Chapter 5

171 3 1
                                    

"Where the hell have you been?!" Galit na tanong ni Troy sa kanya.

Hindi siya nakaimik agad pero ng makabawi siya sa pagkabigla ay agad naman niya itong tinaasan ng kilay.

"Why do you care? Diba you're asking for an annulment? So bakit ka pa nakikialam sakin? Ikaw ang nang-iwan sakin kagabi kaya wala kang karapatang magtanong kung saan ako galing!" Mataray niya namang sagot dito saka ito nilampasan at dire-diretsong pumasok sa bahay nila.

When she entered their room agad niyang hinubad ang kanyang gown at pumasok sa walk-in closet para magpalit ng damit.

Pero nagulat siya ng bigla ring pumasok si Troy at mahigpit siya nitong niyakap mula sa likod.

"Amara, I'm so sorry. I didn't mean to leave you last night. Please mag-usap tayo." He pleaded in a sad tone.

Ikinabigla niya ang inakto ng asawa niya dahil kagabi lamang ay atat na atat itong pag-usapan ang annulment nila. So, anong nagbago? Pinaglalaruan ba siya nito?

Bigla naman siyang humarap dito at walang emosyong tinignan niya ang asawa niya. Ng makita niya ang lungkot sa mga mata nito ay mapait siyang tumawa.

"Hindi ako parang laruan na pagkatapos mong pagsawaan ay basta mo na lang iiwan, Troy. Tapos ngayon magmamakaawa ka na kausapin kita? What do you take me for? Well, I'm done begging for your attention and love. I'm done being a fool for you. And thank you for making me realize that last night." Mapait niyang sabi dito.

Nakita naman niya ang takot at pagkabigla sa mga mata nito sa sinabi niya dahil hindi ito nakapagsalita.

Agad naman niyang kinuha ang purse at susi niya sa vanity saka binuksan ang pinto ng kwarto nila. Pero bago siya tuluyang lumabas ay muli siyang bumaling dito.

"You want to have an annulment, right? Then I'll give it to you. Expect it first thing tomorrow morning." Mapakla niyang sabi dito at saka walang lingon-likod na lumabas ng bahay.

Wala talaga sana siyang balak umalis dahil sa masakit pa ang ulo niya but she couldn't stand to be with Troy right now.

Sa totoo lang naguguluhan siya sa nangyayari dahil sa biglang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya.

Na-realize na ba nito ang pagkakamali niya? Gusto na ba nitong ayusin ang marriage nila? Pero pagkatapos ng ginawa nito, magagawa pa ba niya itong patawarin?

Those are the questions that's been bothering her while she's driving without a destination. But after a while, she found herself driving towards their beach house.

This was the beach house na matagal niyang pinag-ipunan. She was supposed to surprise him with this last night pero hindi niya na ito ipinagpatuloy dahil wala na rin namang kwenta pang ipagsiksikan niya ang sarili niya sa lalaki.

Isa ito sa mga pangarap nila noon dahil mahilig sa beach ang asawa niya. Kaya ilang taon din niyang pinag-ipunan ito pero nasayang lang lahat ng pagpapagal at sacrifices niya dahil niloloko lang naman pala siya ng asawa niya.

Last night when he left her, napagtanto niya na wala talaga siyang halaga sa asawa niya. Kaya kahit mahirap ay napagdesisyonan niyang tanggapin na lang ang gusto nito.

But how he acted earlier gave her hope. Hope that he'll realize his mistakes and he'll continue to beg for her forgiveness.

Pero panu kung malaman nito ang ginawa niya kanina? Sigurado siyang hindi siya nito mapapatawad dahil sa hindi nito matatanggap na nagawa niya yun.

She's not a one night stand kind of woman at alam ni Troy yun. Kaya nga mas lalo pa siya nitong minahal dahil alam nitong faithful siya sa lalaki at alam nitong hindi niya ito iiwan. Maybe that's also the reason why he became complacent with her as well.

Wounded Wife's RevengeWhere stories live. Discover now