CHAPTER 28

8 2 0
                                    

"Where are we going baby?"nagtatakang tanong ni mommy ng isakay ko siya sa sasakyan at nilagyan ng takip ang mga mata niya.Sinabi ko naman sa driver ang location at alam niya naman yon.

We're going to the mansion of Gaston because dad wants to propose to mommy.Alam na ng buong Gaston ang mangyayari ganon rin ng mga Real kaya mas maagang umalis kanina sina mamita.

Hindi naman nag tataka si mommy kung bakit sabay silang umalis lahat at hindi kami kasama kaya sinabihan ko nalang si mommy na may pupuntahan kami para hindi na siya mag taka pa.


"Its a surprise so just shut up your mouth mom and we will see later."

Ilang araw din itong pinaghandaan ni daddy at sa bawat araw na dumadaan ay tinatanong niya ako kung talaga bang mahal pa siya ni mommy kaya bawat tanong niya pinaparinig ko sa kanya ang record ko ng tinatanong ko si mommy sinadya ko talagang irecord ang sagot ni mommy dati.

"Mom malapit na tayo relax."

"Tatanggalin kita manong sa trabaho mo ako yung nagpapasahod sayo pero ang anak mo sinusunod ko."Sabi ni mommy sa driver.

"Mam napag utusan lang ako nina sir Louis."Pero sabi ko sa driver na hayaan niya nalang hindi niya naman yon gagawin alam ko namang joke lang iyon ni mommy.

Nang makarating na kami sa mansion ng mga Gaston inalalayan ko si mom na bumaba sa sasakyan baka malaglag pa at ako pa yung managot mahirap na.Agad naman kaming pinag buksan ng kanilang guard.

Si tita yung sumalubong samin sa pinto yung kapatid ni daddy na naka usap ko dati at tinulungan niya akong alalayan si mommy papunta sa living room kung saan nakahanda ang lahat.

Nandito na silang lahat pati na yung mga pinsan ko madaming balloon sa paligid pero yung pinaka malaking ballon ay letters na WILL YOU MARRY ME ARABELLA hindi talaga tinipid yung pangalan ni mommy ganon siya kamahal ni daddy.

Sinenyasan na ako ni daddy na naka luhod na sa harap na may dalang diamond ring na tanggalin na ang takip sa mata ni mommy.Pagkatanggal ko agad na napaluha si mommy,tiningnan niya muna ang kabuuan bago tingnan ng diretso si dad.

"Maraming taon tayong nagkahiwalay at nawalay ang ating anak sa atin marami akong pagkukulang sayo dati pero ngayon handa na akong ibigay sa inyo ang lahat ng anak natin at magiging anak pa natin.I love you very much Arabella simula noong nakilala kita at hanggang ngayon ikaw parin so please accept my love for you will you marry me Arabella Real?"Sabi ni daddy na ikinaluha ni mommy.

"Yes i will marry you Marco i didn't expect this i love you so much."naluluhang sabi ni mommy sabay lagay ni daddy ng ring sa kanyang kamay.

"I want a big family with you and Sofia wants a siblings so lets give her wants."Daddy joked kaya hinampas siya ni mommy.

"Kung hindi lang talaga ganito ka ganda ang surprise malalagot ka sakin Sofia tapos kayo mommy hindi niyo man lang sinabi sakin."Mommy said.

"Surprise nga diba Arabella,Marco huwag mo nalang yan pakasalan."Mamita said at tumawa ang lahat.

Pumunta kaming lahat sa dining table at marami ng nakahandang mga pagkain may isang lechong baboy pa grabi talaga.Dalawang table yung nandito ngayon dahil sa sobrang dami namin hindi kami nagkasya sa isa lamang.

"Ganito mo kamahal si mommy dad?proposal palang pero may isang lechon na?"

"Hindi lang lechon ang kayang kong ihanda sa kanya."sabat ni daddy at tumawa kaming lahat.

Nasa iisang side kami ng mga bata at nasa iisang side din ang mga matatanda kaya katabi ko ngayon si Julia na cousin ko na pinaka madaldal sa aming lahat.

Miserable lifeDär berättelser lever. Upptäck nu