22. Tenebris- The Wicked

Start from the beginning
                                    

Bago ko pa tangkaing tumayo uli, mula sa grupo ng nakaitim na kapa ay lumapit ang isang lalaking may hawak na malaking itim na krusipiho. Halos dalawang metro ang laki ng hawak nitong krusipiho na may disenyong dalawang ahas na nakapulupot paakyat sa dulo nitong kung saan nakakabit din ang isang malaking ulo ng serpenteng may tatlong ulo. The man's eyes are blazing red na parang punong-puno ng galit. Nakatungkod ang krusipiho nito sa lupa habang nakaharap saakin.

Ilang saglit pa'y humarap na rin saakin si Cael. I saw his hands hardly gripped. Parang nagpipigil ito. Parang gusto niya akong lapitan at ayaw niyang sumunod sa binubulong sa kanya ng lalaking nakahawak ng crucifix.

"Patayin mo na siya!" Malakas na pagkakasabi ng lalaki. His voice sounded like it came from under twenty feet below -nakakakilabot, nakakapanindig balahibo, nakakabato.

Cael remained mute. Hindi ito tumutol o pumayag sa kagustuhan ng lalaki. Nakita kong muling napahigpit ang pagkuyom ng mga palad nito na para bang duon naiipon ang lahat ng emosyong kinikimkim niya at pinipigilang makawala.

"Cael! Huwag kang pumayag. Sumama ka saakin..." I begged. My tears kept falling. Sinubukan ko muling bumangon at lapitan ang kapatid ko pero mahina na ang mga tuhod ko at hindi ko na kinaya ang kirot sa kaliwa kong tuhod. Nanginginig ako dahil sa magkahalong kaba, takot, kirot at panghihina.

Hindi na gumalaw si Cael mula sa pagkakatayo. Madilim ang paligid at tanging ang sinag ng buwan na natatabingan ng mga dahon ng puno ang nagsisilbing liwanag sa lugar na 'yon. Pero kitang kita ko ang pagkislap ng likido sa pisngi ni Cael nang bahagya itong gumalaw at nasinagan siya ng liwanag ng buwan na tumagos mula sa mga kumpol na dahon ng puno. Sigurado akong mga luha yun na tumulo mula sa kanyang mga mata. Alam kong hindi ako kayang saktan ng kakambal ko kaya kahit takutin pa siya ng lalaking parang pinuno nila ay hindi ito susunod sa kagustuhan niyang patayin ako. Hindi ako kayang saktan ni Cael dahil mahal niya ako.

"Tenebris!" Isang sigaw mula sa di kalayuan sa aking likuran ang narinig ko. Alam kong si Alvis iyon na tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko. Sino ang tinatawag niyang tenebris? Napaisip pa ako bago tuluyang nakalapit saakin si Alvis. He was gasping for air, nahinuha kong napagod din ito sa paghabol sa Arang at pagmamadaling puntahan ako.

"Lara!" I heard Amber. Tonong nag-aalala at nagmamadali ito. Kahit papano'y gumaan ang pakiramdam ko nang malaman kong ligtas siya.

"Amber, Lara is injured." Alvis informed Amber. It brought me to thinking that Amber has something to make me feel better.

Hindi ako nagkamali. Biglang may dinukot si Amber mula sa kanyang bulsa. Isang itong maliit na bote na may lamang likidong kulay berde. Marahil isa na naman yun sa mga ekperimento niya. "Lara, drink this."

I opened my mouth and let the liquid flow down to my throat. Parang asido sa lalamunan ang pinainum saakin na bawat daanan nitoy mainit at parang nasusunog sa pakiramdam. It tasted bitter and smelled rotten. Muntik ko na akong maduwal sa sobrang sama ng lasa at amoy pero agad na tinakpan ni Amber ang ilong ko. Maybe to lessen the unwanted senses. Ilang saglit pa'y naramdaman kong parang may mga kuryente sa mga sugatang bahagi ng aking katawan at unti-unti nitong hinihigop ang kirot at sakit. My tissues self-healed instantly and it felt like I was never injured. I can feel my joints ang move my body without any pain.

"Cael belongs to her sister! Cael, huwag kang sumama sa mga tenebris... mapapahamak ka!" i heard Alvis talking to them specially to the leader of the group.

"Kailangang tuparin ng sugo ang nakatakdang mangyari. Kailangang mawala sa balat ng mundong ito ang babaeng yan!" Isang nakakaalarmang pahayag mula sa lider ng mga nilalang na tinawag nilang tenebris. Hindi parin nawawala ang nakakapangilabot na tinig nito.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now