Hiel Sebastian Lara Cervantes:
Likewise.
Where will you and Tita Lina be staying?

Naging abala ako sa pagre-reply sa mga chats ni Hiel at ng ilang mga kaibigang nangangamusta habang papunta kami ni Mommy sa isang restaurant para kumain. We'll go straight to our house in the city to rest. Kinabukasan, mukhang magiging abala kaagad si Mommy sa mga kaibigan n'ya.

Nothing has changed with my Mom. She frequently visits a lot of friends and they do the same to her so I was sure that we will be busy during our stay in the Philippines. Balita ko nga ay may naka-schedule kaagad na El Nido trip si Mommy na hindi ko na sasamahan dahil marami rin akong kaibigan na pinangakuan kong kikitain habang nasa Pilipinas pa ako.

Pero ang plano kong unang kitain ay si Hiel at balak ko ngang pumunta sa bahay nila bukas para roon. Like planned, Mom and I rested on our first day home and went to see our friends the next day.

Because it was hot, I wore a beige halter top and a pair of high-waisted short jeans when I went to Hiel's house. I expected to lounge at their house so I wore something that I can be comfortable in.

It was a Saturday. Dahil weekend, akala ko ay ang mga kaibigan ni Hiel ang sasamahan n'ya pero pumayag s'yang makipagkita sa'kin. 

Pagdating ko sa bahay nila, the first thing I noticed was how the aesthetic of the house changed. The house looked like a bachelor's house which was totally understandable. Si Hiel na lang kasi at ang Papa n'ya ang nakatira ro'n.

When Tita Stella, Hiel's mom, was still alive, their house has always been warm and welcoming. Pero ngayon, malinis man ang paligid, halata nang may kulang doon at iba na kaysa noon. I grew up here. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot habang iniisip ang dating dating ng bahay.

Ang hirap na makitang ang mga bagay na nakasanayan ko noon ay nagbabago sa paglipas ng panahon. I should used to it by now. Ang mga lugar, bagay, at panahon ay nagbabago. And so do people.

I was told by one of their housemaids that Hiel was still in the shower. Kaya naman para hintayin s'ya, naupo na muna ako sa sofa ng living room nila na unang sumalubong sa akin pagpasok ng bahay.

Ang kulay ng mga gamit sa bahay nila ay madalas na kulay abo, puti, o itim na. Karamihan din ng gamit ay kuwadrado. The house feels unfamiliar now and a little bit colder than how I remember it to be. Parang dati, ito na halos ang maging pangalawang bahay ko. Ngayon, ni hindi ko magawang umalis sa sofang kinauupuan ko dahil pakiramdam ko, hindi dapat ako nangingialam o naglilibot nang walang paalam sa bahay ng iba---because the house feels unfamiliar now.

Napanguso ako. Gaano katagal na ba akong hindi nakabalik dito? Mukhang inayos ang halos lahat at marami na ang nabago.

"Kanina ka pa?"

Agad akong napalingon sa kadarating lang na si Hiel, nakahawak sa buhok n'yang basa pa at nakasuot ng salamin habang nag-aalalang nakatingin sa'kin. He's wearing a black round neck shirt and a pair of white shorts. 

Mas mahaba ang buhok n'ya kaysa sa naaalala ko no'ng nakaraang taon. O baka dahil basa pa galing sa pagligo ang buhok n'ya kaya mukhang mas mahaba. 

"Sorry," he pursed his lips.

Agad akong tumayo at napangiti nang makita s'ya. Lumapit ako kay Hiel at hindi n'ya inalis ang tingin sa akin habang papalapit ako. 

"Ang tangkad mo!" I happily said before I went closer for a hug. "I miss you!"

He's leaner than before. Cute! He's growing so well.

Agad akong kumalas sa yakap at tiningnan ulit s'ya. I caught Hiel looking away and I noticed a slight flush on his cheeks. 

Coldest War (War Series #2)Where stories live. Discover now