Chapter 11

7 0 0
                                    

Chapter 11

Behind

The next thing I checked was her recent posts. I read the latest one. It wasn't actually her post. She just shared it.

'Naririndi talaga ako sa mga babaeng dikit ng dikit sa taong ayaw sa kanila.' sabi doon. Napangiwi ako. Why is she so jejemon?

I checked the comment section and my brows furrowed when I saw Eunice commented.

Eunice Lily Regalado

True! She's so eww! Dikit ng dikit kay J! At siya pa ang lumalandi kababaeng tao!

Now, I know that stupidity comes with self-proclaimed smartness. Hindi nila alam, ang bobo na nila.

Eunice Lily Regalado

Sabi niya pa sa akin crush niya daw si Gssgs.

My face crumpled. I'll die of cringe. Alam ko na talagang ako ang pinag-uusapan nilang dalawa. Eunice you fake bitch...

Linog-out ko ang dummy account at naglog-in sa totoong account ko. I looked for my best mirror shot and uploaded it as my display photo. I changed the privacy as only me.

Now look at that, you bitches. I stared at my photo for a long time. That shot was took with my latest iPhone. My lips were in a fierce grim line, pointed nose, sharp light brown eyes like hazelnut, and of course, my perfectly made brows. They were naturally arched and I thank God for them. I was wearing a brown fitted dress and a pair of white stiletto. How beautiful, Airesa Meihan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupuri sa sarili nang may dumaan sa isip ko.

I remembered my outfit yesterday and looked at what I'm wearing now. Obviously, hindi pa ako nakapagbihis. I look like a soft, carefree girl wearing this kind of clothes. And clearly, that doesn't suit my personality. Kaya kailangan kong ibalik ang uri ng pananamit ko.

Ayaw ni Jiran ang masyadong revealing na suot. Siguro ay babawas-bawasan ko nalang ang pagsusuot ng crop-top? Also backless. Yon lang naman ang mga madalas kung suotin na masasabi kong revealing.

My phone rang because of Jiran's call. I instantly answered it. "Hey, what are you doing?" he greeted.

Ang tanong na 'yon ay nagpabalik ng inis ko sa ex niya at kay Eunice.

I rolled my eyes. "Scrolling."

"Why's your tone like that?" napansin niya.

I suddenly had the urge to tell him what that Eunice told me earlier and what I saw just minutes ago.

Umismid muna ako bago nagsalita ulit. "May sasabihin ako..." panimula ko.

"What is it?" he sounded attentive.

"May kumausap sa akin-"

"That girl on the bench earlier?" he probed.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa kamay ko dahil sa kaalamang pinagmamasdan niya ako kanina habang naglalaro siya.

He didn't say anything. I think he's waiting for me to talk so I took that as a go signal to continue.

"Tungkol sa first ex mo daw..." maliit na boses ang ginamit ko sa takot na ma offend siya.

He still didn't say anything. I wonder now if he's still listening? "Jiran, you still there?"

"Ituloy mo," tanging nasagot niya.

"I think she's the one you've mentioned when we first met each other? At your car?"

"I'm sorry," he said softly.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nangilid ang luha sa magkabilang mata ko. Ramdam ko rin ang pagkakatunaw ng nagwawala kong puso. Tumikhim ako bago tumawa. "Bakit naman?" nanginig ang boses ko.

He cursed. "Stop crying... You are beautiful than her," alo niya.

Pilit uli akong tumawa. What the fuck. Ia happening to me? "You don't need to remind me," I managed to say that confidently bago pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi.

"Stop crying..." I looked around my room to see if there's any camera hiding around. How did he know?

Tumikhim ulit ako bago ipinagpatuloy ang sinasabi. "Sabi sakin ni... Eunice..." napalunok ako. Sasabihin mo ba talaga Meihan? "na baka...hindi ka pa raw...n-nakakamove-on?" parang isandaang itak ang itinarak sa dibdib ko matapos ko yong sabihin.

"Fuck, that's it." parang naputol ang sinulid na nagsisilbing pasensya niya bago pinatay ang tawag.

Laglag ang panga kong napatitig sa telepono. Baka narealize niyang mahal pa pala niya ang ex niyang yun? Napalunok ako. Tinawagan niya kaya? Pinuntahan? Ramdam na ramdam ko ang pambibigat ng dibdib sa dami ng emosyong nararamdaman ngayon.

Nang hindi ko na makayanan ay napasubsob na lamang ako sa sariling unan. Here I am crying like we have a fucking label.

Halos malagutan na ako ng ginhawa sa kakaiyak. Paasa siya! Dinala dala pa niya ako sa training training tapos hindi lang pala siya nakamove on sa putanginang ex niya? Sa ganda kong 'to, gagawin niya lang akong panakip butas?

"Tangina, ginawa kang vulcaseal, Mei." natatawa kong sabi pero hindi nagtagal ay humagulhol rin.

Isang katok ang nagpabalikwas sa akin sa kama.

As expected, it was Mama.

But when I saw a very familiar large frame of a man, just like that, I felt like a whole load of electricity hit me.

"Mei?" kunot noong tanong ni Mama. Hindi maaninag ang mga luha ko dahil patay ang ilaw.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha habang nakaiwas ng tingin sa kanila. Ramdam ko ang titig ni Jiran na nagpakaba sa akin.

"Bakit ka nandito, Ma?" buo ang boses kong tanong. Sinadya ko ring iignora ang presensya ni Jiran.

"You have a visitor, Jiran Salazar here." she pointed at Jiran. "You didn't tell me he's your friend."

Nagkibit balikat ako.

I gasped before nervously turning to Jiran. "Do you need something?" I managed to ask formally. Kita ko ang pagngiwi ni Mama sa akin bago siya nagpaalam.

Pagkaalis ni Mama ay nagtalukbong ako ng kumot. Bahala ka sa buhay mo, Jiran Salazar.

"Mei," he called.

"Ayaw kong makipag-usap kapag masama ang loob ko, Jiran. Mamumura ka lang." why am I always honest when it comes to him?

I heard his sigh. I hope he leaves. Damn you.

"Then I'll be the one talking," halos mapabalikwas ako nang marinig ang mga hakbang niya palapit sa akin.

His Pair Of Heartbreak (Salazar Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang