CHAPTER 15

1 0 0
                                    

BAKLANG ULIKBA

Rae's POV

Tahimik lang akong nakatingin sa bintana at nakikiramdam.Sobrang awkward ng nangyari kanina,akala ko kung ano ng mangyayari.Mabuti nalang dumating ang batang kumag.May sariling kotse ang mag-kambal kaya hindi namin sila kasama dito.

"Kuya,what's tuwad?"nasamid ang lalamunan ko sa biglang pagtanong ng batang kumag.

"It's nothing"sagot ni Fafa bebe miloves.

"Hmm okay,i will just ask ate and kuya aurelius later." Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa.

"Dont you dare my dearest brother"pagbabanta ni Fafa pero hindi manlang nasindak ang batang batugan at tumawa tawa pa.

"Why?"tanong nanaman ng batang batugan.Hindi sumagot si Fafa kaya ako nalang ang sumagot

"Kasi nga your too young para malaman yun,di'ka pa big boy"sabi ko pero matalim na irap lang ang nakuha ko sa batang batugan.

"I didn't ask your opinion,dumbass"nauntog ang noo ko sa harapan nitong kotse dahil sa bigla biglang paghinto ng kotse.

"Alaric,did i teach you that kind of behavior?"

"No"

"Then why did you respond like that to your elder?"

"Because she's annoying.She looks like a broken license plate and a talkative parrot"busy lang ako sa pangungulangot habang nag aaway sila.Bahala sila dyan,problema nila yan eh.Hindi nagtagal ay nakatulog ako dah il narin siguro sa pagod.

Nakahiga ako sa puting kama.Nakapikit ang mga mata ko pero laging bukas ang pandinig ko.Kahit nakapikit ako ay alam ko ang nang yayari sa paligid dahil nakakarinig ako.

"Anak,gumising ka naman na oh.Miss kana ni mama,pasensiya na kung palagi kitang pinapagalitan at ikinukulong sa bahay.Dahil tuloy sa ginawa ni mama,naging matigas ang ulo mo.Nagrerebelde ka na at gumagawa ng hindi namin gusto.Pero kahit ganun ka anak mahal na mahal ka namin ni Tatay Rolando mo.Sobrang mahal,kaya anak..gumising kana.Babawi kami ng Tatay mo,pangako"sabi nito at hinalikan ako sa noo

Napabalikwas ako ng higa dahil sa nangyari.Panaginip lang pala.Pawis na pawis ang buong katawan ko kaya pinunasan ko muna ito gamit ng kumot.Dibale,sila maid naman ang maglalaba at tsaka mabango naman pawis ko.Keri na nila yan.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagdesisyonan kong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina.Nakapaa lang ako at maingat na naglalakad.

Habang naglalakad sa kung saang mga sulok sulok dito,napadako ang tingin ko sa pintong nakabukas.Hindi ako nakakita ng orasan pero sa tingin ko alas tres na ng madaling araw.

Bukas pa ang ilaw ng kwarto at may kaunting siwang ang pinto kaya sumilip ako.

May babae doon na kulay purple ang hair,naka fitted skirt na may slit,tapos naka backless na crop top na ang design pa ay pink.

Nagsasayaw ito na animoy isa siyang k pop girl.Malambot ang katawan niya at ngayon ko lang napansin na 8 inches ang taas ng heels niya,kinabog ang 2 inches ko mga daiz.Pero okay lang ang 12 inches,mejo mesherep.Char!!!

Lumaki ang mga cutie patootie kong mga mata ng makita ang mukha nito."AU-AU?!!"

"Oh my ghash!Rae?!!"kaagad akong pumasok sa kwarto niya at kaagad ding isinara ang pinto,kasabay ng paglagay ko ng isa kong daliri sa bibig.Mukang gets naman niya ang ibig kong sabihin.

Unexpected Encounter(On Going)Where stories live. Discover now