Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin ako kay Ashteroh na prenteng nakaupo sa sofa, nakasuot siya ng robe. Tumingin siya sa direksyon ko.

"All of you, except this bitch..." itunuro ako ni Ashteroh, "get out," malamig na sabi n'ya. "and you... clean this mess alone," utos ni Ashteroh habang nakatitig sa akin.

Halatang natigilan sila sa sinabi ni Ashteroh. Tila hindi nila alam kung susundin ba nila ang sinabi nito o hindi.

"S-Sir, gawain po ng cleaning staff 'yan," sabi ni Mira kay Ashteroh.

"Yeah, but she's my maid. I have all the rights to order her around," malamig na sabi n'ya saka isinandal ang likod sa backrest ng couch.

Halatang naguluhan sina Mira sa sinabi n'ya. Napabuntonghininga na lang ako at hinarap sila.

"Ako na ang bahala rito, iwan n'yo na kami," nakangiting sabi ko na lang sa kanila.

"Ma'am Naths, sigurado po kayo? Sasabihin na lang po namin kay Sir Killian 'to. May problematic na naman po tayong foreigner guest," napapailing na bulong ni Mira.

Gusto ko sanang sabihin sa kanila na nakakaintindi ng tagalog si Ashteroh pero mukhang wala namang pakialam si Ashteroh sa narinig. Uminom na lang ito ng kape habang nasa akin pa rin ang tingin.

Wala ng nagawa sina Mira kundi ang lumabas sa silid kahit pa halatang nagda-dalawang isip sila. Napabuga na lang ako ng hangin ng isara na nila ang pinto at kami na lang ang naiwan ni Ashteroh.

"Ano pa'ng tinutunganga mo? Maglinis ka na."

Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko at nagsimulang kumilos. Hindi ko alam kung bakit naging ganito kagulo ang silid sa loob lang ng isang gabi na nag-stay siya... pero siguro hindi na dapat ako magtaka. Sinadya na 'to... sinadya n'ya para pahirapan ako.

Napangiwi ako nang mapansing ang daming kalat na mga pinagkainan at mga balat ng kung ano-anong tsitsirya. Parang may nagparty sa hotel room na 'to. Alam kong hindi si Ashteroh ang gumawa nito dahil ayaw na ayaw n'ya ng ganito... mukhang nag-effort talaga siya na pahirapan ako.

Pero gaya ng sabi ni Cadence, mabait pa si Ashteroh sa lagay na 'to. Binigyan n'ya ako ng pagkakataon na makapagbayad nang hindi pinapatay ang mga kaibigan ko. Dapat makuntento na ako sa kabutihang kaya n'yang ibigay.

"Aray..." usal ko at hinubad ang pumps ko.

Pasimple akong tumingin kay Ashteroh na abala pa rin sa cellphone n'ya. Napailing na lang ako at inilapag ang sapatos ko sa gilid saka muling bumalik sa paglilinis.

Natigilan lang ako nang marinig kong may kumatok sa pinto. Napatingin ako kay Ashteroh, hindi naman siya kumibo o tumingin man lang sa pinto.

Lumapit na lang ako ro'n at binuksan 'yon. Natigilan ako nang bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni Killian.

"K-Killian, sandali--"

Hindi na n'ya ako pinatapos at basta na lang pumasok sa hotel room ni Ashteroh. Napapikit ako nang mariin at agad na sinundan siya nang lapitan n'ya si Ashteroh.

"Excuse me, Mr. Alexeev. I need to talk to you," sabi ni Killian.

Bored na tumingin lang si Ashteroh sa kanya saka inilapag ang phone n'ya sa table.

"Ms. Nathalie Mariano shouldn't be doing this. She's not required to do heavy work like this. She's still a student. She's not an official staff here. She still have more important things to do than this so please let me call another staff to clean your room for you," seryosong saad ni Killian.

Napabuntonghininga si Ashteroh saka tumayo. Inayos n'ya ang pagkakabuhol ng robe n'ya saka nakipagtagisan ng tingin kay Killian.

"This is the most important work she has to do, Mr. Hotel owner. Please don't interfere if you don't want this precious hotel as a whole to be involved," malamig na sabi ni Ashteroh.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon