Hindi maikakailang mag-ama nga silang dalawa ni Abelaine, kung tingnan ka, parang pati kaluluwa mo, nakikita na nila.

Di kalaunan ay tipid na ngiti lang ang binigay niya sa'kin bago tingnan anh anak na katabi ko lang. "Magaling ka pumili Abelaine."

Napatingin naman ako dito kay Abby na sobrang laki na ng ngiti ngayon. "Ako lang 'to dad." she proudly said.

I shooked my head in disbelief. So conceited.

"Sakto lang ang dating niyo, katatapos ko lang magluto." her mom said, then she held my arms. "Dito kana kumain Sela. And don't be to formal, call me tita instead."

I was hesitant at first but I choose to nod at her. "Yes po tita."

Marahan lang niyang hinagod ang mahabang buhok ko habang nakangiti sa'kin. Saglit lang naman 'yun at agad na silang pumanhik sa kusina. Tanging kaming dalawa na lang ni Abelaine ang natira dito sa sala.

Napatawa pa nga ako doon sa dalawa nang mapadaan sila sa tapat ko. Para silang kinikilig na ewan. Ang cute lang.

"Told you, they will like you." she said, smiling genuinely at me.

Napangiti na lang din ako. I also put my hand in her chest where heart is. "Thank you." puno ng sinseridad na tugon ko. "You make me the happiest person alive." I give a peck in the tip of her nose. "I love you by the way." kinindatan ko pa siya saka iwan do'n para sumunod sa hapag.

Napatawa na lang ako sa loob-loob ko, natuod na naman do'n ang gaga. Hindi na kumibo.

"Are you tired?" bakas pa ang pag-aalala sa tono niya nang itanong niya sa'kin.

Hindi naman ako sa sumagot muna bagkus nahiga lang sa kama niya at agad na ipinikit ang mga mata.

"Sela"

I took a deep breath. "Yes, I'm tired Abby." may kahinaang tugon ko. "Mukhang knockdown ako mamaya pag-uwi sa bahay."

Pagkatapos namin maghapunan, nakipag kwentuhan lang ako saglit sa mga magulang niya, saka kami pumanhik dito sa kwarto niya. At ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Parang ang sarap ng matulog ngayon. Hay.

"Magbibihis lang ako, you can take a nap if you want." I felt her lips against my forehead. "Para mahatid na din kita agad."

Hindi ako sumagot sa kanya at mas piniling manahimik na lang dito. Narinig ko naman ang pagbukas sara ng pintuan ng banyo niya. Napahinga na lang ako ng malalim at saka tinanggal ang suot kong I.D. Medyo nasasakal na ko. Nilapag ko lang naman 'yun sa tabi ko bago muling ipikit ang mata.

Hindi pa naman ganon kalalim ang gabi. Nagsabi na din ako kay mommy kanina noong papunta palang kami dito. At syempre, sandamakmak na kantyaw ang narinig ko kay ate at kuya sa kabilang linya.

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa pagpapahinga ng marinig ko muli ang pagbukas sara ng pintuan ng banyo niya. Nagmulat naman ako ng mata ako para tingnan siya.

"Done?" mahinang tanong ko pero sapat lang para marinig niya.

Hindi naman madilim dito sa kwarto niya kaya kitang-kita ko ang pagsupil ng ngiti sa labi niya. "Yeah" she sat beside me. "Ano? Ihahatid na ba kita?"

Tila nanlalambot akong bumangon, napasandal pa ko sa headboard ng kama niya at matamang tiningnan siya. "Anong oras na ba?"

Under The Shade (SeBy) Where stories live. Discover now