"Stop talking and go back to your training!" Sigaw ni old man.



Nagtakbuhan naman ang mga estudyante at nagsimula nang magtraining na parang walang nangyari. Damn! Sa oras na 'to ay walang humpay na tanong na naman ang kailangan kong sagutin.



Tahimik na naglakad paalis si Sir kaya sumunod na lang din ako. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit may Roosevelt  sa AIA. Sa yaman ng pamilyang 'to ay imposible na nandito siya para magturo diba? Well napakalaki ng sahod na natatanggap ng mga professors dito sa school, pero kumpara sa pera ng mga miyembro ng Roosevelt ay barya lang 'yon para sa kanila.



Hindi ko rin naman masabi ang rason niya dahil hindi naman ako pamilyar sa character na 'to dahil sa nobela ay 'di masyadong binigyan ng scene itong mga Roosevelt. Basta ang nakalagay lang don ay ang mommy ni Vile ay isang Roosevelt. Base pa sa libro ay hindi maganda ang relasyon ng mommy ni Vile sa pamilya niya dahil sa pagsali nito sa mafia.



Bilang military family ay normal lamang sa kanila ang pagsu-sundalo, pero dahil ang mommy ni Vile ay na-inlove nang maaga sa daddy nito na kabilang sa mafia ay hindi naging maganda ang kinahinatnan noon sa pamilya. 



Itinakwil ng patriarch nila ang mommy ni Vile kaya simula noon ay nawalan na ng koneksyon ito sa pamilyang Roosevelt. Pero kahit ganon ay hindi naman nawala ang pagmamahal ng Roosevelt sa male lead na si Vile, dahil para sa kanila ay napaka-talented nito sa lahat ng bagay.



Iba talaga kapag male lead ka ng nobela dahil siguradong perfect at ideal man type ang labas mo! Geez! Napailing na lang ako at hindi na inisip ang problema ng pamilya nila. Problema ko nga sa pamilya ni Heavenhell ay hindi ko pa nasisimulang asikasuhin tapos iintindihin ko pa ba ang iba?



Makalipas ang ilang minutong paglalakad namin ni Sir Roosevelt ay tumigil kami sa malaking building na may tatlong palapag. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala kami ng military training ground. Ganon ba talaga ako katagal nag-isip?



"Good afternoon, Lieutenant Roosevelt!" bati ng mga military guard na nakabantay sa entrance ng building. Oh gosh! Lieutenant?! This old man is a big figure that I can't afford to offend!



Tinanguan lang sila nito at hindi na rin nila ako hinarang dahil obvious naman na kasama ako ng lieutenant nila. Sa asta ng mga gwardiya ay makikita mo napaka-importante ng taong 'to sa military deparment kaya kailangan ko siyang igalang mamaya dahil baka hindi na ako papasukin ulit sa susunod. Higit sa lahat ayoko na i-report nila ako sa Caventry family!



Sa AIA kasi ay masyadong mahigpit ang security kaya walang mga impormasyon na nangyayari sa loob ng school na nakakalabas sa mga outsiders. Ibig-sabihin ay safe ako dito kaya kahit ano pang gawin ko ay hindi 'yon basta-basta makakarating sa pamilyang Caventry. Well, depende pa rin yun kung hindi ako i-rereport ng mga nakatataas sa AIA.



Nang makapasok kami ni sir sa elevator ay hindi pa rin siya nagsasalita at talaga namang napaka-awkward! Idagdag mo pa na gutom na ako dahil hindi pa ako nakakakain. May usapan pa naman kami ni Lorraine na magkita sa cafeteria ng school para sabay kumain. Ayoko rin na ma-late at baka ma-bully na naman siya ng mga feeling magagandang estudyante. Tsk!



Nakarating kami sa third floor ng building at pumasok sa opisina na may magandang disenyo. Mala-european style ang dating ng office ni Sir Roosevelt. Masasabi ko na tumatanda na nga talaga siya dahil sa old vibes na nararamdaman ko sa estilo ng arkitektura at mga muwebles na ginamit.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now