📌 SIXTEEN

231 25 0
                                    

Narrator POV

"Nasa palasyo na sya ng Dark Heaven.. Ano ang balak mong gawin?"

"Wala.." sabi nya sa malambing na salita..

"Bakit wala? Paano natin mapapabagsak ang Prinsipeng yun?" inis nyang sabi.

"Maghunis dili ka lamang.. Hayaan natin ang Prinsesa ang gumawa ng planong yan.."

"Paano kung hindi nya nagawa?"

"Wag kang mag-alala.. May alas tayo para dyan."

"Ano?"

"Hindi ano.. Sino!"

Biglang nanlaki ang mata ng kausap nya at kalaunan ay ngumiti ng nakakatakot..

"Prinsipe Allan.." sabi nya...

----

Alexis POV

*TOK TOK TOK*

'P*tek!!!'

*TOK TOK TOK TOK*

"Pwede bang mamaya ka na mang-istorbo?" inis kong sigaw habang nakapikit.. "Gusto ko pang matulog!!!" sabay talakbong sa kumot.

"P-pero po mahal na Prinsesa.. Pinapatawag na po kayo ng kamahalan.."

"SABIHIN MO SA UNGGOY NA YUN, GUSTO KONG MAGPAHINGA, KAYA WAG NYO AKONG ISTORBUHIN!!!" sigaw kong sabi..

"Pe-pero baka po pagalitan nya ako pag hindi pa po kayo bumangon.."

"PAKISABI SA KANYA KUNG GUSTO NYA AKONG BUMANGON.. MAGHINTAY SYANG GUMISING AKO!!"

"Pe-per---"

"PAKISABI SA KANYA PASASABUGIN KO ANG BIBIG NYA PAG-INISTORBO NYO AKO!!"

Narinig ko naman ang patakbong yapak nya..

Nang wala na sya.. Saka ko ibinalik ang pagtulong ko..

'Ang bango naman ng higaan ko ngayon. Ang sarap singhot singhutin. Feeling ko nasa kwarto ako ng gwapong lalaki..'

Naimulat ko agad ang mata ko.

"Lalaki?"

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at inilibot ang paningin ko..

"T-teka? Hindi ko naman to kwarto?"

Tumingin ako sa labas ng bintana at nanlaki ang mata ko nung marealize kung wala pala ako sa palasyo namin..

Parang umuulan sa labas na walang ulan.. Ang kwartong hinihigaan ko ngayon lahat ay kulay itim at abo.. Wala kang makikitang ibang kulay maliban sa suot kong dress..

Naalerto ako nang maramdaman ko ang kapangyarihang iyon..

Malakas nyang sinipa ang pintuan at masamang nakatingin sa akin..

"Ano ang tawag mo sakin? UNGGOY??"

Napanganga ako nang makita ko ang itsura nya..

'Sya ba si Vamas? Pero imposible.. Ang pagkakaalam ko halimaw din ang itsura nya kasi hindi nya ipinapakita ang anyo nya.. Baka hindi sya si Vamas, pero imposible din.. Sa kanya nagmumula ang kapangyarihan na yun..'

Sa totoo nyan, kagaya ko ang anyo nya, pero may dalawa syang malalaking sungay sa ulo.. Pero hindi ko yun naramdaman kanina nung humiga sya sa hita ko..

"A-ahh, a-ahh, a-ano k-kasi---"

Nanlaki ang mata ko nung nasa harap ko na sya.. Isang dangkal lang ang pagitan ng mukha namin..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Where stories live. Discover now