Chapter 10

128 4 0
                                    

A week had past at ngayon na ang araw ng trial ng annulment nila ni Troy. Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili niya ay hindi niya magawa.

Almost one month na niyang hindi nakikita si Troy matapos niya itong iwan sa bahay nila.

Napabuntong-hininga si Amara habang tinititigan ang sarili sa salamin. She looks elegant and beautiful at hindi halata na nasasaktan pa rin siya.

For a week, medyo nalibang siya dahil hindi siya iniwan ng mga kaibigan niya lalo na si Bianca pero kapag mag-isa na lang siya sa kwarto niya ay naaalala pa rin niya ang dating asawa.

Mas lalo pa siyang naguguluhan dahil nakakaramdam na din siya ng kakaiba kay Lorenzo.

He has been with her since they met at kapag kasama niya ito ay hindi ito nagmintis na ipadama sa kanya ang nararamdaman nito para sa kanya.

Kahit hindi pa man ito umaamin sa totoong nararamdaman nito, ramdam at kita niya sa actions ng lalaki na gusto siya nito.

Hindi naman siya pinanganak lang kahapon at hindi rin siya manhid para hindi ito maramdaman. Pero ayaw niya itong saktan.

Kahit nga kung minsan ay nadadala siya sa init ng katawan niya ay naging ma-respeto pa rin ang lalaki sa kanya.

Ilang beses na din itong muntik ng angkinin siya dahil sa pang-aakit niya dito pero hindi nito iyon ginawa.

Ayaw daw kasi ng lalaki na mas lalo siyang maguluhan sa sitwasyon niya.

Ayaw nitong mapilitan siyang magustuhan din ito dahil lang sa nangyari sa kanila.

Alam nilang pareho silang attracted sa isa't-isa pero hindi iyon ang dapat na maging dahilan para magkaroon sila ng relasyon.

Hindi niya nga maalis sa sarili na mahiya dahil siya ang babae at siya ang laging nanunudyo dito pero dahil kasi sa ginawa ni Troy sa kanya parang ngayon lang siya nakaramdam ulit na gustuhin ng isang tao.

The way Lorenzo treats her and looks at her, it's way different from how her husband treats her before.

Kahit pa nga binigay niya na lahat-lahat sa lalaki ay hindi pa rin nito nasuklian ang pinapakita niya.

Dahil doon naging insecure siya sa sarili niya. She always feels that she's not enough. Lalo na ng malaman niyang nambabae ito ay para na rin siya nitong pinatay.

Pero malapit ng matapos ang lahat ng paghihirap niya mula sa dati niyang asawa. Ngayong araw, alam niyang pagkatapos ng trial na ito ay matutuldokan na ang paghihirap niya.

Both parties agrees sa lahat ng conditions so wala ng rason pa para patagalin ang paglilitis nito.

This is just a formality since pareho naman na silang nagdesisyon na tuluyan na talagang maghiwalay.

11 years of her life has been wasted. She feels pain and regrets kasi nagbulag-bulagan siya sa pagmamahal niya sa lalaki. Ni hindi niya napansin na unti-unti na palang nawawala ang pag-ibig nito sa kanya.

If that person really loves you, you will never beg for anything from him. That person will be very much willing to show his love for you. He will be very much willing to give his full attention to you. But that just happen in stories and fairytales.

Dapat hindi niya hinayaan ang mga storyang yun na paniwalain siya sa mga kasinungalingan na mangyayari din ito sa buhay niya kapag nagmahal siya.

Because in reality, when there's love, there's pain. Walang taong perpekto kaya hindi siya dapat nag-expect because expectations will kill you. At kung hindi mo na kaya pa, then let go.

Wounded Wife's RevengeWhere stories live. Discover now