"Yes," sagot ni Jordan. Kumuha siya ng isang pad ng one whole paper mula sa backpack niya.


Nag Indian sit ako sa sahig saka hinila ang center table palapit sa akin. Nagulat ako nang maupo rin sa lapag si Jordan. Kinuha niya ang libro ko sa Physical Sciences at binuklat-buklat.


Nagsimula na akong mag-assignment. Ang hirap kasi engot talaga ako sa Science, 'tapos may halong Math pa dahil may compute-compute.


Tutok naman si Jordan sa pagtuturo sa akin. Sinimulan niya sa basic dahil na-gets niya yatang puro hangin ang laman ng utak ko. Hay, sana ma-turn off na lang siya at lumayas na.


"Any vector can be resolved into a horizontal and a vertical component," malumanay ang boses niya habang nagsasalita.


Nagdrawing siya ng rough sketch ng original vector sa papel. Puro tango lang naman ako. 


"Note that the angle is measured counterclockwise from the positive x-axis."


Tumango-tango ako. Dahil mahaba ang pasensiya at malambing ang boses niya habang nagtuturo ay may nage-gets naman ako kahit papaano. Mga 10% siguro.


In fairness, mas mabait siyang magturo kaysa kay Isaiah. Si Isaiah kasi ay maiksi ang pasensiya. Kapag paulit-ulit na at di ko pa rin nage-gets, kinakaltukan agad ako. Napakahayup.


"You have to determine the components. Then the magnitudes of the component vectors." May mga sinulat-sulat siya sa papel. "You need trigonometry to calculate the magnitudes."


Dami pa niyang ginawa. Ipinakita niya sa akin ang papel matapos ang ilang minuto.


"Bale ito is in the negative x-direction and..." Nahinto siya nang makitang sa kanya ako nakatingin at hindi sa papel.


Napakurap din naman ako nang magtama ang mga mata namin. 


Parang may dumaang anghel. Iyong maharot na anghel.


"Carlyn," maaligasgas ang boses niya.


Napalunok ako at nag-iwas ng paningin. Inagaw ko sa kanya ang papel. "Uhm, ano ngang number na ba ako?" tanong ko na pilit itinataboy ang panginginig ng boses.


Bumuntong-hininga si Jordan at saka itinuro sa akin ang huli niyang ginawa. Sobrang tahimik niya na nang mga sumunod na sandali.


Himala rin naman na natuto na ako at ako na ang sumagot sa ibang numbers. Parang dahil sa pagpapanic ay biglang napiga ang utak ko. Kahit malapit-lapit na akong duguin ay nagsikap ako na magawa na ang assignment dahil gusto ko nang makatapos.


Bandang quarter to 7:00pm ay natapos ko na nga ang assignment ko sa tulong ni Jordan. Sa wakas tapos na dahil hindi na ako makahinga sa tensyon.


Inaayos ko ang aking mga gamit nang mag-blink ang ilaw ng phone ko na nasa ibabaw ng center table na kaharap namin. Sa pagliwanag ng screen ay mababasa agad ang pangalan ni Isaiah. Napalunok ako nang makitang nakatuon doon ang paningin ni Jordan.


Dinampot ko ang phone at binuksan ang text message.


Isaiah:
Kumain ka na?


Hindi ko ni-reply ang text at itinaob ang phone sa center table. Inabala ko ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit ko.


Sumilip si Mommy sa sala. "Dinner is ready. Kain muna kayo."


Tinulungan ako ni Jordan na ligpitin ang huling libro at pagkatapos ay nauna siyang tumayo. "Sa amin na po ako kakain," magalang na sabi niya kay Mommy.


South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now