"Lady Athy, let me help you prepare your bath." magalang na sabi naman ni Pira.
 

 
 "Okay!"
 
 

Papasok na sana ako ng kwarto nang hawakan ako ni Heleina sa kamay. Sa itsura niya ngayon parang konti na lang ay iiyak na siya.


"What's wrong?"


"B--big sis, don't mind them okay? I--I'm always on your side! I'll protect you!" naiiyak nitong sabi na kinanganga ko.


"Damn! This kid is making me cry! She even said that she was going to protect me, which made me feel so touched."


"Alright! Big sis will going to protect you as well." nakangiti kong sabi at ginulo ang buhok niya.


"Okay!" sabi nito nang may malaking ngiti sa mukha.

 
Sa nobela ay hindi sila masyadong nakakapag-usap ni Heavenhell dahil nakapokus ang buong atensyon nito sa magulang nila at kay Vile, kaya hindi niya napansin na may isang tao na nag-aalala sa kaniya. Gustong-gusto ni Heleina si Heavenhell kasi alam niya na sobrang talino ng ate niya at marami itong kayang gawin na hindi alam ng lahat.


Pero nakakalungkot na hindi man lang nalaman ni Heavenhell ang bagay na 'to bago siya mawala. Kaya naman bilang mabait na nilalang ay aalagaan ko ang kapatid niya bilang pasasalamat na rin sa maganda niyang katawan. Kahit pa na puro problema ang iniwan sa'kin ng bruha ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kaniya.


Una sa lahat, maganda siya! Idagdag mo pa na sobrang talino ng bruha, aarte pa ba ako? Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay marami akong pera hahahaha! Ehem! Ehem!


"I'll take a bath first and see you later." sabi ko na lang. Nakangiti siyang tumango at naglakad na pabalik sa kwarto niya.


"Lady Athy, it's done." singit ni Pira na nagmamala-kabute na naman sa bigla nitong pagsulpot sa gilid ko.


Pumasok na ako ng banyo at dumiretso sa malaking bathtub para magbabad. Gusto ko munang mag-relax dahil mamaya ay makakapanood na naman ako ng live drama ng pamilyang Caventry.   


Sana ay huwag akong mainis dahil baka hindi ko mapigilan ang bibig at bigla-bigla na lang magsalita mag-isa. Yeah! May sariling utak ang bibig ko at minsan ay kung ano-anong sinasabi. Tsk!



"Lady Athy, the dinner is ready." dinig kong sabi ni Pira sa labas ng banyo.


"Alright!"


Tumayo ako sa bathtub at inumpisahang mag-ayos ng sarili. Simpleng puting long sleeve na dress lang ang sinuot ko at puting tsinelas na nakita ko sa cabinet ni Heavenhell.


"Let's go, Pira!" nakangiti kong sabi kay Pira na nakatulala sa'kin. Problema neto?

 

"What?"



"My lady, napapansin ko na gumaganda ang fashion sense niyo." sabi niya habang naka-poker face.


"..."


Pilit ngiti ko na lang siyang tinignan. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya, ganoong 'di ko malaman kung pinupuri niya ako o ini-insulto.



Napailing ako at minabuting maglakad na lang papunta sa dining hall. Matapos ang paglalakad ko sa mahabang pasilyo ay sa wakas narating ko na rin ang lugar. Seryoso akong naglakad papalapit sa lamesa nang makita silang lahat na nakaupo na sa kani-kanilang upuan.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now