Chapter Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

“Anong minsan lang? Parang ikaw na nga ang boss dito at ako ang tauhan, e!” reklamo n'ya.

“Hehe, jokings lang.” Nag-peace sign ako. “Pero boss. Kung medyo hindi naman importante ang pupuntahan mo, samahan mo na lang ako.”

“Pupunta ako sa kompanya,” sabi naman n'ya.

“Importante ba ang dahilan kaya ka pupunta ro'n?” tanong ko.

Natigilan siya, tila napaisip. “Ahm, not really,” sabi n'ya saka saglit na tumingin sa 'kin. “Fine, saan ba tayo pupunta ng manahimik ka na?”

Napaismid si Ashteroh at hinubad na lang ang blazer n'ya. Napangiti ako nang necktie naman n'ya ang hinubad n'ya... Siyempre, basta na lang siya naghubad ng damit sa harapan ko. Hindi na lang ako nag-react at umupo sa kama habang hinihintay siya.

Simpleng t-shirt at pants na lang ang sinuot n'ya. Agad naman akong humawak sa braso n'ya at hinila siya palabas ng kwarto pagkatapos n'yang magbihis.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong n'ya nang nasa loob na kami ng kotse n'ya.

“Sa palengke,” agad na sagot ko saka ngumiti nang matamis sa kanya.

Napaawang ang labi n'ya. “S-Sa palengke?” tanong pa n'ya.

“Oo, boss. Mamimili tayo sa palengke. Mas mura do'n kaysa sa mall. Saka doon tayo magpunta sa palengke na alam ko. Please, boss. Ituturo ko sa 'yo ang daan.”

Wala ng nagawa si Ashteroh. Napabuntonghininga na lang siya at nagsimula ng magmaneho... Excited na 'kong mamili para sa ihahanda ko sa birthday n'ya. Pero dahil konti lang naman kami sa mansyon, konti lang ang bibilhin kong mga sahog.

Bumaba na rin agad kami ng kotse nang makarating kami sa palengke.

“Bakit dito ka pa nagpasama? Ang layo layo rito,” reklamo ni boss.

Dito kasi kami nagpunta sa palengke na malapit sa amin. Dito ako sanay mamili, e.

“Eh siyempre, marami akong kakilala rito kaya mas makakatipid tayo,” sagot ko naman at pabirong hinampas ang braso n'ya.

“Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na mag-surprise ka para sa birthday ko? Hindi naman kailangan 'yon,” nakakunot-noong sabi n'ya.

“Ano ka ba? Kailangan talaga 'yon kasi...” Natigilan ako nang may mapagtanto ako. “Bakit mo alam, boss?!” asik ko saka hinila ang damit n'ya.

“Paano ko hindi malalaman? Halos isigaw mo sa buong mansyon 'yon kanina?” tila wala lang na sabi n'ya.

Napasinghap ako at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya saka pinaharap siya sa 'kin.

“Boss, kalimutan mo na lang ang narinig mo kanina, please. Joke time ko lang 'yon... Boss, awoooh! Kalimutan mo na ang nangyari,” tila nagri-ritwal na sabi ko at napapapikit pa.

Naiinis na itinulak ni Ashteroh ang mukha ko palayo sa kanya.

“Oo na, hindi ko na narinig. Joke time ko lang din 'yon,” sabi na lang n'ya.

Tila nakahinga naman ako nang maluwag. Grabe, muntik na 'ko ro'n ah.

“K, fine. Let's go, boss.” Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinila siya papasok sa palengke.

Nag-ikot ikot na kami sa palengke at nagsimula mamili. Nakakapagtaka na hindi nagrereklamo si boss sa init at amoy rito sa palengke. Parang wala lang sa kanya 'yon.

“Bakit hindi ka nagnanakaw rito?” bulong n'ya sa 'kin.

Napailing ako. “Malamang. Mayayaman lang ang ninanakawan ko. Walang wala na nga ang mga tao rito tapos nanakawan ko pa? Hindi naman kami gano'ng kasama, boss,” sabi ko na lang habang kumakagat sa ice candy na pinabili ko kay boss kanina. Fruit salad flavor kasi 'to, paborito ko talaga.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon