Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Ang alam ni Mommy ay boyfriend ko si Jordan dahil never ko siyang na-correct. Sa pagkakaalam niya pa nga ay bago pa ako mag debut, kami na.

"Ayos lang sa akin na boyfriend mo siya. Nasa legal na edad ka na. And besides, I trust you. I know that you know your limitations."

Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil.

"From now on, I want you to be open to me. If you have a problem or anything, even it's about your relationship with Jordan, I want you to tell me."

Magsasalita sana ako nang mag-ring ang phone niya. Napakunot-noo siya sa phone niya na nasa ibabaw ng mesa.

Sinilip ko kung sino. Nabasa ko agad ang pangalan ni Ninong. "My, bakit ayaw mo pong sagutin?" pag-iiba ko rin ng usapan.

Nakatitig lang si Mommy sa phone pagkatapos ay ikinancel niya ang tawag. Nagtataka naman ang mga tingin ko sa kanya.

"H-hindi naman siguro importante..." Napatikhim si Mommy.

"Baka tungkol sa kaso nina Wayne." Attorney kasi ni Ninong ang tumutulong sa amin sa kaso.

"Nakausap ko naman na iyong attorney. Hindi na siguro natin kailangan na abalahin pa ang ninong mo."

"Mukhang gusto naman niyang magpaabala, Mommy."

Umilap ang mga mata ni Mommy. Pinagsandok niya ulit ako ng pagkain sa plato ko. Nagkukwento siya at ngumingiti sa akin pero hindi niya maitatago ang lungkot sa mga mata niya.

"Uhm, darling, ano palang gusto mong ulam mamayang dinner?"

"Hmn..." Napahimas ako ng baba. "Kahit umorder na lang ulit tayo. O kaya naman delata na lang at pancit canton."

Lumabi si Mommy. "Hindi iyon healthy."

Ngayon niya lang ba narealize iyon? Ilang taon nang ganoong ang ulam ko gabi-gabi.

"Basta magluluto ako mamaya. Magyu-Youtube na lang ako for recipes."

Pagkatapos kong kumain ay hindi niya ako pinatulong sa pagliligpit. Maski paglalagay ng plato sa lababo ay pinigilan niya ako. Masyado siyang maasikaso na nakaka-shock na talaga.

Nang magpaalam akong aalis na ay may inabot siya sa aking paperbag. Nang tingnan ko ang loob ay may lunchbox doon. Inilapag ko iyon sa mesa at tiningnan ang laman ng baunan, kanin at fried chicken iyon.

"My, may sakit ka ba?" hindi ko na napigilang hindi magtanong dahil last time na pinaghanda niya ako ng baon ay elementary pa yata ako.

Ngumiti lang si Mommy sa akin.

"Sige, My, alis na ako. 'Katakot ka na e."

Bago ako lumabas ng bahay ay niyakap ako ni Mommy. "Ingat, baby ko..."

Iniwan ko na siya dahil para talaga siyang nahihipan ng kung anong hangin. Parang may sapi. Kinikilabutan tuloy ako.

Paglabas ko ng gate ay nagulat ako nang makita ang motor na nakaparada sa tapat ng kalsada. Nakasandal doon si Isaiah. Naka-school uniform at hinihintay ako.

Nang mapatingin siya sa akin ay alanganing ngumiti siya. "Good morning, girlfriend."

Nilapitan ko agad siya at sinabunutan. "Anong ginagawa mo rito? 'Makita ka ni Mommy!"

Nahimas naman niya ang ulo niya na sinabunutan ko. "Sinusundo ka."

Sa may tindahan ay nakasilip sa amin ang isa sa mga kapitbahay na si Aling Agnes. Mukhang bumibili and at the same time ay kumakalap ng chismis.

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now