📌 Special Chapter

375 30 0
                                    

Alyssa POV

Walong buwan ang lumipas matapos mangyari ang labanan sa pagitan namin at ni Athena..

Masaya ako dahil sa wakas payapa nang namumuhay ang Dark Heaven at Magical Kingdom..

Ang bundok Regust ay pinapayagan na rin naming bumisita sa palasyo..

Ang totoo nyan kaya ko ding gumawa ng barrier sa Magical Kingdom katulad nang ginawa ng dating Hari.. Kaso naisip ko na wag nalang dahil hindi naman talaga masasama ang mga halimaw..

Sa katunayan nga, sila ang kinuha kong Gwardya sa Magical Kingdom.. Sa pamumuno nina Fragron at Heneral Flint, syempre kasama na din si Chichi..

Si Walgron naman ang taga pagbantay ko. Masaya nga ang mga Gron dahil sa katapangang ginawa ng mga anak nila..

Si Emerald naman ang naging dyosa ng Magical World. At sobrang saya nya dahil binigyan sya ng tiwala ng dyosa ng mga dyosa..

Oo nga pala, nalimutan kong sabihin na ikakasal na pala si Allan at Devila..

Hahaha tama kayo sa nabasa nyo.. Pinili kasi ni Devila ang maging Magi kesa sa maging Dyosa.. Dahil ilang buwan silang namalagi dito sa palasyo, tuluyan na daw na hulog ang loob nila sa isa't isa.. Sweet nila di ba.. Pero di pa rin maiwasan ang pagtatalo nilang dalawa..

Si Ina at Ama naman pinili nilang tumira sa Heaven's Magic.. Tutol nga kame sa naging pasya nila dahil hindi na namin sila makikita, kaso ang sabi nila mas sasaya sila kung kukunin na ni Allan ang kapangyarihan nila at mabubuhay sila magkasama sa Heaven's Magic.. Masakit man pero tinanggap na din namin.. Para sa kasihayan nilang dalawa gagawin namin ang lahat para sa iniwan nila..

Si Allan at Devila ang namamahala sa Magical Kingdom at ako naman---

"Mahal na Reyna, pinapatawag na po kayo nang kamahalan.. Magsisimula na po ang seremonya.."

Yeah! Isa na akong Reyna... sa Dark Heaven..

"Susunod na ako, Walgron.." sabi ko.

Ikinasal kame ni Vamas, limang buwan na ang nakakalipas..

Lumabas na ako ng kwarto ko.. Nakita ko ang ilang tagapagsilbi na nakayuko habang naglalakad ako.. Sa katunayan, bumalik na ang dating sigla at kulay sa Dark Heaven..

Ibinalik na kasi sa ipinagbabawal na bahay ang berdeng kristal kaya naging sobrang saya ng mga halimaw sa Dark Heaven.. Ginamitan ko din ng kapangyarihan ko ang pinagbabawal na bahay na walang makakapasok na kahit sino maliban kay Evan.. Ang dating Hari.

Kahit espirito nalang sya bumibisita pa rin sya sa Dark Heaven.. Ganun din si Arya..

Si Athena naman na sa Heaven's Magic.. Sya ang nangangalaga ngayon sa mga espirito na naggagaling sa spirit land..

Wag kayong mag-alala dahil mabait na sya.. Ganun din si Hileria, sya ngayon ang nangangalaga sa Spirit Land..

Sa pagkakaalam ko.. Nilagyan ng dyosa ng mga dyosa nang gintong pana ang puso nila.. Na kapag gumawa ulit sila nang kasamaan.. Tuluyan na silang magiging abo..

Pasalamat sila dahil hindi sila tinuluyang pinatay ng dyos.. Sobrang bait talaga nya sa mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito..

"Ayos ka lang ba mahal ko?"

Napatingin ako sa nagsalita. Katabi ko na pala sya hindi ko namalayan..

"Masakit na ba ang tyan mo?" nag-aalala nyang tanong.. "Gusto mo bang ipagpaliban na muna natin ang seremonya?"

Hehe tama ang nasa isip nyo.. Buntis ako at malapit nang manganak.. Nangyari yun nung isang buwan akong namalagi dito..

Mahal ko na sya nung oras na yun, kaya di na namin pinigilan pa ang bugso ng damdamin.. Hahha..

"Hindi naman masakit ang tyan ko, mahal ko.. May naalala lamang ako.. At saka bakit pa natin ipagpapaliban ang seremonya? Tignan mo sila oh!! Hindi mawala wala ang ngiti sa kanilang mukha.. Kaya bakit natin sisirain yun?" nakangiti kong sabi..

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito..

"Mabuti nalang at ikaw ang nakatadhana sakin.. Dahil ako na yata ang pinakamasayang nilalang, dahil nakilala at nakasama kita.. Mahal na mahal kita, mahal ko.. At gagawin ko ang lahat para hindi mawala ang ngiti sa iyong magandang mukha.."

Napangiti naman ako sa sinabi nya..

"Mahal na mahal din kita, Vamas."

At lalo ako napangiti nang idampi nya sa akin ang malambot na labi at ginantihan ko naman ito..

-----------

💕💕THE END💕💕

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Where stories live. Discover now