Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinagpatuloy ang pagbabasa. Maybe we have our great power, but we still have our political conflicts. Hindi naman mawawala iyon.

We might have our powerful sacred tower, ruled by the head wizard. We also have kings from different empires. They say that their power is as high as the head wizard, but for me, no one can say that unless they conduct a duel.

Ngunit kung papipiliin ako, higit kong tinitingala ang punong salamangkero.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng kompetensiya ng sagradong tore at ng mga palasyo sa desisyon tungkol sa Fevia Attero.

Fevia Attero has one head wizard, four wizards appointed for each empire, four kings, one commander of the holy knights, twelve political advisors, and—of course—the four dragon wizards. Well, the dragon wizards don't meddle in political affairs.

We have four empires, namely, Altaino in North, Ilisto in East, Katza in West, and Itara in South.

The members of the Callista family—a family that can manipulate the element of Earth using talismans—are all living in the South, Itara Thethoris, one of the kingdoms in Itara.

Bumuntonghininga na lang ako at pumangalumbaba sa may bintana.

"Maybe I should find their weakness and use this as a threat to one of the four dragon wizards. I'll not be a disgrace to our family but the pride of our family . . . because one of the famous wizards selected me as his bride, not for power but for knowledge . . . "

That . . . that was supposed to be the perfect plan.

But fate brought me somewhere I never thought I'd face too early. My death. A fucking sacrifice!

I surrendered.

Tinanggap ko na ang kahihinatnan ko para sa kapakanan ng aking pamilya at sa buong angkan namin. Ngunit hindi ko inaasahan ang siyang nangyari.

Because our Earth God came down from above.

Did he refuse me? bulong ko sa isipan ko.

Ngunit natigil din ang katanungan sa isip ko nang sandaling ang aming panginoon naman ang magtanong sa akin. Tipid pa siyang yumuko, kulang na lang ay takpan niya ang labi niya para hindi makita ng mga nakapaligid sa amin ang ibinubulong niya.

"Erm, excuse me? Where am I?"

Hindi ko inaasahang ganoon ang paraan ng pananalita niya. Hindi lang ba katawang lupa ang agad niyang nakuha kundi pati na rin ang paraan ng pananalita namin?

"Panginoon! Ika'y nasa Fevia Attero!" nagsusumamong sabi ng matatandang Callista.

Muli'y napuno ng paulit-ulit na pagyuko at paghalik sa lupa ang aming paligid. Dahil hindi ko nais magkaroon ng masamang impresyon sa aming panginoon, sumunod ako sa aking angkan at panay ang pagyuko at pagsamba ko sa aming kababang diyos.

Hindi ko rin inaasahan ang kasuotang gamit niya sa mga oras na iyon. Hindi ba't isinusuot iyon ng mga maharlika sa palasyo?

"Attero . . ." usal niya.

Wala pa rin siyang tigil sa pagsuyod sa paligid habang panay ang kamot sa kanyang kanang pisngi.

"Panginoon! Ano ang iyong nais? Ang ritwal ba'y mali sa iyong pamantayan—"

"Ritwal . . ." ani niya.

Muling gumala ang mga mata niya sa paligid hanggang sa matuon muli iyon sa akin. Tila agad niyang nabasa ang pangyayari at ilang beses siyang tumango-tango.

Mas tumuwid siya sa kanyang pagkakatayo, pinagsalikop ang dalawang kamay sa kanyang likuran, at marahang naglakad-lakad sa maliit na bilog. Mas tumalim ang kanyang mga mata sa paligid, dahilan kung bakit nangatal iyong buong angkan ko sa takot.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now