Sinulyapan ulit ako ni Tristan. Tumawa ito ng kaunti.

“Not really... You know she's part of the quizbee too.”

Kinagat ko ang aking labi. The butterflies are dying inside me. The coldness had been spreading in my system, pushing me into some senses. My chest throbbed.

Tumango-tango si Devi. Lumapit ito at kumapit kay Tristan. Tinaliman ko ang aking mata.

“So hindi ka sasama sa akin?”

Tristan stared at her. For a fleeting moment, I wish I could experience that too. Umiwas ako ng tingin bago pa lumingon sa akin si Tristan. Tumikhim ako.

Peke akong ngumiti ako sa kanila.

“Pwede naman mamaya na lang 'yung pag-review, Tristan. Tama ka nga naman, hindi ko pwedeng baguhin 'yung schedule... Uh, snack na muna kayo. May pupuntahan muna ako.”

Tristan looked at me nothing but with only coldness. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman kong natuwa siya sa desisyon ko ngayon. Ano 'yun? 'Yung paunahin sila?

“Alright,” tanging sagot niya.

I composed another fake smile for them before I turned my back. Hindi ko na sinubukang lingunin sila o makinig kung ano nang pag-uusapan nila. They'll probably going to cafeteria for that. Tutal, halatang pagbibigyan niya naman lahat ng gusto ni Devi. Kaya niya ngang ipaliban 'yung sa amin para sa snack na 'yan. Ba't di pa sila mabulunan.

Nagmartsa ako patungong room. Iritado kong binagsak ang gamit ko sa arm rest. Kaunting classmate ko lang ang nandito kaya hindi rin naman nila napansin kung gaano ako naiinis. Sumalampak ako sa upuan.

“Bwisit siya. Bwisit siya. Maganda lang naman siya.” Suminghap ako.

Ako maganda na, matalino pa. I know that to myself. Ayaw ba ni Tristan sa full package? Ayaw niya sa may itsura na, marunong pa? Kung ganoon, ang tanga niya tumanggap ng biyaya. He can really choose her effortlessly over me!

Napapikit ako nang mariin at sinubsob na lamang ang mukha sa upuan. I am high emotions due to everything had triggered me. I can't control myself, and I won't try. I feel ease when doing this, when feeling bad.

I was nearly cursing them for 30 minutes. Wala nang papasok na teacher ngayon ngunit ang iba ay magpapaiwan pa rin dahil sa mag-aaral. One of the good thing in our school, we are allowed to go home once when we don't have classes anymore. Kaya iilan na lang talaga ang nanditong mga kaklase ko.

Gusto ko nang umuwi pero wala pa rin sina Zy. Siguro nasasarapan din sila sa pagkain sa cafeteria. Dahil sa nangyari kanina, parang ayaw ko nang kumain doon.

“Snack, snack. Ba't kasama si Tristan? Ano, tagasubo?!"

Mahina kong hinampas ang teddy bear na nakasabit sa bag ni Zy dahil sa inis. Alam kong ayaw na ayaw ni Zy na ginagawa namin iyon pero wala naman siya. Wala ba siyang kamay? Nakakabusog ba pag si Tristan ang kaharap kumain?

“Hoy, anong binubulong-bulong mo diyan? Para kang tanga.” Hinila ni Enzo ang isang upuan paharap sa akin.

Pinatong niya ang bag. Ginalaw niya pa nga ang teddy bear sa bag ni Zy bago muling bumaling sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. Suminghap na lang ako.

“Wala.” Pinahinga ko ang aking ulo sa desk.

“Lakas, ah. Tapos na inaaral mo?”

Umiling ako. Pinikit ang aking mata at kinalma ang sarili. Hinawakan ko ang tip ng aking buhok upang paglaruan iyon. Narinig ko ang halakhak ni Enzo sa ginawa ko.

“Sino ang kaaway mo?”

I opened my eyes. I knotted my forehead and didn't answer. If I know he's just fishing information because it's his sideline!

Admiring the Scintillating Sunshine (Isla Lavinia Series 1)Where stories live. Discover now