Tangina. Ito na nga yata talaga ang katapusan ko. Hindi ko man lang naranasan makahalik ng lalaki sa buhay na 'to. Halikan ko na lang kaya 'to si Cad bago nila ako patayin para 'di na 'ko lugi sa nga huling sandali ko?

“Nathalie, sabi ni Ashteroh sobrang galing mo raw mag-english. True ba 'yon, lods?” tanong ni Cad.

Napasinghap ako at napangiti saka napatingin kay Boss Ashteroh.

“I said it in a sarcastic manner, Cad. Bobo ka ba?” sarkastikong sabi ni Ashteroh.

“Hala, boss. Thank you very much. I know that you is said amazing in my english. Ah! Boss, I'm really appreciates it. Don't worries, boss. I spokening in english always and forever.” Napapalakpak pa ako.

Napahagalpak ng tawa si Cad at napahampas pa sa tuhod n'ya habang panay ang tawa. Pinigilan ko ang sarili na batukan siya. Kita n'yang nagpapasalamat ako kay boss Ashteroh, e. Pa-epal.

“Gago, mas malakas talaga trip mo kaysa sa 'kin. Ashteroh, kapag hindi nakapasa 'to... Ako na lang aampon, tangina. Sobrang laptrip ng babaeng 'to,” natatawang sabi pa ni Cad.

“No, we will kill her if that happens... That's the rule,” sabi ni Ashteroh.

“KJ,” bulong ni Cad.

Hay nako. Kill na naman. Balak yata talaga nila akong patayin. Kasalanan talaga ni Cheese Moza ang lahat ng 'to. Mula ngayon, naglalakad na fake news na lang ang tingin ko sa kanya. Hindi na siya realball source.

Natigilan ako nang tumigil na ang kotse. Agad na bumaba ng kotse sina Cad at Ashteroh kaya bumaba na lang din ako.

“Nathalie, alam mo ba ang dapat mong gawin para hindi ka mapatay?” tanong ni Cad saka muling umakbay sa 'kin.

Napaismid ako. “Siyempre hindi. Hindi naman ako manghuhula 'no,” bulong ko.

“Ay gano'n ba? Sorry, lods ha.” Napakamot siya sa batok n'ya. “Nakikita mo ba 'yang mansyon na 'yan?” tanong n'ya saka itinuro ang mansyon mula sa di kalayuan.

“Hehe, siyempre naman, Cad Toth. May mata ako, e,” sabi ko na lang.

“Kailangan mong nakawan 'yan. Kapag umabot sa mahigit isang milyon ang halaga ng mananakaw mo sa mansyon na 'yan, pasado ka,” paliwanag n'ya.

Napahawak ako sa baba ko habang nakatitig sa mansyon. Mas malaki ang mansyon ni Ashteroh sa isang 'to at mas maraming guard sa front gate... pero mukhang mas madaling lusutan ang mga blind spot dito. Pero hindi dapat ako makampante dahil sumabit ako kay Ashteroh. Saka hindi ako sigurado kung may nakabantay rin kapag nakapasok ako ng gate. Kailangan ko munang pag-isipan ang kilos ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa mansyon. Naglakad lakad din ako para libutin ng tingin ang paligid no'n. Hindi naman nagsasalita sina Cad at nakatingin lang sa ginagawa ko.

“Isang milyon... pera lang ba? O pwede na kahit gamit?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa bahay.

“Kahit ano, Nathalie. Basta isang milyon mahigit ang halaga,” sabi naman ni Cad.

Napahawak ako sa kilay ko habang nag-iisip. Medyo mahihirapan ako sa isang 'to lalo na kung mag-isa lang ako. Mahalagang factor sina Chinu, Ken, at Kuyu sa mga ganitong klaseng nakawan. Kahit naman magaling ako sa ganito, may limitasyon din.

Pero kung hindi ko gagawin 'to, papatayin ako ng mga gagong 'to.

“Pwede bang maghanda muna 'ko ng gamit gaya ng malaking bag, mga gamit pang-unlock ng pinto, saka kahit anong panghampas na rin kung sakaling sumabit ako,” sabi ko na lang habang sinusuri pa rin ng tingin ang mansyon.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Where stories live. Discover now