📌 TWO

362 31 1
                                    

Alexis POV

"Ha?" tanong ko. "Pinagsasabi mo? Alexis ang pangalan ko at hindi Alyssa." mataray na dagdag ko pa.

Nakita ko na nagulat yung babae at tumingin kay Tiyo na may pagtatanong.

"Patawad Dyosa Hileria. Tinanggal ko kasi ang mga alala nya." nakayukong sabi ni Tiyo.

"Ahh kaya pala!" tumango tango naman ang babae..

"Naguguluhan ako Tiyo.. Ano bang pinag-uusapan nyo?" tanong ko..

"Maupo ka muna anak, ako ang magpapaliwanag" sabi ni Tiyo at ginawa ko naman ang gusto nya..

-----

"Ahahahah..." tawa ko nang malakas matapos nilang ikwento sakin ang nangyari daw sakin ng bata pa ako.. "Ano ba kayo Tiyo? Wag mo nga akong patawanin ng husto.. Sumasakit na ang tyan ko.." sabi ko at walang tigil na tumatawa..

Matapos kasing ikwento nila Tiyo na isa daw akong Prinsesa at pitong buwan palang ako na nakipaglaban sa mga alagan nung Reyna Dana? o Lana?.. Ayy!!! basta yun!! Matagumpay ko daw na nagawa yun..

Tapos daw para maibalik daw ang buhay ng Prinsipe ng Magical Kingdom.. Ay humingi daw ako ng tulong sa tatlong dyosa.. Pumayag naman daw sila pero ang kapalit ay hindi na ako makakabalik sa dati kong katawan..

Tapos sinabihan daw nila si Tiyo Riko, na sya ang mag-alaga sakin sa mundong ito para palakihin ng maayos..

Halos di ko mapigilan ang sarili kong tumawa.. At ngayon daw kailangan kong tapusin ang huling misyon ko dahil na sa tamang edad na daw ako..

"Alam mo Tiyo, aalis na ako.." sabi ko at tumayo.. Kinuha ko ang susi ng motor ko na naiwan sa lamesa nung kumain ako kanina..

Pumunta ulit ako sa pwesto nila at nagpamaywang..

"Alam mo Hileria.. Ang ganda mo sana kaso mukhang may saltik ka sa utak.. At saka Tiyo iwasan mo na ang kape ng kape.. Nakakasama din yan sa kalusugan mo lalo na't tumatanda kana.. Sige aalis na ako.." sabi ko at dumaretsyo sa pintuan pero bago ko pa maisara ang pinto ay may sinabi si Hileria na nagpatigil sakin ng husto..

"Nanganganib ang buhay ng pamilya mo.." sabi nya.

"Patay na ang magulang ko.. Dahil yun ang sinabi sakin ni Tiyo.. Panghahawakan ko yun at hindi maniniwala sayo.." pagalit kong sabi saka padabog na isinara ang pinto..

May part sa akin na gustong naniniwala  sa sinabi ni Hileria.. Pero dahil sa sinabi nilang katangahan tungkol sa magic-magic na yun at sanggol na nakikipaglaban, naisip ko na baka may saltik lang sila.

'Sino namang sanggol ang lalaban sa matatanda? At pito o anim na buwan lang daw.. Haha patawa..'

Pero ang sabi sakin ni Tiyo Riko patay na ang magulang ko.. Kaya yun ang panghahawakan ko..

---

"Alexis.... Alexis? Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako nang may magsalita sa harap ko..

"Ho? Ano nga ulit yun?" sabi ko at napapakamot sa tenga ko..

"May problema ka ba, Alexis?" tanong ng amo ko.

"Wala naman.. Paano nyo naman nasabi?"

"Balisa ka kasi ngayon at mukhang ang lalim ng iniisip mo." sabi nito. "Sabihin mo sakin.. May problema ka ba?"

"Hehehe wala naman.." pilit tawa kong sabi.

"O sya! bumalik tayo sa ating topic." sabi ni Boss Dan..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Where stories live. Discover now