“Tumahimik ka na lang.”

Mas lalo siyang tumawa. He even patted my hair before standing up. Kanina niya pa binabalik-balikan ng tingin ang teddy bear sa bag ni Zy.

“Hindi naman ni Zyrill malalaman kung kukunin ko 'to, 'no? My sister like this.” Tumawa pa siya sa sarili niyang joke.

“Sige kung gusto mo maagang mamatay.”

He chuckled. Hinarap niya ako.

“Tara, caf? Aral na lang tayo para hindi ka busangot diyan.” He wiggled his brows.

Npaayos ako ng upo. “Saan?”

“Doon sa likod ng Chapel. Ang sarap ng macha nila.”

Tumalikod siya at kinuha ang bag habang sinusulyapan ang reaksyon ko bago lumapit ulit sa akin. Ngumiwi kaagad ako.

“Ang layo noon. Diyan na lang sa harap ng school.”

“Ang lamig ng aircon diyan.”

“Alangan, aircon, e.” Tumayo ako.

Umiling siya at tumawa. Siya na ang kumuha ng gamit ko bago kinuha ang aking kamay upang hilain palabas ng room. Habang palabas ay in-explain niya sa akin kung ano ang mas magandang benefits kung doon kami sa cafe sa likod ng chapel mag-aaral.

Ang dami niyang kwento kaya kinuha ko ang cellphone ko at minessage sina Zy na kasama si Enzo dahil baka hanapin nila ako. Alam kong ang alam nila ay kay Tristan ako pupunta pero syempre nakita na nila iyon sa cafeteria na hindi ako kasama. May nakita pa akong message ni Sir pero hindi ko na pinansin dahil alam kong tungkol lang naman iyon sa quizbee. Iniwan nga ako ni Tristan para lang makasama babae niya.

“Uunahin ko muna 'yung chem, sa 'yo?” Binalingan ako ni Enzo, nakangiti pa.

Nagkibit-balikat ako. Kinunutan niya ako ng noo.

“Nakakainis naman 'yang kaaway mo, hindi ka na tuloy madaldal.”

I glanced at him. We're been friends for a long time. Maraming nagkagugusto kay Enzo dahil mayaman at may itsura. Wala nga lang siyang pinapansin ni isa dahil mas nakatuon siya sa pag-aaral at iba pang organization.

Tumawa lamang ito. Tumigil kami ng bahagya sa tapat ng gate upang hintayin ang stoplight.

“Enzo, 'yung tungkol pala sa ranking. Bakit mas mataas sa 'yo 'yung si Quiverra?” medyo walang kwentang tanong ko.

Nilingon niya ako. Medyo nagseryoso siya mg kaunti. Iniisip ko talaga hindi naman siya masyadong affected noon kaya ni-bring up ko. He lick his lips.

“He cheated.”

I knotted my forehead. Doon lang ako natawa.

“Dating matalino 'yun, bakit siya mag-chi-cheat? Sabi 'di naman bumaba 'yung grades, tumaas lang 'yung kaniya.”

“Oo nga. Hindi naman 'yung nag-aral noong periodical. He get the answer from the other section to survived and unintentionally made his grades higher.”

Kumunot ang noo ko. “Saang section? Kanino? Ang hirap noong test, kinaya 'yun ng ibang section para magpakopya pa sila?”

“Leya, may isang academic achiever sa kabilang section na walang sinasantong exam.” Tumawa pa siya nang kaunti dahil parang joke lang 'yun.

I knotted my forehead because I don't get it more. Gusto ko pa siyang tanungin kung napagalitan ba siya pero tumunog ang cellphone ko. It was a notification from my social account. Bumaba ang aking tingin.

Stan Gamboa messaged you.

Napasinghap ako. Kinagat ko ang aking labi at mabilis kong binuksan iyon upang matingnan. Stan message me? Anong naman kayang kailangan niya?

Admiring the Scintillating Sunshine (Isla Lavinia Series 1)Where stories live. Discover now