21. Chasing Arang

Start from the beginning
                                    

Then came the moon.

Bright.

Mysterious.

Majestic.

The moon beams kissed the sanctuary of Arang. The stone was revealed from the dark ground. Kumislap iyon ng napakaliwanag hanggang sa tuluyang naging diamante ang kanina'y itim na bato. Like a diamond burnished and polished, nakakasilaw ang liwanag na nagmumula dito.

We slightly covered our eyes dahil sa sobrang nakakasilaw na liwanag nito. Then when the luminous stone stopped throwing blinding rays of light, one magical creature appeared. It was a ninetailed fox as white as the clouds. Its eyes are like diamonds, his body was covered with a glossy white fur and his tailsn of nine are three meters long. Some of its tails were floating like feathers and every movement was as if choreographed perfectly creating a majestic view.

"Ohhh!!!" Halos sabay-sabay naming bigkas nang makitang gumalaw na parang isang diwata si Arang na nasa anyong soro.

Then...

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Laurent and Alvis leaped quickly to catch Arang. Parang mga mabibilis na lobong sasakmal ng biktima. Pero bago pa sila makalapit sa soro ay napalibutan na ito ng tatlo pang mga kalalakihan.

Sila yung mga bounty hunters na nakasabayan namin papasok ng kagubatan ng Parisi. Doble ang bilis ng mga 'to kaya naunahan sina Laurent. Nang akmang dadakpin na ng mga ito ang Arang ay mabilis na pumulupot ang siyam nitong buntot sa iba'ibang bahagi ng kanilang katawan. As if those tails are long elastic tentacles that lifted them and threw them like rotten fruits. Pagkatapos niyang gawin yun sa tatlong bounty hunters ay para itong kidlat na mabilis na pumuslit sa harapan ng nina Alvis at Laurent.

Alvis kneeled down with his right arm resting on the ground. Parang bumubwelo ito at magpapatubo ng pakpak. His wings came out so quick the usual way it tore his shirt with two slices on his back. Among us, he is the fastest. Kaya nitong habulin ang ninetails kung gugustuhin niya. Nakailang malakas na bagwis pa ang mga puting pakpak nito bago lumipad na parang isang agila.

Sumunod si Laurent kay Alvis. He ran and leaped over the bushes and other obstacles. Then he's gone. Nawala na ito sa madilim na kagubatan.

If not because of the moon, siguro ay nahirapan na kaming kumilos at sundan sina Alvis at Laurent. Si Amber ang nagpumilit na sundan sila. Pumayag na rin ako sa kagustuhan masigurong ligtas kaming lahat.

"Sa lagay nating 'to, makakasunod tayo?" Reklamo pagkatapos nitong makalimang hakbang. Obviously nagrereklamo ito kay Silex.

Napatingin din ako sa lalaki. Nakuha ko agad ang ibig sabihin ni Amber. He needs to transfrom into something fast.

Silex got confused. Bakas sa mukha nito mula sa liwanag na nagmumula sa buwan. He even blushed if I'm not mistaken. Nagpalipat-lipat ito ng tingin saaming dalawa ni Amber bago nakuha ang ibig naming sabihin at napakamot ng ulo.

"Hubad!" Utos ni Amber na may halong kapilyahan. I saw her doing an inward smirk na lalong kinailang ni Silex.

Tumalikod ako. Marahil ay nahiya si Silex. Amber remained facing Silex with arms crossed and right hip popped out.

"Amber!" I heard Silex slightly shouted like a kid starting to throw tantrums. Then he scoffed hastily.

Napahagikgik pa si Amber bago tuluyang tumalikod matapos siguro itong sumuko sa malapit nang mapikon na lalaki.

"After this transformation, get my pants and my shirt as well as my bag." I hear Silex from behind.

"Hell yes mahal na prinsipe ng mga hayop!" Pambubusko ng babae at sinundan pa iyon ng nakakabinging tawa. Napangiti ako sa asaran ng dalawa.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now