CHAPTER 18

1 0 0
                                    

Authors Note:
Hi sa mga nagbabasa nito.Maraming salamat talaga,kahit na hindi ako magaling sa pagsusulat at hindi famous ay binabasa niyo pa din 'tong ongoing story ko.Naaappreciate ko po kayo,thank you for staying.I hope na sana samahan niyo ako sa journey ko dito sa wattpad.Salamat uli!❣
-matakaw niyong ninang

Mahal mo ba ako?

Rae's pov

Naglalakad ako papunta sa napakalayong kusina nitong mansion at hindi ko manlang binalingan ang orasan bago maglakad.

Siyam siyam ang inabot bago ko marating ang kusina.Pagkadating ko ay nakaupo na silang lahat at halatang hindi na ako hinintay.

Mga walang hiya!

Hindi ko sila pinansin dahil ang cute na kagaya ko ay hindi mahilig makihalubilo sa mga walang hiya.Hinila ko ang upuan kung saan ako pwepwesto para kumain ng napakarami at magpakabusog.

"Hey?You look so tired."usal ni Au-au at lumapit saakin.Akmang hahawakan niya ang noo kaya tinabig ko yun.

Mukang nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam.Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinitigan sa muka.

Staring contest challenge.

"What the heck?"pabulong niyang usal kaya sinita siya ni Allistaire.

"What your languange my dear brother"

Bagay sa kaniya!

Anong karapatan niya para hawakan ako?Wala.Wala siyang karapatan!

Sinamaan ko siya ng tingin pero ganun nalang kabilis nawala ang inis ko ng dumating si Evi na dala ang almusal ko.

Nagsasalita ito habang papalapit saakin."Hi maam,good morning.Pinaluto ko si chef ng paborito niyong adobo!"masayang wika nito na hinahaluan ng tonong naglalambing ng bata at kasabay non ang pagdating ni ano.

Napatingin lang ako sa kaniya sandali at tumingin sa kisame.Huminga ako ng malalim at inalis sa isipan ko ang kababalaghang nangyari kagabi.

Nahuli ko itong nakatitig saakin kaya kaagad itong tumingin sa ibang direksyon.Aba't aba!

Pagkatapos ng nangyari kagabi gaganyanin niya ako?Abay putangina niya!Wag niya akong makausap-usap kundi papasabugin ko ang bungo niya at puputulin ang lucky 10 niya.

Susubo na sana ako pero nasuka ako sa amoy ng pagkain.Kaagad ko itong nilayo sa akin at padabog na ibinaba ang kutsara.Magsasalita na sana ako ng makaramdam ako ng pagsusuka kaya dali dali akong tumakbo sa mini cubicle dito sa kusina ng mansion.

Tanging mga house maids and chefs lang ang gumagamit ng cr na to kaya dito na ako kaagad tumuloy kasi malapit.

Nang matapos akong maglabas ay naghugas ako ng kamay at mukha bago bumalik sa kusina.Pagkaupo ko ay nakaramdam nanaman ako na may lalabas nanaman sa bunganga ko kaya sinenyasan ko si Evi pero huli na dahil naisuka ko na ito sa pitchel.

"Eww,that's stinks!"rinig kong usal ng batang batuta na may halong pandidiri na tono.

Kaagad ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin pero isang nandidiring tingin lang ang natanggap ko.

Nilapitan ako ni ano para tulungan pero hindi niya yun nagawa dahil binalingan ko siya ng masamang tingin bago umalis.

"Maybe she's sick?"huling salitang narinig ko bago tuluyang makaalis.

Nakaramdam ako ng pangangawit kaya tinanggal ko ang suot kong heels at itinapon sa kung saan.

Bahala na kung sino ang matamaan.

Unexpected Encounter(On Going)Where stories live. Discover now