📌 TEN

286 26 0
                                    

Alexis POV

"Isama mo si Heneral Flint, Alyssa.." sabi ni Allan nung makalabas na kami sa kwarto nila Ina..

Papunta kame ngayon sa trono nya..

"Ha? Bakit ko naman isasama ang papansin na yun?" irita kong sabi.

"Dahil hindi mo ako kasama.." sabi nya..

"Kasama ko naman sila Walgron at Fragron.. Di ko na kailangan pang magsama ng pabigat.."

"Sa ayaw mo man at sa gusto mo, isasama mo sya.. Hindi ko hiling yun.. Utos ko yun bilang magiging hari ng Magical Kingdom.." diin na sabi nya

'Mukhang no choice na ako ahh!!'

---

-FlashBack-
(Sa bahay ng GronPack)

Narrator POV

"Doon ang huli kong misyon.." sabi ni Alyssa na nakatingin sa dalawa..

"Seryoso ka?" - Walgron.

"Nagbibiro ka lang di ba?" - Fragron.

Tumango lang si Alexis sa kanila..

"Di mo ba alam na sobrang mapanganib dun?" halos sumigaw na si Walgron..

"Wala akong magagawa andun ang misyon ko."

Nakita ni Alexis kung paano magtiningan ang dalawa sabay tumingin sa kanya..

"Anong misyon ang gagawin mo dun?" mahinahon na sabi ni Walgron..

"Patayin ang Prinsipe.." simple sagot ni Alexis..

"ANO?!!!!" sabay na sigaw ng magkapatid..

"Ano ka ba naman Alyssa, sa pagkuha mo nga lang ng simpleng bagay na pagmamay-ari ng Dark Heaven maaari mo nang ikamatay.. Tapos sasabihin mo papatayin mo ang prinsepe.. Nahihibang ka na ba?" inis na sabi ni Fragron.. "Gusto mo bang tumira ang kaluluwa mo sa nag-aalab na apoy?"

"Iyon ang misyon ko.." sagot ni Alyssa na nakatingin sa sahig..

"Ikaw nga kumausap dyan Walgron!! Nayayamot ako!!" sabi ni Fragron at lumabas ng bahay..

"Alyssa.."

Tumingin si Alexis kay Walgron..

"Alam kong naiintindihan mo ang sinabi ni Fragron.. Hindi mo kailangan ilagay sa kapahamakan ang sarili mo para sa isang misyon.." sabi ni Walgron at tumabi kay Alexis..

"Naiintindihan ko sya, Walgron.. Sa akin lang misyon ko ito para protektahan ang kaharian namin.. Ang pagsusulputan ng mga halimaw sa labas ng kaharian ay gusto kong malaman ang dahilan.." sabi ni Alexis at tumingin kay Walgron.. "Isinasakripisyo ng mga Magi ang kanilang buhay para sa kaharian, at gusto ko din gawin yun.. Isasakripisyo ko ang sarili ko para sa kaligtasan nilang lahat.."

Napabuntong hininga si Walgron sa inasal ni Alexis..

"O sige.. Kung yan ang gusto mo.. Sasamahan ka namin ni Fragron.." napatingin agad si Alexis sa katabi.. "Kung ayaw mong mapahamak ang kaharian nyo.. Ayoko din na mapahamak ka.. At kame lang ang nakakaalam kung saan ang daan patungo sa palasyo ng Dark Heaven."

Napangiti at yumakap ng mahigit si Alexis kay Walgron..

"Maraming salamat Walgron.." sabi nya..

"Hindi mo ba maaaring baguhin ang misyon mo? Mahihirapan tayong makalabas pagpinatay mo sya." tanong ni Walgron ng kumalas sila sa yakap..

"May plano na ako.."

----

Sa Dark Heaven

Narrator POV

"Kamahalan." isang halimaw na kawal ang pumasok at mabilis na lumuhod..

"Ano?" galit na sabi ni Prinsipe Vamas.

"Bumalik na po sya!!"

Kumunot bigla ang noo ni Prinsipe Vamas.

"Sino?"

"Ang iyong prinsesa.. Nakita po sya kanina ng mga kawal sa paanan ng bundok kausap ang anak ng mga Gron.. Dinala po nila ito sa Regust at iniuwi din sa palasyo."

Sa hindi malaman na damdamin ng Prinsepe, tumayo sya sa kanyang trono..

"Ipatawag mo sina Aquarius, Diban at Katin, at sabihin mo ihanda ang mga kawal nila.. Susugod tayo sa palasyo ng Magical Kingdom para kunin ang prinsesa ko.."

Mabilis na tumayo sa pagkakaluhod ang kawal at nagmadaling lumabas ng trono.

"Hindi na ako makapaghintay na makasama ka, mahal ko.."

----

Sa palasyo 🏰

Alexis POV

"Kayo po ang masusunod kamahalan.." sabi ni Flint at yumuko sa harap ni Allan..

Ready to Adventure na sana ako.. Balak ko sanang tumakas at hindi isama ang ulupong na Flint na to..

Ang kaso na huli ako ni Allan na papasok sa bag ko.. Naramdaman ko nalang may kadenang pumulupot sa katawan ko at hinila ako papalapit sa kanya..

"Iimpake mo na ang gamit mo." utos ng unggoy..

'Kakainis'

Yumuko ulit ang ulupong sa harap ng unggoy saka lumabas ng trono..

"Ngayon, baka pwede mo na akong pakawalan sa kadenang ito?" inis kong sabi..

"Hindi muna sa ngayon.. Buti nalang gumagana pa ang makapangyarihang kadena.." ngiting ngiti naman na sabi ng unggoy..

Sinamaan ko naman sya ng tingin na lalo nyang ikinatawa.

"Ang pangit mong tumawa unggoy." inis kong sabi..

"Hahah.. Dahil sa mabait ako, tutuparin ko ang ipinangako ko sayo nung bata pa tayo.." - Allan

"Anong pangakong sinasabi mo dyan? Wala akong maalalang nangako ka.." irita kong sabi.

"Hindi ba sabi ko sayo.. Nakapag-iniwan mo ulit ako ikakadena na kita sa akin." nakangiti nyang sabi..

"Nagpaalam naman ako sa inyo na aalis ako.. Bakit mo pa ako ikakadena? Wag mong sabihin na sasama ka?"

"Hindi ako sasama.. Pero tutuparin ko yun sa pagitan ni Heneral Flint.. Dahil ang hilig mong umalis ng basta basta.."

"Wag mong sabihin na ekakadena mo sya sa akin?" taas kilay kong sabi.

"Tama!!"

"Ahhhhh!!! Unggoy ka talaga!!!"

"Hahahaha-"

*Boooogshh*

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon