Inispin na ni coco yung bote at agad naman tumuon kay ate sela kaya sobra kaming natawa na lahat si ate dana ang magtatanong sa kanya ngayon.

"Okay itlog-- ay este marselog--- ay pasensya na talaga , okay sela may sa loob nang mahaba niyong relasyon ni Miss Abelaine Trinidad may nangyari na bang dalawa sa inyo?" Medyo lasing na sabi ni ate dana napatahimik naman ang lahat at natuon ang tingin namin kay ate sela na sobrang namumula na ngayon.

Nabigla ata siya dahil medyo spg na yung tanong ni ate dana pero curious kaming lahat na malaman yun.

"Ahm nauuhaw ako , kaya I refuse to answer that question dana" sabay lagok niya ng alak at napahinto pa siya saglit bago tuluyan niyang naubos iyon.

"Aaayy!! Pangit niyo naman kabonding! Dapat buong bote nalang ng fundador eh nang sa ganun sasagot yang mga yan!" Sigaw naman ni ate sheki na sabog na talaga ngayon magkayakap na sila ni ate alice.

"Oo nga dapat truth or truth tong laro natin eh ang dadaya! Pinipili niyong uminom! Alam ko namang goal nating magwalwal pero wag namang hanggang dulo , laro to o laro!" Singhal naman ni ate dana pero agad nang tinakpan ni ate jem yung bibig niya dahil medyo napapalakas ata yung boses niya ngayon.

"Next na move on na agad , argh bote makisama ka please kay jaydee ka naman sana tumuon dahil madami kaming katanungan sa kanya" sabi naman ni coleen , napatingin siya sa akin at nakangisi fudge hindi ko nagugustuhan yung awra niya ngayon ah.

Inispin na ni ate sela yung bote , napapikit naman ako dahil umiikot na talaga yung mundo ko ngayon.

"Oh binggo! Natuon din kay brei! Hahaha gabbo? Ikaw na ang magtatanong , yung masayang tanong at eksklusibo ang itanong mo ah!" Sabi naman ni ate jem kay gabb papikit pikit naman niyang tinignan si atw brei.

"Okay ate brei ang tanong ko sayo ay paano kung malaman mong may iba nang mahal si Lara magiging masaya ka ba para sa kanila nung bago niya?" Siniko naman ni ate lara si gabbo dahil sa tanong nito napaangat nalang ang ulo ni at brei at diretsong tumingin hindi kay gabb kundi kay ate lara.

"Yes I'll be happy for them , hindi naman ako bitter eh! Okay na ba gabb? Nasagot ko naman na siguro yung tanong mo?" Medyo iritang sabi ni ate brei napalunok nalang ng laway si gabb medyo kinabahan ata dahil sa tono ng pananalita ni ate brei ngayon.

"O siya mag spin kana ombeng , nang sa ganun ay makaikot na ulit" sabi naman ni ate sela kaya sinunod na yun ni ate brei pagpa ikot niya ay saktong tumuon kay karla.

"Awts gege! Oh kay karla tumuon , abelaine ikaw na ang magtanong! Hoy gumising ka muna dahil ikaw na ang magtatanong kay karla!" Pang gigising ni ate sela kay ate abby napamulat naman ang mata niya tsaka tinignan ng diretso si karla.

"Oh kalma lang naman , hmp ang tanong ko sayo karla ay anong status niyo ni jaydee? In a relationship ba kayo o mag mutual o magkaibigan?" Napatingin naman ang halos lahat sa akin dahil sa tanong nila kay karla , what the heck ? Bakit kayo nakatingin sa akin? As if naman magiging affected ako sa kanila.

"Anong klaseng tanong naman yan ate you know naman yung sagot sa katanungan mo---" napatigil nang pagsasalita si jaydee nang biglang nagsalita si karla at hinawakan niya pa yung mukha nito.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now