sagot naman niya sa lalaki.

"Sh*t! She's probably in danger by now!" Inis na sabi naman nito.

Bigla namang natigil ang mahina nilang pag-uusap ng biglang bumukas ang pinto. Bahagya pa siyang nasilaw ng buksan nito ang ilaw.

"O gising ka na pala lover boy." Nakangising sabi nito sa kanya.

Tinignan naman niya ng matalim ang lalaki pero tumawa lang ito.

Wounded Wife's RevengeWhere stories live. Discover now