Chapter 4

3 0 0
                                    

Rae's Pov

Nagising ako dahil sa tunog ng tyan ko,hindi ata ako nabusog sa hapunan kaya ito ang nangyayari.

Binuksan ko ng kaunti ang bintana at sumilip,madilim pa din pero nang-gigising na 'tong sikmura ko.

Kainis

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto at maingat na pinihit ang seradula ng pintuan.

Hindi dapat ako makagawa ng anumang ingay kundi tinola ang kakalabasan ko bukas.Charot!

Alam ko namang masarap ako,wag na nating ipagkalat pa.

Nagtungo ako sa kwarto ng dalawang mag-asawa ako hinawi ang kurtinang nag mistulang pintuan nila.

Wala naman silang pinto kaya madali lang ang pag-silip ko.

Bumalik ako sa kwarto ko at idinoble ang hood ko na kulay maroon.

Wag kang maano d'yan,bigay pa 'yan ng namayapa naming kapit-bahay.Kinuha ko'na,pwede pa namang pag-arimuhanan.

Nag suot na din akong sneakers para kunwari tatakbo takbo ako,jogging lang ang peg.

Dahil ng gutom ako,pupunta ako sa bayan sa 7/11,medyo malayo-layo yun kaya kailangan ko mag madali para di ako maabutan ng liwanag.

Tinignan ko muna ang oras sa selpon ko at inilagay ito sa bulsa ng hood ko.

Alas-tres palang pala ng madaling araw.

Nakasara lahat ng pinto dito sa bahay dahil alam nilang tumatakas ako minsan,kampante sila na hindi ako makakaalis dahil nasa kanila ang susi.

Ang hindi nila alam,mayroon din akong susi sa lahat ng pinto dito sa bahay.

Napakawais to men,sobrang wais.Talino ko talaga!

Kinuha ko ang susi sa loob ng panty ko-joke!Syempre joki-joki lang natin yun,hehehe.Baka mangamoy pa 'yung susi at di ko na nabuksan ang dapat buksan dahil nahimatay na ako.

Pero syempre hindi rin ako mahihimatay,mabango kaya ako.Kahit nga ata pubic hair ko ambango eh.

Pak diba?

Andami ko ng naikwento sa inyo,ayan tuloy diko na namalayang nasa highway na pala ang kyut na ako.

Walang pampasaherong sasakyan sa ganitong oras,kaya hiniram ko muna itong motor ng kapit-bahay namin na walang paalam.

Eh bakit ba?ibabalik ko naman din kaagad bago pa sumikat ang araw.

Habang patuloy ako sa pag babarurot nitong motor,may malakas na ilaw na saktong sakto ang pag tama sa magaganda kong mata.

Ang alam ko nalang ay cute pa din akong nakahalandusay sa daan dahil tumilapon ako.

Bwesit na truck yun,sinilaw ang cuteness na ako!

Hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng hininga at binalot ng walang hanggang kadiliman.

THE END

Syempre joke lang na end na,hahaha.Abangan niyo po ang susunod na kabanata ng buhay ng ating bidang si Rae Ava Daniel.

Antayin natin ang pagkikita nila ng kaniyang prince charming na si---ay wag kayong ano,kung gusto niyo malaman basahin niyo ang susunod na kabanata ng life ng ating cute na bida.

Again,thanks for reading may story.Kakasimula ko pa lang eh,kaya salamat sa 3 readers ko.😊❤

Unexpected Encounter(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon