Chapter 22

98 2 1
                                    

Dahil sa hindi mapakali si Victoria tinawagan niya ang nag-iisang kaibigan niyang si Czarina at ngayon ay nasa bahay niya na ito at magkaharap sila sa garden habang nagkakape.

"What is it, Vic? What's this urgent matter that you wanted to talk about?" Tanong ng kaibigan niya sa kanya pagkatapos sumimsim ng kape.

"I just have this eerie feeling about Troy, Cza. He's been a bit busy with Prince's wedding at wala na siyang oras para sa amin ni Alex." Malungkot namang kwento niya sa kaibigan.

Czarina tsked her tongue and rolled her eyes.

"What do you expect, Vic? Alam mo naman na playboy yang asawa mo. Pero sinabihan na kita hindi ba? You have to endure kung gusto mong magtagal kayo. Being jealous and overprotective all the time will only lead you two to argue. Ayaw mo namang masakal siya hindi ba?" Sagot nito sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga at saka tumango.

"Alam ko naman yun and I'm trying to control it but I just can't help it, Cza. Masyado ko siyang mahal kaya natatakot ako. Isa pang inaalala ko, panu kung makaalala na siya at malaman niya ang totoo?" Nag-aalala naman niyang pag-amin sa kaibigan niya.

"Ng mga nakaraan patuloy siyang nananaginip at noong nakaraan ay na-hospital siya. Sabi sakin ng doctor niya, pinipilit niyang makaalala kaya hindi nawala sa akin ang mag-alala tungkol dun, Cza. I can't lose him." Patuloy na kwento niya dito.

Ito naman ang humugot ng malalim na hininga at saka hinawakan ang kamay niya.

"Vic, you have to tell him the truth before he remembers everything. Ngayong kasal na kayo, talagang iiwan ka niya kapag nalaman niyang dalawang taon mo siyang niloloko. You can tell him the truth now kasi alam ko naman na mahal ka na niya ngayon. Masyadong mahalaga kayo Alex sa kanya kaya hindi ka niya iiwan kung sasabihin mo lang sa kanya ang totoo. Huwag mo ng hintayin na mahuli ang lahat. Matagal ko na itong sinasabi sayo hindi ba?" Malungkot naman na sabi nito sa kanya.

"Hindi. Hindi siya pwedeng mawala sakin, Cza!" Nag-papanic naman niyang sagot sa kaibigan.

"So ano? Hahayaan mo na lang ang sarili mong maramdaman ang takot? Wala na ang dati niyang asawa, pero hanggang ngayon hindi ka pa rin natatahimik. Gusto mo bang habambuhay kang ganito? At ano na naman ang gagawin mo kapag nakakita siya ng ibang babaeng pagpapalipasan niya ng oras?" Naiinis na sabi naman nito sa kanya.

Czarina is right but she doesn't have the courage to do it. She doesn't want to lose Troy. Ito na lang at si Alex ang meron siya kaya hindi sila pwedeng mawala sa kanya.

"Look Vic, you're my friend and you know that I love you but I will not tolerate this wrong doing of yours. Alam kong mahal mo si Troy pero hindi ganyan ang totoong pagmamahal. You're being obsessive over him and that's not going to end well. Ayaw kong mapahamak ka dahil mahal kita. Para na kitang kapatid kaya sabihin mo ng savage ako pero nag-aalala lang ako sayo. Alam ko rin ang mga hirap na pinagdaanan mo kaya naiintindihan kita. Pero hindi tama itong ginagawa mo, Vic. Isipin mo naman ang anak mo." Pagpapatuloy na sabi nito sa kanya habang mataman siya nitong tinititigan.

Malungkot naman siyang ngumiti sa kaibigan. Ito lang kasi ang isang taong pinagkakatiwalaan niya.

Maliban kay Troy, si Czarina lang ang nakakaintindi sa kanya. Alam niyang tama ang sinasabi nito pero hindi niya kayang gawin ang gusto nito.

"Kaya ko nga ito ginagawa dahil sa anak ko, Cza. Ayaw kong mawalan siya ng ama. Kapag nalaman ni Troy ang totoo alam kong magagalit siya sakin at iiwan niya kami." Malungkot niyang sabi sa kaibigan.

"You won't know that dahil hindi mo naman hawak ang isip ni Troy. Mahal niya kayo ni Alex at alam kong kapag sinabi mo sa kanya ang totoo, maiintindihan ka niya." Giit naman nito sa kanya.

Wounded Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon