📌SEVEN

286 31 0
                                    

Alexis POV

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa kabayo ko?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita..

Nakasuot ito ng kulay pink na gown at bulaklaking korona.. Puno din ng make-up ang kanyang mukha na parang binabad sa harina at makakapal na kulay sa magkabilang pisngi at labi.. May mahabang hikaw na umabot hanggang sa balikat nya..

'Mukha syang Clown sa Circus.'

"Ha? Anong sabi mo? kabayo mo?" maang maangan kong sabi..

"Prinsesa Alyssa!!" nakita kong nagsiyukuan ang mga kawal sa harap ng babae nung lumapit sya..

'Oh? Sya pala yung sinasabi ng mga Magi na Prinsesa. Hindi ko naman sya kamukha ah!!'

"Kabayo ko ang hawak mo.." mataray nyang sabi...

Tumingin ako kay Nicolas..

"Anong kalokohan to, Nicolas?!" tanong ko at nagcross arm..

Nagyiha lang sya ng mahina at hindi makatingin ng daretsyo sakin..

"Bakit mo pinapagalitan ang Nicolas ko? Alam mo bang maaari kitang ipakain sa mga halimaw sa labas dahil sa kalapastangang ginawa mo.."

"Pwede bang manahimik ka muna.. Kinakausap ko ang kabayo KO.." inis na sabi ko sa kanya..

"Di mo ba alam na Prinsesa ako at ang lakas ng loob mo na sagot sagutin ako." galit nyang sabi..

"Alam kong Prinsesa ka.. Pero wala akong pakialam sayo.." sabay irap ko sa kanya.

"Aba't---"

"Anong kaguluhan ito?" mula sa likod ko may lalaking nagsalita..

"Kuya Allan!!" mangiyak-ngiyak na sabi nung pekeng Alyssa at tumakbo dun sa lalaki..

Paano ko nasabing peke, kasi kaninang wala pa ang unggoy, ang itsura nung Prinsesa ay mangangain na ng buhay, ngayon naman nagpaawa ipek, na akala mo inapi ng sangkatauhan..

"Kuya Allan, tignan mo may impostora akong kamukha.. Tapos ang lakas pa nang loob nya na angkinin ang Nicolas ko!!"

"Ikaw babae!!! Sino ka?? Humarap ka sa akin at ipakita ang iyong mukha!!" galit nyang sabi.. "Wala kang karapatan kunin ang hindi mo pagmamay-ari.. Lalo na kung sa kapatid ko.."

Alam nyo yung tipong gusto kong maiyak dahil sa saya na masisilayan ko na ulit ang mukha nya, kaso di ko magawa dahil sa ugali nya..

'Ito ba yung sinasabi ni Athena, na ihanda ko ang sarili ko sa pagbabago ng Magical Kingdom? Tsk..'

Humarap ako na nakataas ang kilay sa kanila at nakita ko ang gulat sa mukha nya..

"Paano kayo naging magkamukha?" sabi ni Allan matapos nyang makabawi sa pagkakagulat..

"Tsk.. Malay ko.. Pero hamak naman na mas maganda ako kesa sa kapatid mo na mukhang payaso.." mataray kong sabi..

"ANO??!!" sigaw ng pekeng Alyssa..

"Halika na Nicolas.. Kailangan mong magpaliwag ng husto sakin.." sabi ko at naunang maglakad..

Nilampasan ko sila at inirapan..

"Nicolas ko, wag kang sumama jan!!" iyak na sigaw nung peke.

Naramdaman ko naman na sumunod sakin si Nicolas..

"Kuya Allan!!! Si Nicolas ko!!!" sigaw nung peke..

"Babae!! Ibalik mo si Nicolas ngayon din. Kung ayaw mong ipakain kita sa mga halimaw sa labas!!" sigaw ni Allan..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Where stories live. Discover now