Chapter 19

92 2 0
                                    

Ilang minuto rin ang nilagi niya sa comfort room para pakalmahin ang sarili. Dahil sa pagbabalik tanaw niya, naapektuhan nito ang dapat niyang gawin.

Akala niya magiging madali lang ang lahat ng gagawin niya noong nasa Italy pa siya. Pero ngayong kaharap niya na ang lalaki, nahihirapan siyang controlin ang sarili niyang emosyon.

Hindi din niya maiwasang malungkot sa tuwing nababanggit nito ang anak nito dahil sa naalala niya ang anak niya.

Kung hindi sana ito nawala ay magkasing-edad lang ito at ang anak ni Troy kay Victoria.

Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga at saka lumabas ng comfort room at bumalik sa mesa nila.

Nakita naman niyang mataman siyang tinitigan ni Troy ng makaupo siya sa harapan nito kaya pinilit niyang ngumiti dito.

"Why haven't you started tasting the cakes yet?" Masuyo niyang tanong dito para makaiwas sa mga katanungan pa nito.

"I was waiting for you. Are you okay? Your eyes are a bit red." Kibit-balikat nitong sagot sa kanya.

Dahil sa narinig ay agad niyang kinuha ang platito at tinidor saka nag-slice ng cake at ibinigay ito sa lalaki.

"Let's get this over with." Seryoso namang sabi niya dito para iwasan ang tanong nito.

Narinig niya itong bumuntong-hininga dahil napansin nito ang pagbabago ng mood niya.

"I'm so sorry if what I said earlier made you upset. I didn't mean to pry but I just wanted to know you better since you're friends with my friends as well." Naiilang na sabi nito sa kanya.

"It's okay. I just remembered my child when you mentioned your son." Pag-amin niya naman dito saka malungkot na ngumiti.

"You already have a child?" Gulat naman nitong tanong sa kanya.

"I had a son. He died when I was just conceiving him because I got shot and the bullet hit him." Malungkot naman niyang kwento sa lalaki na halata niyang natigilan sa sinabi niya.

"I'm so sorry to hear that." Malungkot naman nitong sabi sa kanya ng makabawi ito sa pagkabigla.

"It's okay, but can we just change the topic now? I really don't want to talk about it anymore." Malungkot naman niyang sabi dito dahil nararamdaman niya na namang nagbabadya na namang malaglag ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Of course. I'm sorry." Agad namang hingi nito ng pasensya saka nagsimula na nilang tikman ang iba't-ibang flavors ng cake na inihanda ni Mona.

They focused their attention on the cake tasting at ng makapili sila ay agad din nilang pinaalam iyon kay Mona.

Ng matapos ang cake tasting, agad din siyang nagpaalam sa lalaki. Nag-alok itong ihahatid siya pero tumanggi siya sa alok nito.

"Are you sure that you'll be okay? I mean, you're new here and you're still not familiar with the place." Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"I'll be fine, Troy. As you said, your wife is jealous and I don't want her to be jealous when someone saw us together and misinterpret our friendship. Plus, my hotel is nearby, so don't worry." Nakangiti niyang sabi sa lalaki.

Nakita niya itong nagbuntong-hininga bago magsalita ulit.

"Okay. Take care then." Sabi nito saka tumalikod at naglakad patungo sa kotse nito. 

Agad naman niyang tinawagan si Phoenix at sinabi dito na huwag na siyang sunduin dahil maglalakad na lang siya pabalik ng hotel para makapag-isip. Alam niyang hindi ito papayag kaya agad din niyang binaba ang tawag bago pa ito makasagot sa sinabi niya.

Wounded Wife's RevengeWhere stories live. Discover now