O11 : She Killed Her?

Start from the beginning
                                    

Nakita naman namin si Neon na nakaupo sa ilalim ng puno habang nakapikit ang mata

"Stacy ikaw naman magtanong sakanya" tinulak ako ni Cassidy ng mahina

"Why ako? sa iba nalang tayo mag-ask" sabi ko kaya tinulak ko ng mahina si Cassidy

"Ano ka ba? Pwede tayong magtanong sakanya since alam mo na pero ikaw magtanong kinakabahan ako" sabi ni Cassidy na tumago sa likod ko at tinulak ako ng unti

"I don't want kaya you nalang magtanong wag moko i-push" sabi ko at pinipigilan siyang itulak ako ng itulak

"Kailangan natin siya tanungin malay mo alam niya-" natigilan kami pareho ng bigla namin marinig boses niya

"Ano ba kasi itatanong niyo?" tanong ni Neon at nakatingin sa amin ng seryoso

"Ay palaka! ayan na bilis, ikaw na magtanong" nagulat si Cassidy pero ako parin talaga tinulak para magtanong

"Ah hehe, if you saw Kisha daw" simpleng sabi ko

"Ah.. hindi ko siya nakita eh. Bakit?" malamig na sabi ni Neon

"NEON HAKDOG FALVIOM I'M HERE!" may narinig kaming babaeng biglang sumigaw

"tanginamo Scarlet. Ambagal mo kumilos. Bilisan mo nga" Tahimik kami ni Cassidy na tumawa dahil sa magkapatid

"Pasalamat ka wala kang dalang kahit anong libro or bag. Hampas ko toh sayo eh. Oh- Hi Stacy and Cassidy. Nakita ko nga pala si Kisha sa library kasama si Harmonia, Void at yung iba-" nagkatinginan kami ni Cassidy at tumakbo papunta sa library without any hesitations

─────
3rd Person POV
─────

"Oh- Hi Stacy and Cassidy. Nakita ko nga pala si Kisha sa library kasama si Harmonia, Void at yung iba-" Hindi natapos ni Scarlet ang sinasabi niya dahil biglang kumaripas ng takbo yung dalawa

"Hala... bakit parang... nakakita ng multo yung dalawa at bigla akong tinakbuhan" tanong ni Scarlet at dahan-dahang nilagay ang dalawang kamay sa bibig dahil sa gulat

"Mukha ka naman talagang multo eh joke. Kanina pa kasi nila hinahanap si Kisha kaya nung sabihin mo bigla kung saan mo nakita si Kisha edi ayun... tumakbo" paliwanag ni Neon sa kapatid habang pinapanuod ang dalawang dalaga na na natakbo sa di kalayuan at nagtutulakan pa

Nakarating si Cassidy at Stacy sa library at pumasok. Nakita nila si Kisha na seryosong nakikipag usap kay Void, Harmonia, Tyco at Elixir. Napatingin si Stacy sa isang lalaki na hindi parin niya makalimutan dahil nireject siya nito.

"I think may pinag uusapan silang topic na serious kaya mauna na tayong umuwi" sabi ni Stacy kay Cassidy kaya tumango nalang si Cassidy.

Lalabas na sana sila ng biglang narinig ni Stacy ang kanyang pangalan kaya tumingin ito kay Elixir at nakitang hindi ito nakatingin sakanya kaya inisip niya na hindi siya tinatawag nito at binanggit lang ang pangalan pero nagulat si Stacy ng biglang tumingin ito sakanya kaya nahiya ito at dali-daling lumabas ng library

"Grabe, bakit ba parang nahihiya parin ako sa tuwing tumitingin siya sakin?" bulong ni Stacy sa sarili habang sumunod kay Cassidy

On the other hand. Napangiti lang si Elixir at natawa ng mahina

"Wala parin talagang pinagbago yung babaeng yun. Maganda at mahiyaing babae nga naman" bulong ni Elixir at nakangiting umiling

"Ano yun Elixir?" medyo narinig ni Tyco na parang may sinasabi si Elixir kaya nagtanong ito bigla

"Ah eh wala, magagabi na. Hindi pa ba tayo uuwi?" sabi ni Elixir at sinubukang baguhin ang topic

"Ahh oo nga noh. Tara na magcloclose na tong school. May gagawin pa ako eh. Byee ingat kayo paguwi!" pagsang-ayon ni Harmonia kaya tumayo

"Sandale Harmonia sabay-sabay na tayo. Baka kung ano pa mangyari sainyo" Sabi ni Tyco kaya pumayag sila na sabay-sabay ng umuwi or incase na makakita sila ng unexpected ghost sa daan

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: BASTA PALALAYAGIN KO STALIXIR WAG NYOKO I-TOUCH

LULLABY Where stories live. Discover now